Ang menorrhagia ay ang medikal na termino para sa labis na pagdurugo o mahabang pagdurugo. Kahit na ang labis na pagdurugo ay karaniwan sa mga babae, kadalasan ay hindi sapat na malubha upang maituring na menorrhagia.
Maaaring mayroon kang menorrhagia kung:
- Kailangan mo ng isa o higit pang napkin o tampon upang maglaman ng iyong daloy bawat oras para sa sunod-sunod na mga oras.
- Ang iyong pagregla ay tumatagal nang higit sa pitong araw.
- Kailangan mong patuloy na palitan ang iyong napkin o tampon.
- Kailangan mong baguhin ang iyong napkin sa gabi.
- Ang iyong daloy ay naglalaman ng mga buo-buong dugo na kasing laki ng isang sentimo o mas malaki pa.
- Ang bawat pagregla mo ay may sapat na pagkawala ng dugo, at malubhang pananakit ng puson na hindi mo magawa ang iyong karaniwang gawain.
- Hindi nawawala ang pananakit ng puson habang nireregla.
- Kawalan ng enerhiya, o ika’y hinihingal.
Mayroong iba’t ibang mga dahilan para sa menorrhagia, kabilang ang mga problema sa pabago-bagong antas ng mga hormon, fibroid sa matris, negatibong reaksyon sa IUD, at iba pang medikal na kondisyon. Ang paggamot para sa abnormal na pagdurugo ay depende sa dahilan.
Kung ikaw ay may labis na pagdurugo na ikinatatakot mo na ang pagregla, makipag-usap sa iyong doktor. Maraming epektibong paggamot para sa menorrhagia.
Pinagmulan:
https://www.cdc.gov/ncbddd/blooddisorders/women/menorrhagia.html