fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

6 tips para maging mas confident sa’yong katawan

6 tips to boost your body confidence

Paulit-ulit natin itong nakikita sa social media at kung minsan ay mga beauty advertisement, ngunit paano ba talaga natin mamahalin ang ating sarili at mas maging confident sa’ting katawan?

Maraming tao ang may kumplikadong relasyon sa kanilang katawan. Habang ang mga mukhang napaka-confident ay maaaring nakikipaglaban din sa mga insecurities at may love-hate relationship sa kanilang sarili.

Maraming bagay ang nakakaambag sa confidence. Hindi ka lang gigising isang araw na gusto maging confident, tapos bigla-biglang mapupuno ng confidence sa susunod na araw

Ang pagiging mas confident ay mahaba, ngunit kapaki-pakinabang na proseso. At tiyak na hindi imposible. Kung mas maaga kang magsimula, mas maaga mo ring ma-eenjoy ang pagiging mas confident sa iyong sarili.

Narito ang pitong tips na pwede mong simulan.

Bawasan ang pag-scroll sa social media

Bagama’t maaaring mahilig kang mag-scroll sa mga post para sa #fitspiration o #bodygoals, lumabas sa isang pag-aaral na ang mga gumugugol ng mas maraming oras sa Facebook ay may posibilidad na magkaroon ng mas mababang pagpapahalaga sa sarili. Ngunit hindi iyon nangangahulugan na kailangan mong tanggalin ang iyong mga social media account!

Ano ang pwede mong gawin tungkol dito? Bawasan ang pag-scroll sa social media.

Mag-unfollow, mute, o hide ng tao kapag nakakita ka ng post na hindi nakakabuti para sa’yo. Ang pag-alis ng negativity sa iyong social media ay makakatulong na patahimikin sa mga kaisipan na naghahambing sa’yo mula sa ibang tao.

Kapag nalinis mo na ang iyong feed at timeline, oras na para maghanap ng mga tao at account na nagpapasaya sa iyo tungkol sa iyong sarili.

Higit sa lahat, tandaan na ang mga tao ay nagpo-post lamang ng mga magaganda at masayang aspeto ng kanilang buhay. Ang bawat tao’y may buhay sa kabila ng social media. Ang mga tao ay may sariling mga problema at pakikibaka rin, katulad mo. Tumutok sa iyong sariling paglalakbay tungo sa’yong mga pangarap at hangad.

Bigyang pansin ang mga kakayahan ng iyong katawan

Sa halip na tumingin sa salamin at tumuon sa hitsura ng iyong katawan, ilipat ang iyong pagtuon sa lahat ng mga cool na bagay na magagawa ng iyong katawan. Itigil ang pag-iisip tungkol sa kung ano ang hindi nito nagagawa, at simulan ang pagbigay pansin sa lahat ng kakayahan ng iyong katawan. Ipagdiwang ang maliliit na bagay tulad ng kung paano nagagawa ng iyong katawan na tapusin ang isang pag-eehersisyo o kahit na pagdumi nang regular.

Huwag ibase sa mga numero ang iyong halaga

Mawawalan ka ng gana kapag nagtutuon palagi sa numero sa timbangan, measuring tape, o kahit sa iyong following list. Kung iyon ang kaso, itigil ang pagtingin sa kanila. Hindi basehan ang mga numerong ito kung gaano ka kahanga-hanga.

Pag-usapan kung ano ang iyong ipinagmamalaki

Gusto mo ba ang iyong buhok? Ang puwitan mo? Paano ang iyong mga mata? Tumingin sa salamin, pumili ng bahagi ng katawan na gusto mo, at maging proud dito. Parang nakakatawa, ‘di ba? Pero sa umpisa lang ‘yan. Ito ay magandang diskarte upang labanan ang mga isyu o bahid na madalas mong napapansin.

Ngunit hindi mo kailangang tumutok lamang sa iyong katawan. Isa kang tao —- at talagang kamangha-manghang tao — na nagkataong may katawan. Gusto mo ba kung paano mo madaling mapatawa ang mga tao? O kung gaano ka kagaling magsulat ng mga tula? Gumawa ng listahan ng lahat ng mga bagay na gusto mo tungkol sa iyong sarili, at maaaring idagdag pa ang lahat ng mga tagumpay na narating mo. Basahin ang mga ito kapag kailangan mong paalalahanan ang iyong sarili kung gaano ka kahanga-hanga!

Magsuot ng damit na gusto mo

Sa lahat ng iyong gagawin at isusuot, laging siguraduhin na ito ay nagpapasaya sa iyo. Isa kang kamangha-manghang tao, kaya mamuhunan sa iyong sarili at magsuot ng mga damit na nakakaangat sa iyong confidence. Maniwala ka man o hindi, pero ang pananamit mo ay maaaring makaapekto sa iyong mood.

Ang pagbibihis nang naaayon sa iyong kagustuhan ay hindi lamang tungkol sa pagiging sexy o hot. Ito ay tungkol sa pagiging masaya, at dapat napapangiti ka kapag nakikita mo ang iyong sarili sa salamin.

I-hype ang sarili mo

Maging sarili mong BFF at i-hype ang iyong sarili. Tumingin sa salamin at sabihin ang mga positibong affirmations upang ipaalala kung gaano ka kahanga-hanga. Kung mas inuulit mo ang mga affirmations na ito, mas kapanipaniwala at sasalamin rin ito sa iyong confidence. Ang ilan sa mga positibong affirmations na maaari mong sabihan ay:

“Kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko.”

“Gagawin kong maganda ang araw na ‘to.”

“Ako ay may sapat na lakas upang harapin at lutasin ang anumang hamon na darating sa akin.”

Maaari ka ring gumawa ng sarili mong mga affirmations, at idikit ang mga ito sa mga lugar kung saan madalas mo silang makikita.

Mga pinagmulan:

Rinkunas, S. & Creveling, M. (June 20, 2018). 7 Ways To Start Feeling More Confident Right Now. Women’s Health. https://www.womenshealthmag.com/life/a19933675/boost-body-confidence/ 

Brotheridge, C. (April 7, 2020). 7 Steps to Body Confidence. Psychology Today. https://www.psychologytoday.com/us/blog/calmer-you/202004/7-steps-body-confidence 

Johnson, N. (November 9, 2017). 10 Easy Steps to Finding Body Positive Confidence. Healthline. https://www.healthline.com/health/body-positivity-10-steps-to-being-confident-in-your-skin 
Creveling, M. (December 7, 2020). 53 Body Positive Influencers You Should Follow. Very Well Mind. https://www.verywellmind.com/body-positive-influencers-4165953

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon