fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

4 Na Palatandaan Ng Hindi Kanais-nais Na Relasyon

reproductive health, family planning, toxic relationship, unhealthy relationship

Ang pagtukoy sa mga palatandaan ng isang hindi kanais-nais na relasyon ay maaaring mas mahirap kaysa sa iniisip mo.

Gayunpaman, ang sinuman ay maaaring magtapos sa isang hindi kanais-nais na relasyon — anuman ang edad nila, anuman ang kasarian nila, o gaano man sila katalino.

Kung sa tingin mo may mali sa iyong sariling relasyon, o sa relasyon ng taong kilala mo, hindi ka nag-iisa. Narito ang 4 na mga palatandaan na ang isang relasyon ay hindi kanais-nais.

1. Ang isa o parehong magkapareha ay umiwas sa kanilang mga kaibigan o ibang interes.

Para sa isang kanais-nais at balanseng relasyon, mahalaga na ang parehong magkapareha ay patuloy na ituloy ang kanilang mga interes, makita ang mga kaibigan at pamilya, at gawin ang kanilang mga libangan. Kung tumigil ka sa paggawa ng mga bagay na dati mong minahal o tumitigil na makita ang mga taong pinapahalagahan mo dahil sa relasyon, maaari mawala ang taong dating ikaw.

2. Ang isa o parehong magkasintahan ay mapang-angkin o seloso.

Ang pakiramdam ng kaunting selos sa isang relasyon ay normal. Gayunpaman, kung ang iyong kapareha ay laging nais na malaman kung sino ang iyong kasama, kung ano ang ginagawa mo, o kung nasaan ka, ito ay isang problema. Ang mga pag-uugali tulad ng patuloy na pagtawag, pag-text, pagsusuri sa social media ng isang tao, o pagtatanong sa ibang tao tungkol sa kinaroroonan ng kanilang kapareha ay isang pangunahing senyales na mayroong kakulangan ng tiwala sa relasyon. Kung walang tiwala, walang matatag na pundasyon para sa isang kanais-nais na relasyon.

3. Ang isa sa inyo ay nagiging dahilan ng kaba sa relasyon.

Mayroong uri ng nerbiyos na kung saan tila may mga paru-paro sa iyong tiyan at nagiging sanhi upang mamula ang iyong mga pisngi. Ito ang uri ng masaya at nakakasabik na nerbiyos sa simula ng maraming mga relasyon. Gayunpaman, kung ang isang kapareha ipinararamdam sa iyo na palagi kang gumagawa ng mali, iyon ay tanda ng problema. Kung madalas kang kinabahan tungkol sa pagbabahagi ng iyong mga opinyon o saloobin sa isang bagay dahil nag-aalala ka tungkol sa kung ano ang magiging reaksyon ng iyong kasintahan, ito ay nagpapahiwatig ng kontrol na mayroon sila sa iyo, at hindi ito kanais-nais sa isang relasyon.

4. Ang isang kapareha ay madalas na walang paggalang sa kapwa.

Sa anumang relasyon, mahalaga na tratuhin ang ibang tao sa paraang nagpapakita ikaw ay may pakialam sa ibang tao. Ang madalas na kawalan ng paggalang o konsiderasyon sa isang taong itinuturing mong mahalaga sa iyo ay hindi tama. Ang mga ito ay ilang mga palatandaan lamang na hindi kanais-nais ang isang relasyon. Gayunpaman, kung ang isa o higit pa sa mga pag-uugaling ito ay makikita sa isang relasyon, suruin kung tama pa ba na ipagpatuloy ang relasyon. Bagaman mahirap iwanan ang isang tao na labis mong pinagmamalasakitan, minamahal o inaasahan — ang pakiramdam na ikaw ay minamahal, ligtas, at komportable sa isang relasyon ay mas mahalaga.

Pinagmulan: https://www.joinonelove.org/signs-unhealthy-relationship/
https://www.psychologytoday.com/intl/blog/in-practice/201502/51-signs-unhealthy-relationship

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon