ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Umiiyak Pagkatapos Ng Pagtalik?

Crying After Sex

Karaniwan, ang pagtatalik ay kasamang pag-ungol, panginginig, pagsigaw, at pagbulalas, ngunit kung minsan maaari ka ring ma-iyak — bakit kaya?

Ano Ang Post-Coital Dysphoria

Post-coital dysphoria (PCD), post-coital tristesse (PCT), crymaxing, post-sex blues — lahat ng mga salitang ito ay tumutukoy sa pagiyak pagkatapos ng pagtalik. Ang mga luha sa panahon o pagkatapos ng pagtalik ay maaaring dahil sa kaligayahan, kalungkutan, o ginhawa. Maaari itong maging PCD kung ikaw ay naluluha, nalulungkot, nababalisa, o nayayamot pagkatapos ng pagtatalik. Maaaring mangyari pa rin ang PCD kahit na ang pagtalik ay may pahintulot ng parehong magkasosyo, kasiya-siya, at intimo. Kahit sino ay maaaring makaranas nito anuman ang edad, kasarian, at oryentasyong sekswal.

Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2015, natagpuan ng mga mananaliksik na halos kalahati ng mga kalahok ang nakakaranas ng PCD — ito ay talagang karaniwan. Wala pa masyadong sapat na pananaliksik tungkol sa karanasang ito, ngunit naniniwala ang mga eksperto na ang PCD ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga damdamin.

Ano Ang Nagdudulot Ng Post-Coital Dysphoria

Ang pagtalik ay nagsasangkot ng matinding emosyon at kalapitan. Para sa karamihan, ang pagtalik ay isang pribado at malalim na karanasan, habang maaari rin itong maging kaswal at isang beses na bagay para sa ilan. Kung paano maaaring magkaroon ng iba’t ibang paraan ng kasiyahang sekswal, ang mga tao ay maaaring magkaroon din ng iba’t ibang reaksyon pagkatapos ng orgasmo o aktibidad na sekswal.

Sa yugtong resolusyon (resolution phase) ng siklo ng pagtugong sekswal (sexual response cycle), maaaring makaranas ng iba’t ibang tugong emosyonal at kilos, kabilang ang PCD. Ang ilan sa mga damdamin na may kaugnayan sa PCD ay ang kalungkutan, pagkabalisa, o pagkayamot, at ang ilan ay maaari ring maging positibong damdamin — ngunit ang lahat ng mga ito ay maaaring magresulta sa pagiyak.

Kaligayahan

Ang pagiyak ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga damdamin, at hindi lahat ng mga ito ay masama. Madalas itong tinawag na “crymaxing” kapag sila ay luha ng kasiyahan pagkatapos ng pagtalik (maaaring alam ito ng mga tagahanga ng Scrubs). Marahil ito ay ang iyong pinakamasayang pagtalik, ang iyong pag-ibig sa iyong kasosyo ay napakalawak at lalim, o ang iyong hangad makipagtalik ay sa wakas natupad na pagkatapos ng matagal na panahon.

Kalungkutan

May pinagdadaanan ka ba na nakakagambala sa iyo? Ang pagiyak nang madalas ay maaari ring senyales ng depresyon. Karaniwan ang PCD sa mga may postpartum depression, na maaaring sanhi ng mabilis na pagbabagu-bago ng mga antas ng hormone.

Trauma

Ang pagiyak pagkatapos ng pagtalik ay maaaring senyales na kailangan mong mag-ungkat at magproseso ng isang bagay o karanasan mula sa iyong nakaraan. Huwag balewalain ang mga bagay na ito o isipin na hindi ito importante.

Pagkalito

Ang mga halo-halong signal, hindi nalutas na mga isyu, at pagkalitong emosyonal ay maaaring makaapekto sa iyong buhay sekswal. Minsan ang pagtalik ay hindi naabot ang iyong mga inaasahan, na maaaring humantong sa pagkalito at pagkabigo.

Pagkabalisa

Natural para sa stress, pagkabalisa, at takot na magsanhi sa pagiyak. Ang anumang bagay na nakakaramdam ka ng pagkabalisa ay mahirap iwasang isipin sa panahon ng pagtalik.

Hiya

Ang ilan ay maaaring nakakaramdam ng kahihiyan o pagkakasala pagkatapos masiyahan sa aktibidad na sekswal, lalo na sa lipunan na ang turing sa pagtalik ay bawal o madumi. Ang pagkaramdam ng kahihiyan o pagkakasala ay maaari ring umusbong mula sa iba pang mga isyu sa loob ng relasyon.

Pananakit

Ang dyspareunia ay tumutukoy sa masakit na pakikipagtalik, na kinabibilangan ng pananakit o pangingirot sa panahon o pagkatapos ng aktibidad. Mga gamot, trauma o iritasyon sa maselang bahagi ng katawan, mga kondisyong medikal, at kakulangan ng pampadulas ay maaaring sanhi ng pananakit o pangingirot sa pagtalik.

Reaksyong Biolohikal

Ang oxytocin — madalas na tinatawag na “love hormone” — ay pinakawalan ng utak pagkatapos ng isang orgasmo. Ang hormon na ito ay nagtataguyod ng tiwala, empatiya, at koneksyon, at nagpaparamdam na ika’y ligtas. Ang pagtawa o pagiyak ay maaaring sanhi ng pagpapakawala ng mga nakatagong damdamin.

Ang pagiyak ay maaari ring paraan ng pagbabawas ng tensyon o matinding pisikal na pagpukaw. Lalo na kung matagal-tagal na mula noong huli kang nakipagtalik, ang pagpapakawala sa lahat ng pinigilang enerhiyang sekswal ay maaaring magtulak sa luha mo.

Ano Ang Maaari Mong Gawin Tungkol Dito

Para sa anumang pisikal na sakit na nauugnay sa pagtalik, mainam na makipag-ugnay sa iyong doktor upang suriin at gamutin ito. Ang pakikipag-usap sa iyong kasosyo tungkol dito ay maaari ring magbigay-daan sa inyong dalawa na masiyahan sa pagtalik nang walang sakit at pag-iilang — ang pagtatalik ay dapat maging kasiya-siya at nakalulugod!

Kung nakakaranas ka ng PCD, subukang suriin kung ano ang nagpaiyak sa iyo — nalulungkot ka ba, nababahala, o  nasasaktan? Ang pagiyak mo ba ay dahil sa anumang pisikal o emosyonal na bagay? Ano ang mga bagay na umiikot sa iyong isipan nang magsimulang umiyak? Nakatulong ba ang pagiyak sa pagpawi sa iyong nararamdaman?

Kung ang iyong pagiyak ay sanhi ng pisikal na kasiyahan at labis na pakiramdam ng pag-ibig, wala dapat ikabahala.

Kung ang mga emosyon o mga isyu sa loob ng relasyon ang nagpaiyak sa iyo, magkaroon ng isang mas malalim na pagtatasa ng iyong mga damdamin. Ang pakikipag-usap sa iyong kasosyo tungkol sa kung ano ang naramdaman mo at kung ano ang gusto mo at hindi gusto ay maaaring makatulong sa iyo na magkaroon ng isang mas matibay na relasyon at mas kaaya-ayang pagtalik.

Kung ang masakit na trauma o hindi kasiya-siyang nakaraang karanasan ay lumabas sa prosesong ito, mabuti na pag-usapan ito ninyo ng iyong kasosyo o isang propesyonal na maaaring makatulong sa iyo maproseso ang hindi nalutas na mga isyu.

Ano Ang Maaaring Gawin Bilang Kasosyo

Ang pagiyak pagkatapos ng pagtalik ay hindi karaniwang pinag-uusapan, at madalas na nakakataranta para sa mga taong may mga kasosyo na nakakaranas ng PCD.

Bilang isang kasosyo, ang maaari mong gawin ay aliwin at mag-alok ng tulong sa pagpapagaan sa kanilang nararamdaman. Hikayatin sila na iproseso ang kanilang mga emosyon at makinig sa kanilang sasabihin. Mahalaga rin na hindi sila mapahiya o maramdaman nila na balewala ang kanilang damdamin. Aliwin sila sa anumang paraan na nais nila, at respetuhin ang kanilang nararamdaman at sinasabi.

Mga Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/crying-after-sex#shame-or-guilt

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon