Naranasan mo na bang gumising sa umaga na basa at malagkit ang iyong salawal?
Sa unang pagkakataon na maranasan mo ito, maaaring matakot o kabahan ka dahil wala ka pang alam tungkol dito. Ngunit ang pangyayaring ito sa gabi ay normal. Ang bulalas sa pagtulog o wet dreams ay maaaring nakakahiyang pag-usapan at nakalilito, ngunit ito ay normal. Pagkatapos ng pagbibinata, ito ay magiging madalang o maaaring hindi na mangyari habang ang lalaki ay nagkaka-edad.
Ano ang bulalas sa pagtulog?
Ang bulalas sa pagtulog ay ang pagbulalas o paglabas ng semilya habang ang isang lalaki ay natutulog. Kadalasan, ito ay nangyayari habang ang isang tao ay nananaginip tungkol sa pagtatalik. Habang natutulog ang isang tao, wala silang kontrol sa panaginip nila o kung ano ang ginagawa ng kanilang katawan. Sa katunayan, sa oras ng wet dreams, posible na magbulalas nang walang pagbabati (masturbation) o paghawak sa ari!
Bakit ito nangyayari?
Nangyayari ang bulalas sa pagtulog kapag nakakaranas ang mga tao ng sekswal na pagkapukaw sa oras ng pagtulog. Ito ay pangkaraniwan sa mga kalalakihan, dahil natural sa mga lalaki ang makaranas ng pagtigas ng ari (erection) sa pinakamalalim na yugto ng pagtulog na tinatawag na “REM”. Kapag ang pagtigas ay nangyari kasabay ng isang senswal na panaginip, maaari itong magresulta sa wet dreams.
Ang bulalas sa pagtulog ay pinaka-madalas mangyari sa mga kabataang lalaki na nagbibinata dahil ito ang panahon kung kailan nagsisimula ang katawan na gumawa ng panlalaking hormon na testosterone. Ang bulalas o ang kakayahan ng lalaking maglabas ng semilya ay nangyayari kasabay ng kakayahan ng katawan na gumawa ng testosterone. Ito ay isang palatandaan na ang isang lalaki ay mayroon ng kakayahan na magpertilisa ng itlog kung magpasya siyang magkaroon ng supling sa hinaharap. Nangangahulugan din ito na ang isang lalaki ay maaaring makabuntins ng babae kung magkaroon sila ng hindi protektadong pagtatalik.
Sa panahon ng pagbibinata, pangkaraniwan para sa mga batang lalaki na magsimulang magkaroon ng pagtigas ng ari (erection) nang walang pinipiling oras – sa paaralan, habang nanonood ng telebisyon, sa banyo, nang walang sapat na kakayahang upang kontrolin ito. Ang isang lalaki ay maaari ring magkaroon ng erection habang siya ay natutulog. Ang semilya ay maaaring mabuo sa bayag (testes) at ang hindi pagbulalas (ejaculation) sa mahabang panahon ay nakadaragdag sa posibilidad ng magkaroon ng wet dreams. Ito ang paraan ng katawan upang ilabas ang lumang semilya, upang matiyak na sariwa ang semilya (sperm) sa loob ng bayag (testes).
May wet dreams din ang mga babae?!
Oo, totoo! Ang mga babae ay maaaring makaranas ng mas madalang na bulalas sa pagtulog kaysa sa mga lalaki, ngunit ayon sa ilang pananaliksik, 85% ng mga babae ay makakaranas ng isang wet dream bago sila umabot sa edad na 21. Para sa mga babae, ang bulalas sa pagtulog na ito ay maaaring hindi gaanong “basa”, ngunit pareho lamang ang tindi nito. Maaari itong mangyari sa panahon ng pagdadalaga at habang nagkaka-edad, ngunit mas karaniwan ito sa mga mas bata.
Ang bulalas sa pagtulog ay isang normal na bahagi ng paglaki. Walang magagawa ang isang tao upang makontrol o mapigilan ang wet dreams. Nakakahiya at maaaring nakakainis ang karanasang ito, ngunit normal na proseso ito ng ating katawan. Kapag sinimulan ng isang tao ang pagbulalas sa pamamagitan ng pagbabati (masturbation) o pakikipagtalik, nagiging mas madalang ang pagkakaroon ng wet dreams. Ngunit kahit na nagkakaroon ka ng wet dreams sa pagtanda, hindi ito dapat alalahanin.
Pinagmulan: https://teens.webmd.com/boys/wet-dream-faq#1
https://melmagazine.com/the-messy-science-of-wet-dreams-a2476c724556
bakit po gabi gabi ako nagkakaroon ng wet dreams, at kusang nilalabasan ako at bakit po mabilis ako labasan sa tuwing nag jajakol ako
Hi Jonard! Normal lang itong maranasan ng lalaki, lalo na kung ikaw ay nagbibinata. Makakatulong ang pagkontrol ng iyong orgasmo upang hindi ka agad labasan.