fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Walang Gana Makipagtalik? Baka ISD na iyan!

Ang pagnanasang makipagtalik ay normal lamang. Gayundin ang pagkawala ng gana para dito sa ibang mga araw. Pero kung nararamdaman mong mababa talaga ang libido mo, maaaring nakakaranas ka ng kundisyong tinatawag na “Inhibited Sexual Desire” o ISD.

ISD, o tinatawag ding hypoactive sexual desire (HSDD) ay ang kundisyon na kung saan mababa ang interes ng isang tao sa pakikipagtalik, na kung saan hindi sila nagsisimula o tumutugon sa kapareha nila sa kahit anong sekswal na aktibidad. Kasama rin dito ang kakulangan ng pagkakaroon ng mga pantasya o kaisipang sekswal.

Gayunman, ang pagnanasa ay iba-iba kada tao, kaya maaaring ang mga magkaparehang nakakaranas nito ay magkaiba lamang ang lebel ng interes sa pakikipagtalik. Alamin pa natin ang tinatawag na inhibited sexual desire.

Sanhi

Ang ISD ay isang karaniwang sexual disorder. Ang mga kadalasang sanhi nito ay:

  • Kondisyong pisikal – Ang pagkakaroon ng mga kondisyong pisikal katulad ng diabetes, pagbubuntis, menopause, erectile dysfunction, sakit sa puso, atbp.
  • Hindi balanseng mga hormon sa utak – Ang utak ay malaki ang ginagawa sa sekswal na pagnanasa, at ang pagkakaroon nito. Ang pagkawalang balanse sa mga neurotransmitters ng utak ay maaaring magdulot ng ISD.
  • Problema sa relasyon – Maging ano pa man ang problema ninyo sa relasyon, maaari itong makadagdag sa kung bakit nakakaranas ng ISD. Maaring ito ay dahil sa hiwalayan, kakulangan sa emosyonal na koneksyon, pagkasira ng tiwala sa isa’t-isa (pagtataksil), at marami pang iba.
  • Mga sikolohikal na problema – Depresyon, pagkabalisa, o mababang tiwala sa sarili ay ilan lamang sa mga sikolohikal na problemang maaaring magdulot ng ISD.
  • Gamot – Maaaring may iniinom na gamot ang nakakaapekto sa lebel ng iyong libido.


Pagsusuri

Ang mga sintomas ng ISD o HSDD ay madalas hindi pinapansin at nakikitang normal lang ito. Gayunman, ang mababang sekswal na pagnanasa na nakakaapekto sa sarili o sa relasyon ay maaaring makita bilang ISD.

Ang iyong doktor o tagapagbigay ng kalingang medikal ay tatanungin ka ng ilang mga tanong upang masuri ka nang mabuti sa ISD. Dagdag pa rito, maaaring hanapin nila ang pinagmulan nito at gumawa ng mga paraan upang makatulong masagot ito.

Maaaring payuhan ka din na sumailalim sa mga sumusunod: 

  • Pagsusuri sa dugo para sa diabetes, lebel ng cholesterol, problema sa thyroid, at lebel ng testosterone.
  • Pelvic exam para sa ari ng mga babae
  • Pagsusuri sa presyon ng dugo
  • Pagsusuri para sa sakit sa puso
  • Pagsusuri sa prostate

Paggamot

May mga ilang rekomendasyon na paggamot sa pagpapabalik ng pagnanasang sekswal. Ilan sa mga ito ay: 

Pagpapayo – Pagpapayo para sa mga magkapareha at sex therapy ay makakatulong sa HSDD. Ito ay magtuturo sa mga magkapareha na magpakita ng pagmamahal, pakikiramay, at marami pang iba. Ito rin ay magtuturo ng tamang paggamit ng kanilang oras upang may sapat na panahon para sa pakikipagtalik o iba pang sekswal na aktibidad.

Paggamot sa hormon – Ang hormon ay may malaking epekto sa libido, kaya ang paggamot sa hormon ay makakatulong upang mabalik o mapataas ito, lalo na kung nakitang may mababang lebel ng testosterone o estrogen.

Pagbabago sa pamumuhay – ang simpleng pagbabago sa pang-araw-araw na gawain ay may malaking tulong sa pagbabago ng buhay sekswal. Ang pagsasagawa ng mga gawain nang sabay tulad ng pag-eehersisyo, mas madalas na pakikipag-usap sa isa’t-isa, at pagtatalaga ng mas maraming oras sa pakikipagtalik ay makakatulong dito.

PInagmulan:

https://www.healthline.com/health/inhibited-sexual-desire

https://ufhealth.org/inhibited-sexual-desire

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon