fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Sabayan Mo Ako: Lahat Tungkol Sa Sabayang Orgasmo

simultaneous orgasms

Ang pag-orgasmo nang sabay ay tila ang layunin ng lahat ng magkasosyo tuwing magtatalik, at akala ng maraming tao na kailangan mangyari ito para makamit ang nakakalugod na relasyong sekswal. Ngunit sa katunayan, hindi palaging nangyayari ang sabayang orgasmo at isang posibleng parte lamang ito ng relasyong sekswal.

Masaya at nakakatuwa ang pag-orgasmo nang sabay, pero hindi ito kasing daling gawin tulad ng pinapakita sa mga pelikula o porno.

Mga matagal nang magkasosyo ay may mas malaking tsansa na mag-orgasmo nang sabay dahil kailangan ng mahabang panahon para maging komportable sa isa’t isa at maintindihan ang mga gusto ng isa’t isa pagdating sa seks.

Bakit mahirap makamit ang sabayang orgasmo?

Hindi kasing bilis at dali mag-orgasmo ang mga babae tulad ng mga lalaki. Maraming babae ang nahihirapan mag-orgasmo habang nagtatalik dahil nangangailangan ng mas maraming stimulasyon at pagpukaw upang maabot ng babae ang orgasmo. Ang seks ay karaniwang pinaniniwalaang penetrasyon ng ari ng lalaki sa ari ng babae lamang, na karaniwang hindi sapat upang mag-orgasmo ang babae. Foreplay at iba pang stimulasyon — tulad ng paghahaplos sa klitoris — ay napakahalaga para mag-orgasmo ang babe, na kadalasang hindi nagagawa ng kanyang kasosyo (lalo na ang mga lalaki).

Mahalaga ang tiyempo. Kung sakaling nag-o-orgasmo ang babae sa penetrasyon, hirap ang mga lalaki na ityempo ang kanilang pagbulalas kasabay sa orgasmo ng babae. Maraming lalaki ang hindi kaya kontrolin ang kanilang orgasmo, lalo na ang mga nakakaranas ng napaagang pagbulalas.

Paano makamit ang sabayang orgasmo

Maraming magkasosyo ang hindi magkakaroon ng sabayang orgasmo, o hindi ganoong kadalas. Pero huwag mawalan ng pag-asa! Mahirap makamit, pero posible pa rin. Narito ang ilang mga payo na maaaring makatulong sa inyo kung nais niyo talagang masubukan.

Huwag ipilit. Mas madaling mag-orgasmo kapag pareho kayong komportable at tinatamasa ang sandali. Ang pagpipilit at pagpepresyur sa inyong sarili na mag-orgasmo ay pipigilan kayo mula sa lasap sa kasiyahan at mga sensasyon. Tandaan, ang sabayang orgasmo ay isang posibleng aspeto lamang ng nakakalugod na relasyong sekswal. Lasapin ang sandali at namnamin ang oras kasama ang iyong kasosyo. Isipin na bonus lamang ang sabayang orgasmo, at hindi ito ang nag-iisang layunin ng pagtalik.

Alamin ang mga gusto ng iyong kasosyo. Ang karanasan ng iyong kasosyo ay kasing halaga ng iyo, lalo na kung nais mong magkaroon kayo ng sabayang orgasmo. Maglaan ng panahon para alamin kung ano ang mga gusto ng iyong kasosyo. Ang pagtupad sa kanyang mga gusto ay nakakalugod rin para sa iyo tulad ng paano siya nalulugod, at maaaring makatulong sa inyo na mag-orgasmo nang sabay.

Bigyang pansin ang klitoris. Ang klitoris ay napakasensitibo sa stimulasyon, at ito ang bukod-tanging parte ng katawan ng babae na pang sekswal lamang ang layunin. Maraming babae ang nag-o-orgasmo sa paghaplos sa klitoris. Baka ito ang susi sa pag-orgasmo nang sabay.

Sabayan ang iyong kasosyo. Subukang sabayan ang tiyempo ng iyong kasosyo, at salitan niyong tuparin ang mga gusto ng isa’t isa. Ang pagtupad sa gusto ng bawat isa ay mahalaga para sa sabayang orgasmo.

Kontrolin ang pagbulalas. Hindi madali, pero pwedeng sanayin! Ang pagkontrol sa pagbulalas ay makakatulong sa lalaki na mag-orgasmo kasabay ng kanyang kasosyo. Ang pagtigil sa stimulasyon na nakaka-udyok sa pagbulalas ay makakapigil muna sa orgasmo ng lalaki habang binibigyan pansin ang mga gusto ng kanyang kasosyo, hanggang sa mag-orgasmo sila nang sabay. Maraming paraan upang makontrol ang pagbulalas; alamin kung ano ang gagana sa iyo.

Gumamit ng pampadulas. Ang pampadulas ay nakakatulong sa babae na mag-orgasmo nang mas mabilis. Ginagawang mas komportable ang pagtalik at mas nakakapukaw ang mga stimulasyon. Kapag may pampadulas, pwedeng magtagal sa pagtalik at magkaroon ng mas maraming pagkakataon na mag-orgasmo nang sabay.

Mga huling paalala…

Huwag gawing malaking bagay ay sabayang orgasmo! Mas mahirap makamit kapag masyadong pinipilit. Hindi ito ang layunin para magkaroon ng nakakalugod na karanasang sekswal — isang posibleng aspeto lamang ito. Relaks ka lang at laging tandaan na ang mga sabayang orgasmo ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang pinakamahalaga ay pareho kayong tinatamasa ang karanasang sekswal.

Mga pinagmulan:

https://flo.health/menstrual-cycle/sex/pleasure/how-to-orgasm-together

https://www.netdoctor.co.uk/healthy-living/sex-life/a2274/simultaneous-orgasm/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon