ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Oo, Pwede Ring Magkaroon Ng Wet Dreams Ang Mga Babae

Women Can Have Wet Dreams Too

Ang “wet dreams” (nocturnal emission) ay kadalasang na-uugnay sa mga nagbibinata na nagbubulalas habang sila’y tulog pagkatapos magkaroon ng panaginip na sekswal. Pero alam mo ba na kahit sino maaaring makaranas nito? Oo, pati mga babae.

Siz, naranasan mo na bang gumising na basa ari mo? Baka wet dream na iyon. Normal lang maranasan mo ito sa pagdadalaga hanggang sa pagtanda.

Paano nangyayari ang mga wet dream sa babae?

Napagtanto ng mga mananaliksik na ang mga babae ay nagkakaroon rin ng mga wet dream. Sa katunayan, karamihan sa mga babae na nakakaranas ng mga wet dream ay unang nagkaroon bago sila mag-21 taong gulang. Nalaman rin ng mga eksperto na maraming babae ay makakaranas ng wet dream kahit isang beses sa kanilang buhay, habang may bang babae naman nakakaranas ng isa o higit pa bawat taon.

Kapag nagkakaroon ng napakasekswal na panaginip ang babae, nakakataas ito ng daloy ng dugo sa ari, at nakakahikayat sa pwerta na gumawa ng likas na lubrikasyon o pampadulas. Ganoon pwede mangyari ang mga wet dream at pag-orgasmo habang natutulog. Kung ika’y gumagalaw habang tulog, ang hindi sinasadyang pagsagi sa klitoris o utong ay maaaring patindihin ang mga wet dream.

Pwede bang mahikayat magkaroon ng wet dream?

Hindi lahat makakaranas ng mga wet dream, ngunit may ilang mga bagay na maaaring makahikayat rito.

Pagtulog nang nakadapa. Ang posisyon na ito ay pinagdidikit ang klitoris at mga utong sa kama, na mas mataas ang tsansa na mapukaw ang mga ito.

Pagkakaroon ng mga sekswal na isipan bago matulog. Mga pantasyang sekswal at kahit anong sekswal na isipan bago matulog ay maaaring mangyari sa panaginip. Ang panonood ng porno o pagbabasa ng mga librong erotiko ay makakataas rin sa tsansa na magkaroon ng wet dream.

Paano ma-iwasan ang mga wet dream?

Para sa iba nakakahiya ang pagkakaroon ng mga wet dream. Kung isa ka sa mga babaeng iyon, baka makatulong ang mga payong ito na ma-iwasan mo ang mga wet dream.

Huwag mag-isip ng kahit anong sekswal. Iwasan magkaroon ng mga isipang sekswal at erotiko. Maaaring makatulong sa iyo na maiwasan ang mga isipang sekswal at pag-orgasmo habang natutulog ang pagbabasa ng librong hindi erotiko o panonood ng pelikula.

Relaks. Subukan ang mga bagong aktibidad o libangan na nakakarelaks sa iyong isip at katawan.

Kahit na mas madalas ang mga wet dream sa mga lalake, lalo na sa mga nagbibinata, pwede rin tio mangyari sa mga babae — normal lang ito. Walang kailangan ikabahala kung nakakaranas ka ng mga wet dream. Hindi ito sintomas ng kahit anong napapailalim na kondisyon, at hindi sila nakakapinsala sa iyong kalusugan.

Mga pinagmulan:

https://www.refinery29.com/en-us/sleep-orgasm-women

https://flo.health/menstrual-cycle/sex/pleasure/orgasm-sleep

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon