fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Syphilis

reproductive health, syphilis, family planning

Ang syphilis o syph ay isang sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (STI) na dulot ng isang uri ng bakterya. Karaniwang nagsisimula ito bilang walang sakit na sugat o pantal sa balat, ngunit sa paglipas ng panahon maaari itong lumala.

Paano ito naipapasa?

Ang syphilis ay kumakalat sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga sugat (tinatawag na chancres) o iba pang mga sintomas ng syphilis. Maaari itong maikalat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oral, vaginal, o anal na pagtatalik, o sa pamamagitan ng paghalik sa isang taong may sakit na syphilis sa kanilang bibig.

Ano ang mga sintomas nito?

Larawan mula sa: https://www.healthline.com/health/syphilis-secondary#pictures

Ang mga palatandaan ng syphilis ay maaaring maging banayad at maaaring hindi mo ito mapansin. Ang unang sintomas ay isang sugat o pantal (sore) na walang sakit. Ang pantal na ito ay maaaring nasa o malapit sa ari ng babae, ari ng lalaki, bibig, o anus. Gumagaling ito nang kusa kahit na hindi ito ginagamot, ngunit maliban kung ikaw ay magamot, mayroon ka pa ring syphilis.

Makalipas ang ilang linggo o buwan nang hindi ka ginagamot, maaari kang magkaroon ng pantal sa mga palad ng iyong mga kamay o talampakan ng iyong mga paa, namamaga na mga glandula, sakit sa kasukasuan, lagnat, pagkawala ng buhok, namamagang lalamunan, o pananakit ng ulo. Ang mga sintomas na ito ay kusa ring nawawala nang walang gamot, ngunit taglay mo pa rin ang sakit.

Paano magpasuri para dito?

Maaaring patingnan sa mga tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan o doktor ang anumang pantal o iba pang mga sintomas upang malaman kung mayroon kang syphilis. Kung wala kang mga sintomas, ang iyong doktor ay maaari ring kumuha ng maliit na sampol ng dugo mula sa iyo at suruin para sa syphilis.

Paano ito magagamot?

Kung mayroon kang syphilis, bibigyan ka ng iyong doktor ng ineksyon ng antibiotic. Upang maiwasan ang pagkalat ng syphilis sa iyong mga kasintahan, dapat mong iwasan ang pakikipagtalik hanggang sa maubos mo ang lahat ng antibiotic at ang iyong kasosyo ay masuri at magamot kung kinakailangan.

Pinagmulan: http://www.teensource.org/std/syphilis

Please follow and like us:

16 thoughts on “Syphilis

  1. Hi tanong kolang po.nag apply po ako pa abroad saudi po.nong nag pinacheck kopo yong dugo ko positive daw po ako sa syp.kaya ng nalaman ko na my ganto ako.nag tanong agad ako sa doctor.kaya ginawa nya ininjictionan nya po ako ng antibiotic .yon daw po ang gamot..tanong kulang po after po ba ng gamotan .mag non reactive napo ba sya sa blood test po.salamat sa sagot

    1. Hi Ariel! Ayon nga po sa nasusulat sa artikulo, injection po ng antibiotic ang isang kilalang lunas dito. Mabuting itanong muli sa iyong doktor kung magiging reactive o non-reactive ito sa blood test.

  2. hi tanong ko lang po nagkaruon po kasi ako ng syphilis kapapanganak ko lang ngaun oct. un baby ko po pinasuri un dugo kung reactive din siya sa syphilis sa awa nmn po ng diyos non reactive siya. tanong ko lang maari pa po ba siya magkaruon kahit na ng non reactive na un baby ko po. worried lang pk ako para sa babg ko.
    di ko din po kasi alam kung saan ko nakuha un sakit na yan.

    1. Hi Jenny! Tulad nga po ng nakasaad sa artikulong ito, maaaring maipasa ang sakit “pamamagitan ng paghalik sa isang taong may sakit na syphilis sa kanilang bibig.” Mainam po na magamot kayo kaagad para wala po kayong mahahawaan.

  3. sakin po may tumutubo ng pula iilan lang po sa katawan ko pero last year nagpatess po ako ng hiv july unang tess ko non reactiv tapos po bumalik ako ng september non reative po ulit bumalik nanaman po ako ng nov non reactiv ulit that time naman po wala na akong naka sex pero malaki po ang ang tonsil ko dahil poba sa tonsil ko kaya ako nagkakaroon ng mga impeksyon ang tonsil ko wala po nana malaki lang po talaga 3cm po ang lake sana po masagot niyo tanung ko

    1. Hi jayson bautista! Ang tonsil ay hindi nakakapagdulot ng mga impeksyon sa iyong katawan, sa katotohanan, tumutulong pa ito upang maiwasan ang impeksyon ng iyong katawan. Kung hindi syphilis ang nararamdaman mo, maaaring sakit sa balat o ano pa man. Ipakunsulta mo ito sa iyong doktor at sabihin lahat ng iyong nararamdaman upang makasiguro sa iyong kalagayan.

  4. Hi ako ay meron din pong sakit na ganito buntis po ako ngayon 7month’s dati po nag apply ako abroad kaya po di ako natuloy dahil sa kondisyon ko nag gamot po ako.. 1yr po nka lipas ngka jowa po ako at sya ngayon ang ama ng dinadala ko. Ngayon po ay nag pa laboratory po ako nag reactive po ang result meron dw po akong ganitong uri ng sakit ano po bang dapat kong gawin malayo po kc kinakasama ko sa ngayon ano po ba mangyari sa baby ko..pagka Labas?

    1. Hi Khai! Kailangan niyo pong magamot ‘yan. Maaari pong mahawa ang iyong baby habang nasa sinapupunan pa lang o kaya sa pagkapanganak (na maaaring maging malubha na ang kanyang sitwasyon). Mabuting makipag-ugnay na po kaagad sa iyong doktor o malapit na health center para mapayuhan sa paggamot.

  5. Hi.. ask ko lang po.. kapapanganak ko lang 7mons ago at ako ay nag reactive sa sakit na syphillis 😥😥 nahawan ko ang baby ko.. nakapag 10 days treatment sya sa nicu after ko syang ipanganak.. dapat after 3mons e ibalik ko sya sa ospital. Kaso hindi ko na po sya naibalaik..saka ang problema ko po.. ako mismo hindi pa nakakapag gamot after ko malamang reactive ako at ang isa ko pang lubos na pinagtataka.. ung ama ng baby ko, pag test sa kanya ng syphillis e negative sya o none reactive.. paano po kaya nangyari yon e sya lang naman ang kasalukuyang naging karelasyon ko ng matagal na panahon.😭😭😭
    Sana masagot nyo po ang aking mga katanungan.

    1. Hi Rica! Kami po ay nalulungkot na marinig ang sinapit ninyo ng iyong baby 😞. Hindi rin po namin matiyak kung saan mo kaya posibleng nakuha ‘yung syphillis. Ngunit, ang mahalaga ngayon ay sana po makapagpagamot ka na sa lalong madaling panahon. Mabuting makipag-ugnay sa iyong doktor o magpunta sa malapit na health center para mapayuhan sa gamutan.

  6. hi. ako po ay may ganitong uri sa katawan ko dahil ng nagpasuri po daw ako para HIV test lumabas n meron akong uri ng sakit na syp..tulad ng nabanggit mo wala nmn itong sintomas pero minsan may pagkkataon na nakasandal ako sa upuan ng walang pangtaas nagkakaroon ako ng pantal sa balat..iyun ay kung sasandal lang ako sa kahoy ng matagal posible po bang iyun n yun..saka may vaccine ba para dito ano ano ang mga gamot na maari dito..pwede po ba kaming mag sex ng asawa ko. ako po ay high active sa sex namin..ano po bang dapat kung gawin.maaring aware na ang asawa ko dito kasi kahit na kiss sa lips ayaw na niya. lumayo na sya sa akin.dahil nga sa ibang babae ko ito nakuha..

    1. Hi Bobit! Kung nagpositibo ka sa Syphilis, magpunta na sa doktor kaagad para mapayuhan ka sa tamang paggamot. Ang mga may syphilis ay iniiniksyonan ng antibyotiko para gumaling ka. Mabuting magpagamot na kaagad bago pa ito lumala para maiwasan ang mga komplikasyon. Kapag hindi ka pa lubusan na nagagamot, maaaring maipasa mo ito sa iyong asawa kahit na walang mga sintomas. Iwasan muna ang paghalik at pagtalik habang hindi pa natatapos ang gamutan.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon