Ang salitang “fetish” ay may negatibong kahulugan sa pandinig dito sa Pilipinas, bilang ito’y isang bansang mayroong malalaking mga relihiyosong grupo sa loob nito.
Ito rin ay madalas ring nangangahulugang pagsusuot ng itim na latex na damit, latigo, at siguradong marami pang iba, higit sa mga nakita o naisip ng mga taong nakapanood o nakabasa ng “50 Shades of Grey”.
Pero, hindi naman talaga ito ang natatanging kahulugan nito, kaya’t nandito tayo upang malinaw kung ano ang fetish at ang epekto nito sa iyong kalusugang sekswal.
Ano ang fetish?
Sa madaling salita, ang sekswal na fetish ay tumutukoy sa mga bagay na nakakapagpanasa o nakakapagpalibog sa isang tao, at sa kadalasan ay kailangan nila upang magkaroon ng pagnanasa. Ito’y maaaring bagay, gawain, katangian, o iba pang nakakapukaw ng sekwal na atensyon nila.
Maraming napapagkamalan ang fetish bilang isang kink. Habang ang kink ay mga bagay, gawain, o iba pang labas sa “tradisyonal na sex” para “pasiglahin” ito, ang fetish ay ang mga bagay o iba pang gawain ng isang tao kung saan dito umiikot ang kanilang pagkapukaw na sekswal.
Halimbawa, ang isang tao ay maaaring mas magkaroon ng sekswal na arawsal kung naka-posas sila kaya ito naging “kink”, pero kung ang tao ay hindi magkaroon ng orgasmo kung hindi siya nakaposas, ito ay fetish.
Ang fetish ay hindi simpleng “turn-on” lang, dito umiikot ang kanilang pagkapukaw. Maaari ito ang iniisip nila kapag mag-isa sila, o maaari nilang ipagawa sa kanilang kapareha.
Kailangan mo bang itago ang iyong mga fetish?
Ang mga fetish ay normal lang at lahat ng tao ay mayroons isa o higit pa nito. Pero, may mga limitasyon kapag gusto mo na itong sabihin sa iyong pamilya, kaibigan, o kapareha.
May mga fetish na normal lang (normaphilic), tulad ng parte sa katawan gaya ng sa suso, hita, o kahit na tattoo na, sa kadalasan, ay hindi nakakasama sa magkapareha.
Mayroon din mga nasa kakaibang o kakatwang panig (paraphilic) tulad ng autoplushiophilia o ang pagsusuot ng costume na laruang hayop, at katroponophilia o ang pakikipagtalik sa harap ng salamin. Ang mga fetish tulad nito ay mangangailangan ng pahintulot ng bawat magkapareha.
Ngunit, may mga fetish din na maaaring lumala bilang isang sakit sa pag-uugali at maaaring maka-apekto sa kanilang relasyon, trabaho, at iba pa. Kung ito na ang nangyayari sa iyo, kumunsulta ka na sa isang propesyonal.
Makakaapekto ba ito sa iyong relasyon?
Oo naman. Ang epekto nito ay maaaring positibo o negatibo, depende sa kung papaano mo ikikilos ang fetish na ito.
Ang mahiwagang salita sa bawat masasayang pagsasama habang napapasigla ang kani-kanilang fetish ay “pahintulot”. Mahalaga ito kung gusto mong magawa ng kapareha mo ang iyong ninanais o pinapangarap.
Ang mga fetish ay maaaring maging nakakapukaw kung ang magkapareha ay may pahintulot ng bawat isa. Kung ang isa sa inyo ay pinilit na gawin ang pinapantasya ng isa, maaari itong magdala ng sakit, parehong pisikal at mental.
Kung magkaroon kayo ng pag-uusap tungkol rito, maaari kayong makahanap ng pagkakatulad at panoorin ang inyong pantasya sa reyalidad, habang pinapatibay nito ang inyo pagsasama.
Pinagmulan:
https://www.webmd.com/sex-relationships/features/sexual-fetish#2
https://www.allure.com/story/common-sexual-fetishes-kinks
https://www.quora.com/Is-having-a-weird-fetish-bad