Isipin mo ito: Nakahiga ka sa kama, katabi si partner. Kakatapos niyo lang pasiyahin ang isa’t-isa, at bigla kang makakaramdam muli ng init, at gusto mong mag-round 2. O baka naman si babe ang may cravings pa.
Pero hindi mo alam pa’no maka-recover kaagad para maging ready na sumabak ulit sa rakrakan. Isa itong eksenang nararanasan talaga minsan ng mga kalalakihan. Buti na lang may mga strategy at technique na pwedeng gawin para mabilis na manumbalik ang lakas at gigil sa kama.
Alamin natin ang mga paraan para maging ready agad para sa round 2!
Ano ang nangyayari pagkatapos mag-orgasm?
Kailangan muna nating malaman kung ano ang mga nagaganap sa katawan ng lalaki pagkatapos mag-climax. Pagkatapos ng isang orgasm, magsisimula ang refractory period. Isa itong saglit na panahon kung saan hindi kayang tumayo ng ari at hindi rin nito kayang magbulalas. Sa madaling salita: habang nasa refractory period, nagpapahinga ang reproductive system ng isang lalaki.
Mahalagang tandaan na magkakaiba ang haba ng refractory period ng bawat lalaki, at naaapektuhan ito ng maraming bagay gaya ng edad, kalusugan, diet, at testosterone levels.
Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa refractory period ay may malaking maitutulong sa mga lalaking gustong sumabak sa round 2 nang mabilis.
Paano tayo magiging ready for Round 2?
May mga technique na pwedeng gawin upang makasabak ka kaagad sa isa pang round ng rakrakan. Pwede mo ring gamiting ang mga diskarteng ito para ma-turn on si partner at malagay siya sa tamang mood.
Foreplay
Ang foreplay ay magandang paraan para muling ma-turn on si babe. Pwede mo siyang halik-halikan, haplusin, o kaya naman ay bulungan at lambingin para painitin ulit ang eksena sa kama. Posible na ring ma-turn on ka ni babe kung makikipagharutan din siya sa’yo.
Mag-focus kay partner
Ang pag-focus kay babe ay isang taktika na makakatulong sa’yo habang nasa refractory period pa ang iyong katawan. Bukod pa riyan, ang pagpapasaya sa kanya ay isang epektibong paraan para bumalik siya sa mood at maging ganado para sa round 2!
Mag-iba ng posisyon
Ang pagpapalit ng posisyon ay makakapagpabawas ng sensitivity ng ari na dala ng unang round niyo. Ang pagsubok ng iba o bagong posisyon ay pwedeng makapukaw ng interes ng iyong partner, at posibleng ma-excite siya na mag-round 2 kayo.
Tandaan na pwede kayong magpahinga muna
Minsan, ang kailangan niyo lang talaga ay mabilis na pahinga para maka-recover at maging handa para sa round 2. Pwede mo munang kausapin si babe tungkol sa mga nagustuhan niyo sa round 1. Pwede niyo na ring planuhin ang mga nais niyong gawin o maranasan sa susunod niyong rakrakan.
Mainam na alamin muna kung game ba ang iyong partner na umulit. Sakaling hindi, dapat mo itong respetuhin at tanggapin. Kasama dapat palagi ang consent sa Sexy Time Checklist nating mga lalaki. At kung hindi na interesado sa round 2 si babe, mas mabuti sigurong bigyan mo na lang siya ng aftercare.
‘Yun lang muna, mga kaibigan! Sa susunod na matapos kayo ni honey at gusto mo pa, alam mo na ang mga dapat gawin para masigurong handa ka sa round 2!
Mga Pinagmulan
- Jewell, T. (2018, November 14). Everything you need to know about the refractory period. Healthline. https://bit.ly/497dwIU
- Whittaker, G. C. (2020, December 12). Refractory period: What it is & how to shorten it | Hims. hims.com. https://bit.ly/3TjSTTH
- Imahe mula sa Freepik