fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Period cravings: Bakit nararanasan ito at ano ang maaari mong gawin

Normal na magkaroon ng cravings sa pagkain sa panahon ng iyong regla o isang linggo bago ang dalaw, at malamang na nauugnay ito sa iyong mga antas ng hormones o serotonin. Karamihan sa mga karaniwang cravings ay kinabibilangan ng mga carbs at matatamis, at hindi mo kailangang makonsensya sa pagnanais na kainin ang iyong paboritong comfort food.

Alamin kung ano ang maaaring sanhi ng period cravings, at ilang mga tip kung ano ang pwede mong gawin tungkol dito.

Ano ang nagiging sanhi ng period cravings?

Ang mga pagbabago sa antas ng serotonin sa utak ay maaaring maka-impluwensya sa mga sintomas ng PMS, kabilang ang cravings.

Ang serotonin ay nagsisilbi bilang mood stabilizer at appetite controller, na nagbabago-bago rin ang antas sa buong siklo ng regla. Iniuugnay ng pananaliksik ang mas mababang antas ng serotonin sa mga sintomas ng PMS. Ang mga carbohydrates ay nagpapataas ng serotonin sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga amino acid tulad ng tryptophan na maabot ang utak. Sa panahon ng iyong regla, ang mababang antas ng serotonin ay maaaring humantong sa cravings para sa mga pagkaing puno sa carbs o asukal, tulad ng pasta o cake.

Okay lang bang kainin ang mga cravings?

Hindi lang okay; mahalagang bigyang-pansin ang mga hangad ng katawan bago ang iyong regla.

Ang ilang cravings ay maaaring nagpapahiwatig na ang iyong katawan ay nangangailangan ng higit pang mga calories o ilang partikular na sustansya. Kung, halimbawa, talagang hinahangad mo ang burger lalo na ‘pag mabigat ang daloy ng dalaw, ang iyong katawan ay maaaring nangangailangan ng karagdagang iron na nakukuha sa karne .

Tandaan mo ito: baka hindi mapakali ang iyong isip kung lalong iiwasan lang ang cravings.

Hindi ito nangangahulugan na dapat kang magpakalabis araw-araw, ngunit kung hinihimok ka ng iyong katawan na kumain ng iba bago ang iyong regla, huwag makonsensya na kumain nang medyo mas marami sa panahon ng regla.

Ang pakikinig sa iyong katawan at pag-unawa sa mga pangangailangan nito ay mahalaga.

Ang cravings ba ay nagdudulot ng discomfort sa akin?

Ang sobrang pagkain ng ilang partikular na pagkain sa panahon ng iyong regla ay maaaring hindi maging maganda sa pakiramdam. Halimbawa:

  • Mga pagkaing matamis o mataba: Natuklasan ng isang pag-aaral na ang mga ito ay maaaring gawing mas matindi ang mga sintomas ng PMS.
  • Mga maaalat na pagkain: Ang mga chips at iba pang maalat na meryenda ay maaaring maging sanhi ng bloating.
  • Caffeine: Ang kape at soda ay maaaring humantong sa mga pulikat ng kalamnan, na nagpapalala sa pananakit ng puson.
  • Alkohol: Ang pag-inom ng alak ay maaaring makalala sa pananakit ng puson, ayon sa isang pag-aaral.

Kaya, kung ang iyong mga paboritong pagkain ay nagpapalala ng iyong cramps, maaari mong i-enjoy ang mga ito ngunit paunti-unti lang, o maaaring gusto mong maghintay hanggang sa matapos ang iyong regla para makain ang mga ito.

Anong mas malusog na mga choices ang pwede kong kainin?

Kung naghahangad ka ng meryenda pero ayaw mong lumala ang pakiramdam pagkatapos kumain nito, maaari mong subukang palitan ito ng mas malusog na mga pamalit:

  • Para sa mga pagkain tulad ng cheesecake, kumain ng mga unprocessed fats in full-fat yogurt, whole milk, o mga avocado.
  • Kung gusto mo ng mga carb-rich na pagkain, pumili ng mga meryenda na mayaman sa tryptophan, tulad ng turkey, isda, puti ng itlog, mani, o pumpkin seeds.
  • Sa halip na mga matamis na pagkain, sumubok ng mga meryenda na may natural na asukal, tulad ng mga mansanas, saging, o ubas. Iminumungkahi ng ilang pag-aaral na ang prutas ay maaaring makatulong sa mga sintomas ng PMS.

Mga huling paalala

Huwag mag-alala, hindi ka nag-iisa sa pagkakaroon ng maraming cravings bago ang iyong regla. Sa halip na makonsensya tungkol sa iyong mga cravings, makinig lamang sa iyong katawan at ibigay ang kailangan nito. Kung iyon ay pizza at ice cream isang beses sa isang buwan, go for it! 

Mga pinagmulan:

Helton, B. (February 22, 2023). Crave carbs and sugar during your period? Try a food swap to indulge your cravings without making PMS worse. Business Insider.

https://www.insider.com/guides/health/reproductive-health/period-cravings#:~:text=Period%20cravings%20are%20likely%20caused,magnesium%2C%20or%20omega%2D3s.

Henderson, A. (n.d.). Why do you get cravings on your period? Always.https://www.always.co.uk/en-gb/tips-and-advice-for-women/pms-and-menstrual-cramps/cravings-before-and-during-period/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon