fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Tips para sa pagkuha ng thirst traps

How to take the perfect thirst trap

Put a finger down kung naiisip mo crush mo kapag kumukuha ng sexy picture ng sarili.

Put a finger down kung nagpost ka ng selfie sa social media dahil nais mong mapansin ng crush mo.

Put a finger down kung kinikilig ka tuwing nakita ni crush o nag-react siya sa thirst trap mo.

Relate ka ba sa tatlong sitwasyon?

Okay lang iyon, dahil siguradong hindi ka nag-iisa!

Ang pagkuha ng mga hot selfies — o mas kilala bilang “thirst traps” — ay parang isang sining. Ito ay tila isang photoshoot, at ikaw ang modelo, photographer, at creative director

Ano ang thirst trap?

Hindi naman kailangan maging napaka-sexy o magpakita ng maraming balat. Ang thirst trap ay napakagandang larawan ng iyong sarili na nagpapakita ng iyong kagandahan — ‘yung tipong mukha kang hot, cute, o kaakit-akit sa iyong sariling paraan.

Ang susi sa pagkuha ng thirst trap ay ang paghahanap ng tamang balanse sa pagitan ng pagiging confident ngunit low-key pa rin. Ang ganitong uri ng pang-aakit ay hindi kasing subtle gaya ng karaniwang ginagawa mo sa totoong buhay, ngunit marahil iyon ang dahilan kung bakit masaya kumuha ng mga thirst trap!

Ang unang bagay na madalas na naiisip kapag narinig ang salitang ‘thirst traps’ ay mga picture, selfie, o video, lalo na dahil sa kasikatan ng mga social media at dating apps.

Ang mga larawan at video ay ang pinakakaraniwang uri ng thirst trap dahil ipinapakita ng mga ito ang iyong kagandahan. Ngunit ang mga thirst trap ay maaari ding maging malandi na mga text o chat tulad ng “Looking for cuddle buddy,” o “Sabado uli at mag-isa lang ako. How I wish na may kasama ako dito ngayon!”

Masama ba ang mga thirst trap?

Ang mga thirst trap ay madalas na itinuturing na desperadong paraan upang makakuha ng mga papuri o validation mula sa ibang tao. Noon pa man ay may umiiral na pananaw na ang mga taong naghahanap ng validation (na lahat naman ng tao ay ginagawa ito sa iba’t ibang paraan) sa pampublikong paraan ay hindi karapat-dapat bigyan ng pansin o pagmamahal. Palagi ring pinagtatalunan kung ang paghahanap ng mga papuri para sa pisikal na kagandahan o pagpapakita ng sexual confidence at pagpapahayag ng pagnanais ay nagbibigay-kapangyarihan o nakakababa ng tingin para sa mga kababaihan.

Ang magkasalungat na pananaw sa thirst trapping, ayon sa Everyday Feminism, ay nag-ugat sa isang isyu sa hustisyang panlipunan na tinatawag na desirability politics. Ito ay ang paniniwala na ang ilang mga tao ay karaniwang itinuturing na mas kaakit-akit kaysa sa ibang mga tao. Binibigyang-diin ng desirability politics na ang “desperadong” aspeto ng thirst trapping ay maaaring nag-uugat sa paniniwala na (lalo sa mga marginalized) ang mga tao ay dapat magpakita ng kababaang-loob sa halip na kumpiyansa sa sarili.

Ngunit ang hangad na maging ninanais ay nagmumula sa konsepto na ang mga tao ay social beings. Ibig sabihin nito, nasisiyahan ang mga tao na mapabilang sa isang komunidad, tulad ng kung ano ang alok ng pag-ibig at sex.

Ang thirst trapping ay naglalayong sukatin ang romantiko o sekswal na interes sa isang masaya na paraan, na walang panganib — isang uri na rin ito ng paglalandi.

Sa palagay mo ba ay mabuti o masama ang pagnanais ng validation?

Ano ang magagawa ng mga thirst traps para sa iyong self-esteem?

Mayroong dalawang magkasalungat na pananaw sa paghahanap ng validation:

  • Karapatan ng lahat na humingi ng validation dahil ang pagtanggap at pakiramdam na nauunawaan ay isa sa mga pangangailangan ng tao.
  • Ang mga tao ay nakadepende na sa validation mula sa iba bilang batayan kung paano nila nakikita ang kanilang sarili, lalo na mula sa mga likes at reactions sa social media. Kaya naghahantong ito sa pagbaba sa kumpiyansa sa sarili.

Mayroong gitna naman sa mga magkasalungat na pananaw na ito: Ang bawat tao’y naghahangad ng validation, at ang mga validation-seeking behavior ay may potensyal na makaapekto sa mental health.

Ang self-esteem ay kung ano ang nararamdaman ng mga tao tungkol sa kanilang sarili, at may dalawang aspeto ito: internal at external validation. Ang hindi pag-apruba mula sa ibang tao (lalo na ang iyong crush!) ay maaaring maging mapangwasak. Sa kabilang banda, palagi rin naman may mga taong magbibigay sa iyo ng kanilang pag-apruba.

Kaya… Maaari ka pa bang mag-post ng mga thirst trap? Oo naman!

Maaari kang mag-post ng mga thirst trap na nakakaangat sa iyong self-esteem sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang mga tanong bago ipost ang thirst trap:

  • Ano ang nagustuhan mo sa larawang ito?
  • Masaya ka ba at feeling flirty?
  • Anong resulta ang inaasahan mo sa pag-post ng iyong thirst trap? Ito ba ay upang makakuha ng reply mula sa isang partikular na tao, o validation kung gaano ka kaganda?
  • Ano ang magiging reaksyon mo kung hindi mo nakakamit ang resulta na iyong inaasam?

Ang thirst trapping ay dapat na kaswal at masaya lamang. Hindi mo dapat ipilit ang iyong sarili sa anumang bagay o maabot ang isang layunin. Kung ang pagkuha ng mga larawan at pag-post ng mga ito ay nagpapasaya sa iyo, edi go go go!

Mga tip sa pagkuha ng mga thirst traps

Bigyang-pansin ang ilaw

Ang liwanag at mga anino ay ang iyong matalik na kaibigan kapag kumukuha ng mga thirst trap. Pinakamaganda ang natural lighting, lalo na sa pagitan ng 7-10 AM at sa 4 PM (para sa golden hour glow) kung gusto mo ng soft look. Para naman sa mas dramatikong picture, gawin ito kapag maaraw o sa tanghaling tapat.

Iwasan ang overhead lighting dahil madalas itong naglalabas ng hindi nakakaakit na mga anino sa mukha, na maaaring magmukhang saggy ang iyong balat at kutis. Kung gusto mong bigyang-diin ang hugis ng iyong katawan, dapat nasa tagiliran ang iyong light source.

Alamin ang iyong mga anggulo

Alamin ang iyong pinakamahusay na mga anggulo at subukang hanapin ang iyong ‘S-curve.’ Kapag nakatayo ka nang tuwid ay magmumukhang boring at hindi kaaya-aya ang iyong larawan. Ang hugis-S na pose ay nagbibigay-diin sa iyong katawan at nagmumukhang mas relax at sexy — gamitin ang iyong likod, balikat, at balakang upang makuha ang hugis na iyon. Kapag nakahiga, i-bend ang isang tuhod at i-extend ang kabilang binti.

Kapag nagse-selfie, dapat maganda ang distansya mula sa iyong camera at iwasang lumapit dahil maaaring magmukhang mas malapad ang iyong mukha kaysa karaniwan. Ang mga mirror selfie ay ang pinakamahusay na paraan upang makakuha ng magagandang picture dahil maaari mo ring tingnan ang iyong pose bago mag-click.

Piliin ang tamang damit

Muli, ang iyong mga thirst trap ay hindi kailangang magpakita ng masyadong maraming balat kung hindi ka komportable doon. Ang tamang kasuotan ay anumang nagbibigay sa’yo ng tamang confidence.

Ang mga high waisted bottoms ay mainam para sa pagsuporta sa tiyan o puson. Ang mga form-fitting clothes naman ay nagpapakita naman sa hugis ng iyong katawan nang hindi nagpapakita ng labis na balat. Kung nag-eehersisyo ka at gusto mong ipagmalaki ang iyong mga magagandang braso, magandang magsuot ng muscle tee o tank top para sa iyong mga larawan.

Isipin ang iyong mga facial expression

Baguhin ang iyong facial expression sa bawat shot: subukan ang sexy na titig, kaakit-akit na ngiti, pa-cute na ngiti, o mag-lip bite para malandi. Subukan rin ang pag-iwas ng tingin sa camera. Ang mga thirst trap ay hindi naman kailangang maging mapang-akit palagi. Maaari kang magmukhang cute o sopistikado rin — nasa iyo talaga!

Huwag pansinin kung ano ang sasabihin ng ibang tao

Okay lang na maghangad ng kaunting atensyon mula sa iba. Ang isang bagay na kailangan mong tandaan ay na kahit na ano ang iyong i-post online, ito ay dapat bukal sa iyong puso at nagpapasaya sa’yo. Hindi lahat ay magugustuhan ka o matutuwa sa’yo, ngunit ang tanging tao na dapat mong mapahanga at mapasaya ay ang iyong sarili. Kung hindi ka kumportable sa isang bagay, huwag mo munang i-post. Bigyan ang iyong sarili ng ilang oras upang pag-isipan o kumuha na lang ng mas magagandang larawan ng iyong sarili.

Mga pinagmulan:

Fabello, M. (December 15, 2020). Thirst Trapping: The Good, the Bad, and the Likes. Greatist. https://greatist.com/discover/thirst-traps 

Marzovilla, J. (May 26, 2020). How To Take A Thirst Trap — While Living At Home With Your Parents. Nylon. https://www.nylon.com/fashion/how-to-take-a-thirst-trap-while-living-at-home-with-your-parents 

Zane, Z. (June 23, 2020). How to Take a Thirst Trap Without Seeming TOO Thirsty. Men’s Health. https://www.menshealth.com/sex-women/a32908695/thirst-trap/ 

Nopuente, I. (May 23, 2021). 

I Know You’re Curious: 12 Best Tips On How To Take The *Perfect* Thirst Trap Picture. Cosmopolitan. https://www.cosmo.ph/beauty/thirst-trap-tips-a1292-20210523-lfrm 

Kern, H. (November 3, 2022). 7 Ways To Set Up A ‘Thirst Trap’ And Make A Man Fall For You. Your Tango. https://www.yourtango.com/love/ways-set-thirst-trap-make-man-fall-for-you

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon