ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

HIV / AIDS

hiv, aids, reproductive health, sexually transmitted infection, sti, reproductive health, family planning

Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay ang mikrobiyo na nagdudulot ng AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome). Inaatake ng HIV ang mga puting selula ng dugo, na nagpapahirap sa katawan na labanan ang mga impeksyon.

Paano Ito Makuha

Nakukuha ang HIV sa iba’t-ibang paraan. Gayunpaman, ang virus na ito ay sumasakay sa mga likod sa katawan ng isang taong mayroon nito, tulad ng dugo, pre-ejaculate (pre-cum), semilya, likido sa ari ng babae, at/o gatas ng suso.

Ang pinakamadalas na dahilan ng pagkalat nito ay ang pakikipagtalik ng walang proteksyon, na kung saan, ayon sa mga statistika, nakuha ng karamihan na may impeksyon nito.

Ang HIV ay maaari ring maipasa sa mga kontaminadong karayom at iniksyon. Ito rin ay naipapasa ng mga nanay sa kanilang mga anak, maaring habang ipinagbubuntis o sa pagpapadede.

Sa mga malulubhang kaso, maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng “oral sex” at mula sa pagpasa ng dugo o pagtanggap ng organ mula sa isang taong mayroon nito.

Ano Ang Mga Sintomas

Ikaw o ang iyong kasosyo ay maaaring mayroong HIV nang hindi niyo alam. Maaaring lumipas ang ilang buwan o taon bago magkasakit o magkaroon ng anumang malubhang sintomas, ngunit maaari mo pa ring ipasa sa iba ang HIV.

Kahit na ang ilang mga tao ay walang mga sintomas, maaaring kasama sa mga palatandaan ng HIV ang: biglang pagbaba ng timbang, lagnat, pagtatae, pagpapawis sa gabi, o pakiramdam na napapagod palagi. Ang tanging paraan lamang upang malaman ay ang pagsuri.

Paano Ang Pagsusuri Nito

Ang pagsuri para sa HIV ay karaniwang gumagamit ng sampol ng dugo. Ang HIV ay hindi agad-agad na lalabas sa mga resulta ng pagsusuri—maaaring tumagal nang hanggang tatlong buwan matapos mahawaan ang isang tao ng HIV bago ito lumabas na positibo sa resulta.

Maaari kang magpasuri para sa HIV sa ilang mga ospital dito sa Pilipinas, parehong pampubliko at pribado. May mga non-profit organizations din na nagbibigay ng libreng pagpapakunsulta sa HIV sa buong bansa. Parehong mga ospital at mga NGO ay nagbibigay ng libreng payo para sa mga pasyenteng nagpositibo rito.

Para sa mas tagong paraan ng pagsusuri, may mga ibinebentang HIV Testing kits sa merkado. Kahit na mataas ang tyansa nitong maging tama, ang kahinaan nito ay ang kawalan ng propesyonal na makakapagbigay ng payo agad-agad, na maaaring magdahilan ng dagdag na anxiety.

May Gamot Na Ba Rito?

Ang HIV ay hindi mapapagaling. Mayroong ilang mga gamot na maaaring pabagalin ang pag-unlad ng HIV sa loob ng mahabang panahon, ngunit ang mikrobyo ay na sa katawan pa rin. Maaari pa rin itong maipasa sa iba, kahit na ang taong mayroon nito ay mukhang mabuti.

Kung mayroon kang HIV, ang iyong doktor ay gagawan ka ng isang plano sa paggamot, na may mga espesyal na gamot. Napakahalaga na sabihin sa iyong (mga) kasosyo kung mayroon kang HIV.

Pinagmulan:

http://www.teensource.org/std/hiv-aids
http://hivtestphilippines.org/?gclid=EAIaIQobChMItfXp36LD5QIVEz5gCh1UOg9eEAAYASAAEgKD7_D_BwE

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon