Gusto niyo ba ng worry-free at maginhawang buhay ni partner? May sagot para diyan: gumamit ng kontraseptibo.
Napakabisa ng mga kontraseptibo para sa pag-iwas sa hindi inaasahang pagbubuntis. Mayroon itong tatlong uri, at isa rito ay mabisa rin bilang proteksyon laban sa mga sexually transmitted infections (STIs).
Alamin ang iba’t ibang uri ng mga kontraseptibo:
1. Natatapon na Kontraseptibo
Condoms – Ang Trust Condoms at Premiere Condoms ay mabisang proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis at mga STI. Ang mga condom ay hanggang 98 porsyentong epektibo kapag ginamit nang tama sa bawat oras. Sa mga condom, maaaring piliin ang kulay, pabango, at pagkakayari ayon sa kagustuhan.
2. Panandaliang Termino Na Kontraseptibo
Mga Contraceptive Injectables – Isang dosis ng injectables (karaniwang tinatawag na “depo shot”) ay nagbibigay ng proteksyon laban sa pagbubuntis hanggang sa tatlong buwan (13 linggo).
Mga Combination Pills – Ang mga ito ay proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis, at maaaring makatulong mapawi ang pananakit ng puson tuwing nireregla, at gawing regular ang pagregla. Ang isang pakete ay naglalaman ng 21 o 28 pildoras, depende sa uri. Ang mga pildoras ay hanggang sa 99 porsyentong epektibo kung iniinom araw-araw sa pare-parehong oras. Kumunsulta sa iyong doktor kung aling uri ang nababagay sa iyo.
Mga Progestin-Only Pills – Ang mga ito ay maaaring maprotektahan laban sa pagbubuntis, mapawi ang pananakit ng puson tuwing nireregla, at gawing regular ang pagregla. Ang bawat pakete ay may kasamang 28 na pildoras at epektibo nang 99 porsyento. Ang mga progestin-lamang na pildoras ay ligtas gamitin ng mga nagpapasusong ina at mga babaeng hindi pwede gumamit ng mga kontraseptibo na may estrogen.
3. Pangmatagalang Kontraseptibo
Intrauterine Device (IUD) – Ang mga copper IUD ay maaaring tumagal nang hanggang sampung taon, at 99 porsyentong epektibo bilang proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis. Humingi ng payo sa iyong doktor bago gamitin ang anumang pangmatagalang proteksyon sa pagbubuntis.
4. Permanenteng Kontraseptibo
Bilateral Tubal Ligation (para sa mga babae) – Ito’y permanenteng kontrasepsiyon kung saan isinasara ang mga fallopian tubes para ang mga selulang itlog ay hindi na mapertilisa ng mga esperma. Dahil ito’y permanente, dapat pag-isipan niyo ito nang mabuti.
Non-Scalpel Vasectomy (para sa mga lalaki) – Isang simpleng operasyon na karaniwang tumatagal ng mas mababa sa 30 minuto. Ang salitang “vasectomy” ay nagmula sa pangalang vas deferens, ang maliit na tubo na nagdadala ng sperm cells mula sa epididymis patungo sa ejaculatory ducts. Sa pagsasagawa ng vasectomy, ang mga tubong ito ay pinuputol o hinaharangan, upang ang sperm cells ay hindi makapaglakbay mula sa epididymis palabas ng iyong katawan at upang maiwasan ang pagsasanib ng sperm cells at ng itlog.
Pinagmulan:
One thought on “Ang Mga Pinaka-Epektibong Kontraseptibo”