fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Nga Ba Ang Kahulugan Ng “Pagtatalik”?

reproductive health, family planning, sex, understanding sex

Ang salitang “pagtatalik” ay may iba’t ibang kahulugan para sa bawat tao. May ilang tao na naniniwala na matatawag mo lamang itong pagtatalik kung ang ari ng lalaki ay pumasok sa ari ng babae, ngunit hindi ito totoo para sa lahat ng tao. Maraming iba’t ibang mga ideya tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng salitang “pagtatalik”:

  • Vaginal sex (penis-in-vagina intercourse)
  • Oral sex (mouth-to-genital contact)
  • Anal sex (penis-in-anus intercourse)
  • Dry humping o genital rubbing (seksuwal na paglalaro nang may suot na damit)
  • Fingering o hand jobs (hand-to-genital contact)
  • Pagbabati o masturbation (pagpapasaya sa iyong sarili)

May ilang tao na nasisiyahang lumahok sa ilang uri ng pagtatalik, ngunit hindi para sa iba. May ilang tao na mas bukas sa pakikilahok sa iba’t ibang anyo ng pagtatalik upang malaman ang gusto nila. Ang bawat tao ay may kanya kanyang mga kagustuhan at nakakahanap ng kasiyahan sa iba’t ibang paraan. Normal lang kung ang gusto mo ay hindi eksaktong pareho sa gusto ng ibang tao.

Paano mo man ito bigyang kahulugan, ang pakikipagtalik sa ibang tao ay isang malaking responsibilidad. Bago ka makipagtalik, mahalagang isipin kung anong mga bagay ang komportable kang gawin, at kung ano ang mga kahihinatnan nito (tulad ng mga STI o pagbubuntis). Mahalaga rin na isipin kung ano ang HINDI ka komportable na gawin. At kung nasa kalagitnaan ka ng paggawa ng isang bagay na akala mo ay nais mong gawin, ngunit nagbago ang iyong isip, ayos lang ito. Maaari kang tumigil anumang oras na gustuhin mo.

Kung pinag-iisipan mo ang pakikipagtalik, kausapin ang iyong kapareha at tingnan ang mga paraan upang mapanatili kayong ligtas – paggamit ng condom (upang maprotektahan kayo mula sa mga STI) at contraceptives (upang maiwasan ang di planadong pagbubuntis).

Pumunta sa Contraceptive Finder section upang higit na malaman ang mga maaari mong pagpilian.

Pinagmulan: https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/sex/all-about-sex

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon