Ang syphilis o syph ay isang sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (STI) na dulot ng isang uri ng bakterya. Karaniwang nagsisimula ito bilang walang sakit na sugat o pantal sa balat, ngunit sa paglipas ng panahon maaari itong lumala.
Paano ito naipapasa?
Ang syphilis ay kumakalat sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga sugat (tinatawag na chancres) o iba pang mga sintomas ng syphilis. Maaari itong maikalat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oral, vaginal, o anal na pagtatalik, o sa pamamagitan ng paghalik sa isang taong may sakit na syphilis sa kanilang bibig.
Ano ang mga sintomas nito?
Ang mga palatandaan ng syphilis ay maaaring maging banayad at maaaring hindi mo ito mapansin. Ang unang sintomas ay isang sugat o pantal (sore) na walang sakit. Ang pantal na ito ay maaaring nasa o malapit sa ari ng babae, ari ng lalaki, bibig, o anus. Gumagaling ito nang kusa kahit na hindi ito ginagamot, ngunit maliban kung ikaw ay magamot, mayroon ka pa ring syphilis.
Makalipas ang ilang linggo o buwan nang hindi ka ginagamot, maaari kang magkaroon ng pantal sa mga palad ng iyong mga kamay o talampakan ng iyong mga paa, namamaga na mga glandula, sakit sa kasukasuan, lagnat, pagkawala ng buhok, namamagang lalamunan, o pananakit ng ulo. Ang mga sintomas na ito ay kusa ring nawawala nang walang gamot, ngunit taglay mo pa rin ang sakit.
Paano magpasuri para dito?
Maaaring patingnan sa mga tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan o doktor ang anumang pantal o iba pang mga sintomas upang malaman kung mayroon kang syphilis. Kung wala kang mga sintomas, ang iyong doktor ay maaari ring kumuha ng maliit na sampol ng dugo mula sa iyo at suruin para sa syphilis.
Paano ito magagamot?
Kung mayroon kang syphilis, bibigyan ka ng iyong doktor ng ineksyon ng antibiotic. Upang maiwasan ang pagkalat ng syphilis sa iyong mga kasintahan, dapat mong iwasan ang pakikipagtalik hanggang sa maubos mo ang lahat ng antibiotic at ang iyong kasosyo ay masuri at magamot kung kinakailangan.
Pinagmulan: http://www.teensource.org/std/syphilis
Anu pho gamot sa syphilis para mawala pho
Hi Manman! Mabuting ipa-test muna ito sa iyong doktor at sila ang makakapagbigay ng angkop na paggagamot sa iyo.