fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

PS: Mahalaga ang Sexual Aftercare

Paano gawin nang maayos ang sexual aftercare

Ang pakikipagtalik ay hindi nagtatapos sa climax o pagbulalas. Sa katunayan, may tinatawag tayong “sexual aftercare”. Ito ang mga ginagawa natin pagkatapos makipagtalik.

Simple lang ito, at marami ang hindi nakakapansin na may sexual aftercare na silang ginagawa, gaya ng mga ito:

Cuddling

Masarap na pampa-relax ang paghiga habang may kina-cuddle, lalo na kung kakatapos lang ng sexy time. Nagiging mas malapit ang mga taong nagyayakapan, kaya magandang magyakapan kayo ni babe pagkatapos ng isang round.

Magiging mas espesyal ang pag-cuddle kung sasabayan mo ito ng sweet na mensahe: sabihin mo sa kanya kung gaano siya kahalaga sa’yo.

Pagtulog nang magkatabi

Maraming tao ang madalas nasa mood na mag-relax o umidlip pagkatapos ng sexy time. At tulad ng pag-cuddle, ang pagtulog na may katabi ay nakakatulong sa pagpapatibay ng relasyon ng dalawang tao. Dagdag pa rito, ang pagtulog nang magkasama ay isang siguradong paraan para makapagpahinga.

Pag-usap ng mga nagustuhan niyo (o hindi nagustuhan) 

Maaari kayong mag-usap ng partner mo tungkol sa mga ikinatuwa ninyo o hindi nagustuhan sa sexy time na katatapos lamang. Pwede niyo na ring kunin at tsansang ito na magbigay ng tips at planuhin ang mga gagawin sa susunod.

Sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa inyong sex life, matututunan ninyo ang mga pwede at ‘di dapat gawin sa kama. Mainam din itong paraan para mapatibay ang komunikasyon sa inyong dalawa.

Pagmasahe

Maraming enerhiya ang nagagamit sa sexy time, kaya malaki ang maitutulong ng physical therapy pagkatapos ng isang bedroom workout. Kung nasa mood naman ang partner mo na masahiin ka, edi mag-relax ka lang at hayaan mo siya!

Gawing mas espesyal ang eksena sa pagpatay ng ilaw at pagpapatugtog na nakakakalma na musika. Kung gusto ng partner mong masahiin ka o masahiin mo siya, edi ugaliin niyong gawin ‘yon bilang sexual aftercare.

Panonood

Ang pakikipagtalik ay isang gawain na kinakailangang gawin ng higit pa sa isang tao. Isa pang nakaka-enjoy na gawain ang pagnood ng TV show o pelikula nang magkasama.

Sex is a shared experience, and so is watching something together. You and your partner can continue that feeling of togetherness by viewing a movie or TV show you’ll both enjoy after getting it on.

Pagligo 

Ang wastong kalinisan ay mahalaga, at dahil maglilinis din naman talaga kayo pagkatapos ng sex, maaari niyo rin itong gawin nang magkasama.

Kung ikaw ay mahilig maligo pagkatapos makipagtalik, subukan mong gawin ito kasabay ng partner mo. Posibleng humantong sa round two ang mga kaganapan!

Ang paglilinis nang magkasama ay maganda kung ang paglilinis mismo ay espesyal na gawain para sa’yo o sa karelasyon mo.

Ang pakikipagtalik ay hindi nagsisimula sa penetration o pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae. Gayundin, ang pakikipagtalik ay hindi natatapos sa climax o pagbulalas.

Lahat ng mga ginagawa natin pagkatapos ng sexy time ay bahagi ng sekswal na karanasan. Sa susunod na may mangyari sa inyo ni babe, pwede mong ituloy-tuloy ang init sa inyong pagsasama sa pamamagitan ng sexual aftercare.

Pinagmulan:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/sexual-aftercare

Imahe mula kay nikitabuida sa Freepik

Please follow and like us:

One thought on “PS: Mahalaga ang Sexual Aftercare

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon