fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Tips para sa napakasarap na car sex

Tips for the best car sex ever

Walang tatalo sa ginhawa at privacy na inaalok ng iyong kwarto. Ngunit ang pagbabago ng tanawin at lokasyon ay makakapagpasabik sa inyong labing-labing. Baka ang sasakyan niyo pala ang sagot sa mas intense na sex life!

Ang car sex ay hindi lamang para sa malibog na mga kabataan na walang pribadong lugar para masatisfy ang kanilang pagkauhaw. Anuman ang edad, ito’y para kahit kanino na naghahanap ng panibagong thrill para sa kanilang sex life — sa tingin mo ba ikaw ito? Narito ang ilang bagay at tips na dapat mong malaman para sa best car sex ng buhay mo!

Isaalang-alang ang legalidad

Bago magharutan sa sasakyan, kailangan mong isaalang-alang ang mga batas upang hindi malagay ang iyong sarili sa delikadong sitwasyon.

Sa Pilipinas, nakasaad sa Anti-Obscenity And Pornography Act Of 2008 na “Ang pagsasagawa, o paghikayat sa pagganap ng live na pakikipagtalik o live na sexual act sa publiko, pampublikong lugar o anumang lugar na bukas sa pampublikong panonood” ay may parusa.

Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo munang pumili ng tamang lugar bago ka gumawa ng anumang sexual activity sa iyong sasakyan.

Piliin ang tamang lugar

Dapat mong iparada ang iyong sasakyan sa isang tago at ligtas na lugar kung saan ikaw ay:

  1. May mas mababang tsansa na lumabag sa public-sex laws;
  2. Hindi madaling makita ng mga taong dumadaan, at;

(c) Malayo o tago mula sa ibang tao, kung sakaling magkaroon ng emergency.

Ang ilang mga lugar ay mas mapanganib kaysa sa iba, at ang iba ay nag-aalok ng ibang uri ng sabik ngunit maaari kang ilagay sa panganib na mahuli. Kaya paano mo pipiliin ang tamang lugar? Narito ang ilang mga halimbawa ayon sa antas ng panganib.

Mababang panganib: ang iyong garahe o driveway, mga parking lot sa mga industrial park, mall, o park sa gabi, at liblib o dead-end na mga kalsada.

Katamtamang panganib: pinakamataas na antas ng mga multi-storey na paradahan ng kotse at mga liblib na lugar sa beach.

Mataas na panganib: paradahan ng airport at mga drive-in na sinehan

Huwag kalimutan ang mga safety measures

Hindi mo kailangang magsuot ng seatbelt kapag nakikipagtalik ka sa kotse. Ngunit may ilang mga safety measures na dapat mong tandaan.

Situational safety

Gaano man ito ka-sexy sa porn, palabas sa TV, o pelikula, huwag kailanman gagawa ng anumang sexual act habang umaandar ang sasakyan. Oo, kasama ang mga blowjob, cunnilingus, o fingering. Ang distracted driving ay maaaring magdulot ng panganib sa iyo at sa ibang tao sa kalsada.

Iparada ang iyong sasakyan, patayin ang makina, i-secure ang iyong preno, at tiyaking malayo ka sa trapiko at iba pang tao bago humarot sa sasakyan.

Ang *ibang* uri ng kaligtasan

Kahit na ang iyong car sex ay biglaan lamang, hindi ito dahilan para kalimutan ang proteksyon. Ito ang dahilan kung bakit dapat kang laging handa!

Magdala ng condom saan ka man pumunta — oo, kahit kayo, mga babae, kung sakaling nakalimutan ni babe na magdala para sa kanyang sarili. Huwag kalimutan ang personal lubricants, lalo na kung handa ka para sa anumang uri ng penetration.

Mas mainam na gumamit ng water-based na lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly dahil ito ang best para sa halos lahat ng uri ng sexual activity, at madali itong linisin. Higit pa riyan, hindi ito magmamantsa sa iyong car seats.

Magsuot ng mga damit na madaling hubarin at ibalik

Magsuot ng mga damit na madaling iangat, o madaling hubarin at ibalik sa isang iglap. Iwasan ang masikip na maong, romper, at mga damit na may mga zipper o design na maaaring sumabit sa buhok o balat — aray!

Ang mga damit na bukas lamang sa ibaba (tulad ng palda, dress, o oversized shirts) ay nagbibigay ng mas madaling access nang hindi halata. Ang mga bodysuit na may crotch snaps ay maganda din, pati na rin ang stretchy shorts na maaaring hilahin pababa o sa gilid.

Sa backseat magharutan

Pinakamagandang magharutan sa backseat ng sasakyan dahil mas maraming espasyo dito kumpara sa mga upuan sa harap, at mas maliit ang posibilidad na matamaan ang busina.

Angbackseat ba ng iyong sasakyan ay pwedeng matiklop? O malaki ba ang trunk o tailgate nito? Kung oo, oras na para samantalahin ang mga features na ito!

Mag-eksperimento sa mga posisyon

Dahil limitado ang espasyo, ang iyong mga paboritong posisyon sa kwarto ay malamang na mahirap gawin sa kotse. Ngunit hindi iyon nangangahulugan na magiging boring ang car sex niyo! Narito ang ilang mga posisyon sa kotse na maaari mong subukan.

Cargirl. Parang Cowgirl lang pero nasa kotse — get it? Ang giving partner ay nakaupo sa upuan, habang ang receiving partner ay nakakalong sa kanila, na nakaharap sa isa’t isa.

Reversed Cargirl. Oo, ito ay katulad ng Reverse Cowgirl! Ang giving partner ay nakaupo sa upuan, habang ang receiving partner ay nakakalong sa kanila nang nakaharap.

Doggy. Pinakamabuting gawin ito sa backseat. Nakadapa ang receiving partner. Ang giving partner naman ay lumuhod sa likod upang makapasok sa ari ni receiving partner, at medyo yuyuko paharap na bahagyang nakasandal ang katawan sa partner.

Seashell. Sa backseat, ang receiving partner ay nakahiga sa kanilang likod na nakataas ang kanilang mga binti, habang ang kanilang mga ankles ay malapit sa mga balikat/ulo hangga’t maaari. Ang giving partner ay papasok na parang nasa Missionary position.

Spider. Parehong nakaupo ang magpartner sa backseat na naka-bend ang mga binti at nakapwestong magkaharap sa isa’t isa, habang ang mga braso ay nakatukod sa palikod bilang suporta. Dapat magkalapit ang magpartner, hanggang sa kaya na ang penetration. Ang mga balakang ng receiving partner ay dapat nasa gitna ng mga binti ni giving partner.

Kung naka-park kayo sa talagang liblib at siguradong tago na lugar, maging wild na kayo at humarot na sa hood ng sasakyan o kaya bukas ang pinto. Ngunit kung bago lang kayo sa car sex at kinakabahan pang mahuli, pwede naman simulan muna sa pag-masturbate ninyong magpartner o mag-oral sex.

Gainsburg, M. & Mejia, N. (September 20, 2022). The Best Car Sex Positions And Tips, So You Can Pull Over Right This Second. Women’s Health. https://www.womenshealthmag.com/sex-and-love/a19903570/car-sex-positions/ 

Hsieh, C., Andrews, T. & Varina, A. (July 23, 2022). 21 Tips on How to Elevate Your Car Sex Game. Cosmopolitan. https://www.cosmopolitan.com/sex-love/tips/a4498/car-sex-tips/ 

Zane, Z. & Varina, R. (October 24, 2022). 14 Tips for Better Car Sex. Men’s Health. https://www.menshealth.com/sex-women/a29008032/how-to-have-sex-in-car/ 
Santos-Longhurst, A. (July 27, 2021). How to Have Next-Level Car Sex. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/car-sex-tips

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon