fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Magkasundo sa tatlong bagay na ito, at ang iyong relasyon ay tatagal forever

Malamang pamilyar ka sa lumang kasabihang “opposites attract”? Lumalabas na baka hindi ito ang pinakamagandang diskarte para sa paghahanap ng isang relasyon na pang-forever. Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng ilang pagkakatulad ay maaaring maglatag ng batayan para sa isang mas matatag na relasyon.

Kung ito man ay mga values, interes, o pangarap, ang mga nakabahaging aspetong ito ay talagang makakatibay o makakasira ng isang relasyon.

Pera

Hindi lihim na ang pera ay maaaring magpukaw ng away o alitan sa mga relasyon. Mula sa magkakaibang mga gawi sa paggastos hanggang sa diskarte sa pera, lahat ito ay bahagi ng aspetong ito. Ngunit, hindi ito tungkol sa kung sino ang kumikita ng mas malaki o mas mababa – ito ay tungkol sa paghahanap ng tamang balanse kung saan pareho kayong nagkakasundo sa diskarte.

Maglaan ng ilang oras upang pag-usapan ang inyong pananaw sa pera, mga layunin, at kung paano niyo pinaplanong harapin ang mga ito nang magkasama. Pagsasamahin niyo ba ang iyong mga pera o panatilihin itong hiwalay? Paano naman ang paghahati ng mga gastos?

Huwag ring kalimutan ang anumang mga nakaraang utang o pinansiyal na mga pangako – lahat sila ay bahagi din nito. Ang susi ay ilatag at pag-usapan na lahat nito nang maaga, magkaroon ng mga bukas na pag-uusap, at bumuo ng iisang plano na gagana para sa inyong dalawa.

Pamilya

Malaking responsibilidad at desisyon ang pagsisimula at pag-aalaga sa sariling pamilya. First things first, pareho ba kayong gusto ng anak? At kung gayon, paano niyo sila palalakihin? Mas mabuting mapag-usapan na ito nang maaga kaysa mauwi sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon kalaunan.

Pag-usapan kung kailan nais magkaroon ng mga anak, kung saan niyo sila palalakihin, mga paaralan, parenting style, mga responsibilidad, pagdidisiplina, values — bawat detalye na maiisip niyo. Maging bukas at tapat, para magkasundo kayo nang mabuti.

Pamumuhay

Pag-usapan rin ang pagpapanatiling buhay ng spark – sabik at kasiyahan! Ang bawat relasyon ay nangangailangan ng magandang dosis ng kasiyahan, tama? Ang depinisyon ng sabik at kasiyahan ay maaaring mag-iba sa bawat tao. Marahil ang isa sa inyo ay mahilig sa mga outdoor activities, habang ang isa ay mas gustong mag-movie marathon magdamag. At alam niyo ba? Ayus lang ‘yun! Ang susi ay ang paggalang sa ideya ng isa’t isa tungkol sa sabik at kasiyahan. Kaya, mag-hiking man ito sa mga bundok o sama-samang panonood ng paborito palabas sa TV, tanggappin ang mga pagkakaiba ng isa’t isa at i-enjoy ang relasyon!

PERO tandaan na ang mga relasyon ay hindi palaging tungkol sa saya at laro lamang. Kailangan niyo ring pag-usapan ang iyong pamumuhay nang magkasama sa mga boring at ordinaryong araw. Paano ibabahagi ang iyong pang-araw-araw na mga responsibilidad? Paano naaayon ang iyong mga iskedyul ng trabaho? Patuloy ba kayong mag-eehersisyo nang magkasama? Yung mga tipong bagay.

Mga huling paalala

Kalimutan ang ideya na kailangan parehong pareho kayo sa isa’t isa! Masaya man ikumpara ang mga interes at personalidad ninyo, ngunit ang talagang mahalaga ay ang magkasundo kayo sa iba’t ibang aspeto ng relasyon; tulad ng inyong pananaw sa pagpapamilya, paghawak sa pera, pati mga hilig at libangan. At hindi namin sinasabi sa inyo na ito lamang ang mga bagay na kailangan ninyong pag-usapan.

Napakaraming iba pang paksa ang dapat ninyong pag-usapan bilang magpartner. Ang matibay na relasyon ay nabubuo sa pamamagitan ng habang buhay na pag-uusap sa pagitan ng mga magpartner. Isipin ang mga pag-uusap na ito tulad ng paborito mong palabas sa TV – patuloy ang mga ito, na may mga plot twist at pagbuo ng karakter sa iba’t ibang yugto! Ang buhay ay puno ng mga sorpresa, tama ba? Hindi namin maipapangako na ang iyong relasyon ay magiging immune sa lahat ng mga tagumpay at kabiguan, ngunit ang pagkakasundo sa mahihirap na paksang ito nang maaga ay tiyak na magbibigay sa inyo ng lakas.

Mga pinagmulan:

Sources:

Shrikant, A. (June 10, 2023).

Successful couples share 3 key values—forget ‘opposites attract,’ says dating expert. CNBC. https://www.cnbc.com/2023/06/10/successful-couples-share-these-3-values-says-match-dating-expert.html 

Gottman, J. (n.d.). The Eight Conversations That Matter Most in Relationships. The Gottman Institute. https://www.gottman.com/blog/the-eight-conversations-that-matter-most-in-relationships/ 

Dellino Family Law Group. (n.d.) Top 9 “Tough Topics” Couples Should Discuss Before Tying the Knot. Dellino Family Law Group. https://dellinolaw.com/top-9-tough-topics-couples-should-discuss-before-tying-the-knot/ 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon