ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Walong Utos ng Blowjob

Karamihan sa mga lalaki ay abot-langit ang saya kapag nakakaranas ng “blowjob” – ang posisyon kung saan ang ari ng lalaki ay pinapasaya gamit ang bibig.

Nakakapag-bigay ang posisyon na ito ng makalabas sa mundong karanasan, at sa ilan, isang paraan ng pagpapakita ng kanilang pagmamahal. May ilang hindi natutuwa sa paggamit ng bibig nila para sa ari ng lalaki, pero ginagawa pa rin nila ito para sa pag-ibig.

Ngunit, sa kasiyahang ibinibigay nito ay may kaakibat na responsibilidad. Kailangan natin ng ilang mga tuntunin para mapanatili ang kasiyahan ng dalawang panig. Ito ang walong utos ng blowjob ng Do It Right!

#1 Huwag itulak ang kanyang ulo

Huwag na huwag mong itutulak ang ulo ng iyong kapareha sa iyong ari. Maaari itong mag-udyok ng pagsuka dahil baka matamaan ang kanyang lalamunan o masaktan ng todo ang kanyang lalamunan at leeg.

Tandaan: kasintahan mo siya, hindi bola para idakdak sa ring ng walang pakundangan sa kanyang kaligtasan.

#2 Huwag itulak ang iyong baywang

Isa rin itong “red flag” kapag ika’y nakakatanggap ng blowjob. Tulad ng sa unang utos, maaari rin itong maka-irita at magdulot ng pagsusuka kapag tinamaan ang kanyang lalamunan.

Kung hindi mapigilang mapa-Gangnan Style sa sarap, sabihin sa iyong kapareha at gawan niyo ng paraan.

#3 Huwag manahimik

Magsalita, mag-reklamo, o umungol man lang habang nakakatanggap ng blowjob. Iwasan mong manahimik at sabihan na magaling ang ginagawa nila. Sabihin mo na perpekto ang kanilang ginagawa at enjoy ka sa ginagawa nila.

Huwag mahihiyang mag-moan, pre!

#4 Huwag mamilit

Kung binibigyan ka na ng malupit na blowjob, huwag ka nang maghari-harian. Kung ayaw niyang lumuhod, huwag mo silang pilitin. Kung ayaw niya sa kama, huwag. Gawin niyo lamang kung saan parehas kayong komportable.

Maaari ring pakiusapan ng mabuti ang iyong kapareha gamit ang malambing mong boses. Kung suswertehin, maaari siyang pumayag. Subukan mo ding magpa-cute na parang tuta at baka makuha mo ang jackpot.

#5 Huwag iputok ng walang hudyat

Kahit na nakakatuwa ang mga sorpresa, hindi nakakatuwa ang biglaang paglalabas ng semilya. Ang lasa nito ay madalas na hindi kaaya-aya at hindi kinatutuwa ng karamihan, kahit ano pang sabihin ng iba. Kung gagawin mo ito, baka makakuha ka ng mahaba-habang gabing walang pakikipagtalik at puno ng galit.

Magsabi ng “Fire in the hole!” muna bago magpakawala.

#6 Magpanatili ng kalinisan

Mas mabuting nahugasan muna ang iyong ari bago may mangyari subuan.  Mainam ito para mawala ang masamang amoy o ang maduming itsura ng iyong ari na maaaring makapagpa-turn off ng kapareha mo. Hindi parang sinabawang manok ang pawis sa iyong bayag kaya ugaliing hugasan ito.

#7 Tumingin paminsan-minsan

Ang pagbibigay ng maalindog na tingin sa iyong kapareha ay pagpapakita na nag-eenjoy ka sa nararanasan mo. Hindi lang nito inuudyok na magpatuloy ang iyong kapareha, maaari pa itong magdagdag ng aliw sa blowjob na iyong narararanasan.

#8 Ibalik ang pabor at doblehin mo pa

Sabi nga sa ginintuang patakaran, “Kung ano ang iyong inutang, ay siya ring kabayaran”. Kaya marapat lamang na bigyan mo rin siya ng katumbas na oral sex at doblehin mo pa. Pasayahin mo ang iyong kapareha upang tumibay ang inyong pagsasama.

Meowth! Tama iyon!

Pinagmulan:

https://www.cosmopolitan.com/sex-love/news/a45033/things-not-to-do-when-receiving-a-blow-job/

https://www.thehealthsite.com/sexual-health/blowjob-5-things-men-should-avoid-doing-av0518-568248/

https://www.popxo.com/2017/05/things-to-not-do-during-a-blowjob/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon