ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Ang Mga Katangian Ng Komunikasyon Sa Isang Kanais-nais Na Relasyon?

reproductive health, family planning, healthy relationship, communication

Ang komunikasyon ay isang pangunahing bahagi sa pagbuo ng isang kanais-nais na relasyon.

Ang unang hakbang ay tiyakin na pareho kayo ng gusto at inaaasahan pagdating sa relasyon – ang pagkaka-unawaang ito napakahalaga! Ang mga sumusunod na paalala ay makakatulong sa iyo na lumikha at mapanatili ang positibong komunikasyon sa iyong relasyon.

Magsalita ka.

Sa isang kanais-nais na relasyon, kung may nakakagambala sa iyo, mainam na pag-usapan ito kaysa sariinin mo. Kapag pinanghahawakan mo ang isang bagay na nakakagambala sa iyo, maaari itong pagmulan ng di pagkakaunawaan.

Irespeto ang iyong kapareha.

Ang kahilingan at damdamin ng iyong kapareha ay may halaga. Ipaalam sa iyong kapareha na sinisikap isaisip ang kanilang mga ideya. Ang respeto sa isa’t isa ay mahalaga sa pagpapanatili ng kanais-nais na relasyon. Ang kapwa partido ay dapat pahintulutang ipahayag ang kanilang pakiramdam, pangangailangan, kaisipan, at kagustuhan. Ang isang mahusay na paraan upang maipakita ang respeto ay sa pamamagitan ng pagsasanay ng aktibong pakikinig, na nangangahulugang pinakikinggan mo hindi lamang ang mga salitang sinasabi ng iyong kapareha, ngunit sinusubukan mong maunawaan ang kanilang kumpletong mensahe. Nangangahulugan ito na buo ang iyong atensyon at hindi ka nag-iisip ng tugon sa kanila habang sila ay nagsasalita.

Makipagkompromiso.

Ang mga di pagkakaunawaan ay isang likas na bahagi ng kanais-nais na relasyon, ngunit mahalaga na makahanap ka ng isang paraan upang magkompromiso kung hindi ka sumasang-ayon sa isang bagay. Subukan lutasin ang mga salungatan sa isang patas at makatuwiran na paraan. Ang pagkompromiso ay nangangailangan ng isang ‘’middle ground’’ mula sa magkabilang panig ng hindi pagkakasundo, na susi para sa isang kanais-nais na relasyon. Sa katunayan, bihira na ang dalawang tao ay palaging sasang-ayon sa lahat ng bagay!

Magbigay suporta.

Mag-alok ng katiyakan at paghihikayat sa iyong kapareha. Gayundin, ipaalam sa kanila kung kailangan mo ang kanilang suporta. Ang malulusog na relasyon ay tungkol sa pagpapalakas ng bawat isa, hindi pagpapababa sa iba. Dapat ay may pantay na kapangyarihan sa paggawa ng desisyon.

Magpakita ng pagmamahal.

Hindi lahat ay komportable sa mga pagpapakita ng pagmamahal, gayunpaman, mahalaga na maiparating ang iyong pagmamahal sa iyong kapareha. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng simpleng mga salita tulad ng “Mahal kita”, o mga simpleng kilos tulad ng pagbibigay sa kanila ng isang maliit na regalo o paggawa ng isang aktibidad na ikasisiya nila.

Pinagmulan: http://www.wgac.colostate.edu/healthy-relationships-1

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon