fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

4 na bagay na nakakapagpalala ng pananakit ng puson dala ng regla

4 Things that could worsen period pain

Ang pananakit ng puson tuwing nireregla, o dysmenorrhea, ay dulot ng pagtaas ng produksyon ng prostaglandins, isang hormon na nililikha ng matres para makatulong sa paglabas ng regla.

Kapag nakakaranas ng matinding uterine contractions, malamang makakaranas ka rin ng matinding pananakit ng puson. Karamihan sa mga babae ay nakakaranas nito bago ang, at habang may regla. Karaniwan at madalas man ito mangyari, may mga bagay na maaaring makalala dito.

Ito ang apat na bagay na pwedeng makalala sa pananakit ng puson.

Stress

Kapag palagi kang nasestress, nakakalala ito sa mga sintomas bago ang, at habang may regla. Kasama rito ang dysmenorrhea.

‘Di rin naman posibleng iwasan o alisin lahat ng sanhi ng stress sa buhay. Ngunit, malaking tulong ang mga aktibidad tulad ng pag-meditate at pagrelaks para ‘di ka palaging bihag ng stress.

Sanhi rin ng stress ang puyat. Kaya napakahalagang natutulog ka nang maayos kahit walang regla.

Maaalat at matatabang pagkain

Malaking epekto rin ang iyong mga kinakain. Kapag maingat ka sa mga kinakain mo, makakatulong ‘to na makaiwas sa mga sintomas ng regla.

Nakakadulot ng water retention ang mga maaalat na pagkain. Kapag mas maraming tubig ang nananatili sa iyong katawan, mas bloated ang iyong pakiramdam at mas masakit ang puson.

Ang mga matatabang pagkain ay nakakahikayat sa paglikha ng prostaglandins, at nakakalala ito ng cramping at pananakit ng puson.

Alak

Ang labis na pag-inom ng alak ay maaari ring maghikayat sa paglikha ng prostaglandins.

Isang diuretic ang alak, kaya nagsasanhi ‘to sa pagka-dehydrate. Nakakaapekto ang dehydration sa kalusugan at nakakalala sa mga karaniwang nararanasan kapag nireregla.

Kapag ika’y hydrated nang tama, nakakatulong ‘yung tubig sa paglabnaw ng regla, at mas madali itong ilabas ng katawan.

Mainam na umiwas sa alak bago at habang nireregla, at uminom ng maraming tubig palagi. Iminumungkahi na uminom ng 9 na baso ng tubig, o halos 2 litro ng tubig araw-araw.

Sigarilyo

Mas makakaranas ng dysmenorrhea ang mga babaeng naninigarilyo dahil ang nicotine sa mga sigarilyo ay nakakaliit sa daluyan ng dugo. Kapag nangyari ito sa matres, babagal ang daloy ng dugo at mapapalala ang pananakit ng puson.

Kahit madalas kang nakakaranas ng pananakit ng puson bago ang, at habang may regla, ‘di mo dapat ito binabalewala kapag matindi at madalas nang nangyayari. Kumonsulta sa doktor kapag nakakabalaha at nakakaapekto na sa pang-araw-araw mong gawain. Posible rin kasi na mayroon kang kondisyon na nakakalala sa pananakit ng puson.

Mga pinagmulan:

https://www.insider.com/things-making-your-period-worse-2019-3

https://www.everydayhealth.com/pictures/reasons-your-period-might-painful/

https://www.essence.com/lifestyle/things-make-period-cramps-worse/

https://flo.health/menstrual-cycle/health/period/alcohol-and-period

https://www.reuters.com/article/us-menstrual-pain-cigarettes-idUSKBN0JN2KK20141209

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon