fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mabuti ba o masama ang Pornograpiya?

porn, pornography, family planning, reproductive health

Kahit sinong may access sa Internet ngayon ay maaaring makapanood ng pornograpiya o porn. Sa Pilipinas, hindi madaling mapag-uusapan ang pakikipagtalik, at maraming tao ang nakakakuha ng kaalamang sekswal sa palihim na panonood ng porn. Ang porn ay hindi mabuting alternatibo para sa sex education dahil maaari itong bumuo ng mga ideya tungkol sa pakikipagtalik at kasiyahang sekswal na napakalayo sa katotohanan. Maaari itong magturo ng maling paniniwala gaya ng: ninanais ng mga babae ang makontrol sila habang nakikipagtalik; mas masarap ang pakikipagtalik para sa mga lalaking may malalaking ari; at ang mga kababaihan ay madaling mag-orgasm sa pamamagitan lamang ng penetration o ang pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae.

Bagaman mukhang nailalarawan ng pornograpiya kung paano nakararanas ang mga tao ng kasiyahan, hindi talaga nito naipapakita ang buong katotohanan. Importanteng tandaan na ang pornograpiya ay ginagawa bilang pang-aliw. May kasama itong pag-arte, at may mga “camera tricks” na ginagamit sa paggawa nito. Samakatuwid, ipinakita ng mga pag-aaral na ang porn ay hindi lamang gumagatong sa pantasya ng mga nanonood; sa halip, hinuhubog nito ang kanilang kaugalian sa kanilang mga sekswal na relasyon.

Sa katunayan, ang porn ay minsa’y may laman na karahasan laban sa kababaihan, at maaari itong magsulong ng isang nakababagot at nakababahalang ideya tungkol sa pakikipagtalik sa mga manonood nito. Nangangahulugan ito na ang mga taong nanonood ng porn ay maaaring makabuo ng mga hindi makatotohanang pamantayan at inaasahan para sa sex. Bagama’t hindi lahat ng pornograpiya ay marahas o nakakababa sa mga kababaihan, mahalagang tandaan na ang pornograpiya ay hindi sumasalamin sa realidad ng pakikipagtalik.

Isang kapaki-pakinabang na aspeto ng porn ay magagamit mo ito upang matutunan at makilala kung ano ang gusto mong maranasan at kung ano ang magbibigay sayo ng kasiyahan. Ngunit, lagi nating dapat tandaan na ang totoong pakikipagtalik ay ibang-iba sa porn, at mahalagang maging makatotohanan ang ating mga nanaising gawin at maranasan sa kama. Nakakatulong din ang pagkakaroon ng malinaw at bukas na komunikasyon sa iyong partner kapag pinag-uusapan niyo ang mga gusto niyong maranasan sa pakikipagtalik.

Kung gusto mong mas maunawaan ang porn at kung paano natin ito dapat pahalagahan, pwede mong panoorin ang Episode 3 ng The Naked Truth Show kung saan tinatalakay ng influencer/content creator na si Macoy Dubs bilang si Gina G, at ng sexologist na si Dr. Rica Cruz kung ano ang mabuti at masama sa porn.

Pinagmulan:
https://www.psychologytoday.com/intl/blog/sex-wars/201903/what-does-porn-mean-anyway

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon