ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang Kahalagahan Ng Kalinisan At Pangangalaga Sa Kalusugan Habang Nireregla

Para sa ilang mga babae, ang pagreregla ay hindi komportableng karanasan, habang sa iba naman ito ay natural na proseso ng paglilinis.

Maaaring magkaroon ng iba’t ibang mga pananaw sa regla, ngunit ang bawat babae ay nangangarap na malinis at maginhawa ang pagregla upang magkaroon ng presko at komportableng araw. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng iyong sarili ay kasing halaga ng pagsisipilyo ng mga ngipin o paghuhugas ng kamay bago kumain.

Bukod sa nais na panatilihing malinis at presko ang ari, mahalaga rin ang kalinisan upang makaiwas sa mga impeksyon habang nireregla. Nababago kasi ang balanse ng antas ng pH sa ari, kaya mas madali makakuha ng mga impeksyon kapag nireregla. Ang paghuhugas ng ari nang dalawang beses sa isang araw ay makakasiguro na hindi ka mangangamoy, at hindi ka rin manganganib na makakuha ng impeksyon.

Hugasan ang iyong ari gamit ang maligamgam na tubig. Iwasan gumamit ng mababangong shower gels, bubble bath o sabon na maaaring makatuyo sa mga maselan na mga lamad sa ari, at masira ang sensitibong balanse ng antas ng pH. Gumamit ng sabon na banayad at walang pabango, o gumamit lamang ng tubig. Hugasan ang ari tulad ng karaniwang ginagawa—ang panlabas lamang. Ang paghuhugas sa loob ng ari (tinatawag na ‘douching’) ay nakakasama, kahit ikaw ay may regla.

Upang maiwasan mangamoy, siguraduhing magsuot ng sariwang panty araw-araw, at palitan ang iyong napkin o tampon nang apat hanggang limang beses sa isang araw, o mas madalas kapag mabigat ang daloy (tulad ng unang dalawang araw ng iyong pagregla). Gumamit ng mas makapal na night-time sanitary napkin kapag natutulog, para hindi matagusan at para mapanatiling malinis ang iyong mga damit at sapin sa higaan.

Kapag nireregla, iwasan ang pagusot ng masisikip na damit o tela na nakakapaghintulot ng “paghinga”, tulad ng mga sintetiko, dahil ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng kahalumigmigan at init, kung saan mahilig mamuhay ang mga bakterya. Gumamit lamang ng gawa sa cotton, at magsuot ng maluwag na damit upang manatiling presko at tuyo. Iwasan ang mga vaginal deodorant o feminine spray—ang mga produktong ito ay hindi kinakailangan at maaari maging sanhi ng pangangati at iritasyon.

Mga iba pang mga karagdagang payo: magpalit ng iyong panty at damit pagkatapos maglaro o mag-ehersisyo dahil ang pawisang panty ay maaaring mag-iwan sa iyo ng pakiramdam at amoy na hindi kanais-nais. Kapag magpupunas ng ari pagkatapos gamitin ng banyo, siguraduhin na ang pagpunas ay mula sa harap, papunta sa likod upang maiwasan ang paglipat ng mga masasamang bakterya sa iyong ari. Panghuli, siguraduhing ligtas ang pagtalik sa bawat oras, lalo na kapag habang may regla, dahil may mas mataas na tsansang makapasa o makakuha ng impeksyon sa mga araw na ito. Gumamit ng proteksyon, gaya ng condom.

Kung nag-aalala ka pa rin mangamoy kapag may regla, laging tandaan na normal para sa iyong ari na bahagyang mangamoy. Kung napapansin mong meron pa ring malakas na amoy kahit pinapanatili mong malinis ang iyong sarili, kumunsulta na sa iyong doktor dahil maaaring mayroon kang impeksyon.

Sundan ang mga payo sa itaas, at siguradong presko at komportable ang pakiramdam mo araw-araw kahit may regla.

Pinagmulan:

https://www.bodyform.co.uk/v-zone/living-with-periods/feminine-hygiene-during-period/

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon