ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang Katotohanan Sa After-Sex Glow

The Truth About After-Sex Glow

Sinong gusto ng pagtalik na may benepisyo? Siguradong lahat naman tayo gusto! Baka ito na ang susunod mong paboritong hakbang sa pag-aalaga ng iyong balat.

Pagkinis sa mukha

Ang mataas na antas ng stress, pagkabalisa, at pag-igting ay humahantong sa mababang antas ng oxytocin — ang hormon ng “pag-ibig” — sa daloy ng dugo. Kapag nai-stress ka, nahahalata talaga sa iyong balat ang mataas na antas ng cortisol, ang hormon ng stress. Maaari itong magsanhi ng pagsiklab bigla ng mga taghiawat, at pagsimula ng pamamaga sa ilang mga kondisyon tulad ng rosacea at psoriasis.

Ang seks ay humihikayat sa pagdami ng produksiyon ng oxytocin, na pumipigil sa cortisol at ang mga epekto ng stress sa iyong balat. Hello mas magandang kutis, good bye mga batik!

Magmukhang mas bata

Nakakasira sa collagen ang napakaraming cortisol sa katawan; kapag nangyari ito, ang ating balat ay nagkakaroon ng mga pilat at kunot.

Ang seks ay nagtataguyod ng paggawa ng collagen, ang protina na responsable sa pagpapanatiling bata sa ating balat. Pinapanatili nito ang kinis, kapal, at pagkalastiko ng balat. Kapag mas madalas magtalik, mas maraming collagen ang nakukuha mo, at mas babata pa ang hitsura ng iyong balat!

Ang isang orgasmo ay maaaring mapataas ang mga antas ng estrogen sa iyong katawan, na kung saan ay nauugnay sa pagbagal ng proseso ng pagtanda ng balat. Ang estrogen ay mahusay din sa pag-iwas sa mga kunot sa pamamagitan ng pagpapanatiling malambot, malusog, at makinis.

Glowing!

Nagkakaroon ng mas mahusay na pagdadaloy ng dugo sa buong iyong katawan habang nagtatalik. Salamat sa mabuting pagdadaloy ng dugo, nakakakuha din ng higit pang oxygen ang iyong mukha. Mas glowing ang iyong kutis na sinamahan pa ng mamula-mulang pisngi — pakita mong glowing ka!

Kailangan mo pa bang malaman ang mga kamangha-manghang benepisyo na ito bago kumbinsido na makipagtalik? Tatanggapin namin ang mga ito anumang oras! Ang maganda dito ay maaari mo pa ring makuha ang lahat ng mga benepisyo na ito kahit na sarili mo lang ang kasama mo sa pag-orgasmo (oo, kahit sa pagbati)!

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/beauty-skin-care/orgasm-benefits#postsex-glow

https://www.businessinsider.com/dermatologists-explain-why-sex-is-actually-good-for-your-skin-2018-2

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon