ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Sterilisasyon Ng Babae

sterilization, family planning, reproductive health, contraceptive

Sa Isang Tingin:

  • Tinatawag ring tubal ligation.
  • Permanenteng pinipigilan ang pagbubuntis.
  • Karaniwang mabilis ang operasyon at madali ang paghilom.
  • Hindi nagiging sanhi ng mga pagbabago sa mga hormon.
  • 99% epektibo.
  • Isa sa mga nangungunang pamamaraan ng pagpipigil sa pagbubuntis sa mga kababaihan sa Pilipinas.

Ano Ito

Ang pagpapasterilisa ay ang proseso ng ganap na pag-alis ng kakayahan ng katawan na magparami sa pamamagitan ng isang medikal na pamamaraan. Tinatawag rin siyang tubal ligation dahil kasama sa proseso ang permanenteng pagharang o pagsara ng mga fallopian tube upang maiwasan mangyari ang pagbubuntis. Ito ay isang permanenteng pamamaraan ng proteksyon sa pagbubuntis, na angkop para sa mga taong siguradong hindi nais manganak o hindi nais na manganak pa. Sa Pilipinas, ang sterilisasyon ay isa sa mga pinakakaraniwang pamamaraan ng proteksyon sa pagbubuntis sa mga kababaihan, pagkatapos ng mga kontraseptibong pildoras.

Kumunsulta sa doktor bago magdesisyon na magpasterilisa dahil sa sandaling nagawa at natapos ang operasyon, nangangahulugan ito na hindi na magkakaanak at hindi na maibabalik.

Mayroong iba pang mga kontraseptibo na mabisa rin ngunit maibabalik, tulad ng tansong IUD.

Paano Ito Gumagana

Sa parehong kasarian, pinipigilan ng sterilisasyon ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil na magtagpo ang mga kinakailangang sangkap na gumagawa ng isang sanggol. Para sa mga babae, tinatali o pinuputol ang mga fallopian tube, na nakakapigil sa selulang itlog na maabot ang matris.

Ang proseso ng sterilisasyon ay hindi mababalik at hindi nakakaapekto sa natural na paggawa ng hormon ng katawan.

Paano Gamitin Ito

Bago magdesisyon na magpasterilisa, mahalagang makipag-usap muna sa iyong doktor o tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan. Mahalaga rin na alamin ang iba pang mga alternatibong pangmatagalang kontraseptibo na maaaring mabalik ang pagkamayabong tulad ng IUD, na mababa rin ang tsansang mabigo.

Mga Positibo

  • Pang habangbuhay ang bisa.
  • Sobrang epektibo.
  • Hindi ito makakagambala sa pagtalik.
  • Hindi ito maaapektuhan ng ibang gamot.
  • Hindi gumagamit ng mga hormon.

Mga Negatibo

  • Pang habangbuhay.
  • Maaari itong maging sanhi ng sakit, pagdurugo, impeksyon o iba pang mga komplikasyon pagkatapos ng operasyon.
  • Ang pagbubuntis ay maaaring maging mapanganib kung nangyari ito.
  • Ang pagsterilisa ay minsan maaaring mabalik, bagaman ang pamamaraan ay kumplikado at bihirang matagumpay.
  • Hindi pinoprotektahan laban sa impeksyon sa HIV (AIDS) at iba pang mga STI.

Karaniwang Maling Pagkaunawa

  • Hindi nakakahina sa katawan ng babe.
  • Hindi nagiging sanhi ng mga pagbabago sa mga hormon.
  • Hindi binabago ang libog ng babae.
  • Hindi nagiging sanhi ng anumang mga pagbabago sa timbang, gana kumain, o hitsura.

Mga pinagmulan:

https://psa.gov.ph/content/contraceptive-use-philippines

https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/sterilization

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon