fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pwede bang mag-swimming kahit nireregla?

Can I swim while on my period?

Ang simpleng sagot ay oo, ligtas na lumangoy kahit nireregla.

Sa katunayan, kayang-kaya pa rin sumali sa anumang iba pang aktibidad, nasa anumang punto ka ng iyong siklo ng regla. Pero kung mas pipiliin mong humiga sa sopa ‘pag ika’y nireregla, ayos lang din!

Narito ang kailangan mong malaman bago lumangoy habang nireregla.

Pumili ng tamang period product

Bagama’t parang humihinto ang iyong regla kapag nasa tubig ka, talagang bumagal lang ang daloy dahil sa presyon ng tubig.

Dahil lang sa hindi kasing lakas ng iyong regla tulad ng kapag wala ka sa tubig, kakailanganin mo pa ring gumamit ng proteksyon mula sa tagos, lalo na kung madalas kang umahon sa tubig.

Mga tampon

Magandang gumamit ng tampon kapag lalangoy dahil madaling gamitin, nakaka-absorb ng regla kahit na nasa tubig ka, at ‘di halatang gamit mo.

Maaaring magdulot ang mga ito sa toxic shock syndrome, ngunit bihira naman ito mangyari at maiiwasan sa pamamagitan ng:

  • Paggamit ng mga tampon na may pinakamababang absorbency
  • Paghuhugas ng iyong mga kamay bago at pagkatapos gumamit ng tampon
  • Pagpalit kaagad ng iyong tampon pagkatapos umahon sa tubig

Mga menstrual cups

Ang mga menstrual cup ay karaniwang mas ligtas kaysa sa mga tampon. At kumpara sa mga tampon at napkin, ang mga menstrual cup ay nakakasalo ng mas maraming dugo. Alisin lang, itapon ang laman, at hugasan ang iyong cup tuwing 6-12 oras, depende sa kung gaano kabigat ang daloy ng iyong regla.

Ano ang HINDI dapat gamitin

Hindi inirerekomenda na gumamit ng mga napkin o panty liner kapag lumalangoy. Masisipsip nga nila ang regla mo, pero sisipsipin din nila ang tubig sa paligid mo. Hindi sila dumidikit nang maayos sa tela ng swimsuit, at hindi sila komportable kapag nakasipsip sila ng masyadong maraming likido.

Bigyang linaw natin ang mga karaniwang sabi-sabi

Maraming babae ang nagdadalawang isip na lumangoy kapag sila’y nireregla, dahil lamang sa mga sabi-sabi ng ibang tao. Kaya, bigyang linaw natin ang mga karaniwang tsismis na malamang narinig mo na rin dati.

Hindi ito madumi

Una sa lahat, ang dugo ng regla ay hindi marumi. Pangalawa, ang mga swimming pool ay chlorinated at pinapatakbo ng filtration system. Pinapanatili nilang malinis ang tubig sa pool at pinipigilan nila ang pagkalat ng anumang sakit o bakterya (ngunit, muli, hindi marumi o mapanganib ang regla).

Kung sakaling may tumagas na kaunting dugo mula sa iyong tampon o menstrual cup, hahalo lang ito sa tubig.

Hindi aagos ang dugo sa tubig

Halos walang dugo ang lalabas sa iyong katawan kapag nakalublob ka sa tubig. At kung mangyari man, ito ay hahalo at hindi mapapansin sa dinami-dami ng tubig sa paligid mo.

Hindi ka kakagatin ng mga pating

Ang mga pating ay may malakas na pang-amoy. Bukod sa dugo, naaamoy din nila ang iba pang mga likido sa katawan sa tubig tulad ng ihi (na maaaring hindi kaaya-aya sa kanila).

Gayunpaman, walang pananaliksik na nagpapatunay na lalapitan at kakagatin ka ng pating kung lumangoy ka sa dagat habang ika’y nireregla.

Paglaktaw ng iyong regla

Kahit na ligtas na lumangoy habang nireregla, minsan hassle talaga kapag may dalaw ka habang nagbabakasyon. Sa kabutihang palad, maaari mong kontrolin ang iyong siklo at laktawan ang iyong regla sa tulong ng mga oral contraceptive pill.

Upang laktawan ang iyong regla gamit ang mga pills, inumin ang 21 active pills lamang. Uminom ng isang (1) pill araw-araw sa parehong oras. Magsimula sa bagong pakete kaagad pagkatapos ng ika-21 na tableta. Kailangan mong patuloy na inumin ang active pills hanggang sa handa ka nang datnan uli ng regla.

Mga pinagmulan:

Sutton J. (February 26, 2020). Your Period Doesn’t Stop in Water — Here’s How to Handle It. Healthline. https://www.healthline.com/health/does-your-period-stop-in-water 

WebMD Editorial Contributors. (June 15, 2021). What to Know About Swimming During Your Period. WebMD. https://www.webmd.com/women/what-to-know-swimming-during-your-period 

Bell, J. (March 9, 2022). Can you swim on your period? Clue. https://helloclue.com/articles/cycle-a-z/can-you-swim-on-your-period 
Shiffer, E. (December 28, 2019). Yes, you can safely swim while on your period with or without a tampon. Insider. https://www.insider.com/guides/health/reproductive-health/can-you-swim-on-your-period

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon