fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Na-Ghost Ka Ba? Tutulungan Ka Namin Mag-Move On

Ang ghosting — biglaang paglisan sa buhay ng isang tao nang walang paliwanag — ay isa sa mga pinakamasakit na maaari mong maranasan kapag nanliligaw o nililigawan ka.

Okay naman kayo sa umpisa. Araw-araw kayong naguusap at unti-unti ka nang “nahuhulog” sa tao. Isang araw, bigla na lang silang tumigil magreply at hindi na nagparamdam sa iyo. Iniisip mo na kung ano bang nangyari at kung may nasabi ka bang mali. Nangyari na ba ito sa iyo?

Dahil sa iba’t ibang paraan ng komunikasyon sa internet at dahil as pagsikat ng mga dating app, mas madali nang bumuo ng mga koneksyon, at ganun rin kabilis wasakin ang mga ito.

Nakakasira talaga sa kumpiyansa sa sarili at nakakaapekto sa mga susunod na mga relasyon (romantiko man o hindi) ang bigla na lang nalahong potensyal na relasyon. Mahirap bumangon mula sa pagkawala, kahit na hindi mo pa lubos na nakilala ‘yung tao. Hindi madali at hindi mabilis ang pag-move on, pero makakatulong ito sa iyo na maging bukas sa iba pang posibilidad at oportunidad.

Paano mag-move on

May kanya-kanya rin naman tayong diskarte sa pag-move on pagkatapos ma-ghost.

Narito ang ilang paraan na maaari mong matulungan ang sarili.

Tanggapin ang sakit

Huwag mong tanggihan ang sakit na iyong nadarama. Okay lang na sumama ang loob. Huwag mong itatago ang iyong mga emosyon. Kailangan mong damdamin para gumaling.

Umiyak ka, maglakad-lakad ka, o kausapin mo ang kaibigan mo. Hangga’t sa maaari, iwasang gumamit ng mga bagay para mamanhid ang sakit tulad ng droga, alak, at ibang bisyo. Pansamantala lang nila aalisin ang sakit, at baka mas magkaproblema ka pa kalaunan (gaya ng adiksyon) o sa susunod mong relasyon.

Unawain na tungkol ito sa kanila, hindi sa iyo

Madaling isipin na may nagawa kang mali kaya ka na-ghost. Wala nang halaga ang mga naiwang tanong at naiisip mong sagot.

Iniwan ka ng tao nang walang paliwanag o paalam. Huwag mong sisisihin ang sarili o isipin na hindi ka karapat-dapat mahali at alagaan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang rason kung bakit nagawa nila ang isang bagay. Baka may sarili silang problema kaya bigla silang lumisan.

Lalong mahalin ang sarili

Mahalin lalo ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na kinatutuwaan mo. Sa katotohanan, kahit ang pagkain nang mabuti, pagtulog nang maayos, at paggawa ng mga pisikal na aktibidad at makakatulong na makabawas sa sakit na iyong nadarama.

Subukang mag-yoga at nilay-nilay para makabawas sa stress at sakit, o aliwin ang sarili sa pamamagitan ng mga bagay na nagpapasaya sa iyo, gaya ng iyong mga hilig gawin.

Bitawan mo na

Huwag kang magbabalak na magtext para humingi pa ng closure! Lalo kang mahihirapan mag-move on kung hinahangand mong mag-reply pa siya. Baka lalo pang mawasak puso mo kapag nakita mong wala talagang text na pumasok.

Kung ano man ang nangyari, gagaan ang iyong loob kapag nag-move on ka. Mag-move on ka kung kailang ka handa, at hindi kung kailan ka pinipilit ng mga tao. Mag-move on sa sarili mong bilis, at gawin ang anumang palagay mong makakabuti sa iyo.

Normal lang na matakot magmahal o mahulog uli pagkatapos ma-ghost. Sa araw na nakamit mo na ang kaligayahan — sa relasyon man o sa pinagkakaabalahan mo — ang nang-ghost sa iyo ay alikabok na lang sa iyong alaala.

Mga pinagmulan:

https://www.psychologytoday.com/us/blog/the-couch/201705/6-ways-deal-the-pain-being-ghosted

https://www.insider.com/what-to-do-when-youve-been-ghosted-2017-12

https://www.healthline.com/health/ghosting#moving-on

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon