fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang Perineyum: Maliit Na Sangkap Ng Matinding Sarap

Perineum

Para sa maliit na patse ng balat, ang perineyum ay nakakabigay ng matinding sarap. Marami itong mga dulo ng nerbiyo, kaya napakasensitibo ito sa hawak (lalo na kapag napukaw) at naibilang isang sekswal na bahagi ng katawan. Kahit ano ang iyong kasarian, lahat ng katawan ay mayroon niyo at maaaring maranasan ang hiwaga ng perineyum!

Ang perineyum ay matatagpuan sa gitna ng panlabas na ari at ng anus, ano man ang iyong kasarian. Sa mga babae, ito ay ang parte sa gitna ng anus at pagbubukas ng pwerta, at sa mga lalaki, ito ay sa gitna ng anus at eskrotum. Hindi ito karaniwang napapansin ng mga tao, pero kaya nitong patindihin ang pagpukaw na sekswal.

Perineum - Dr Colin Walsh
Perineal area ng babae
Image: https://drcolinwalsh.com.au/bad-vaginal-tear-perineum/
Overview of the Pelvis and Perineum - Anatomy: An Essential Textbook, 1st  ed.
Perineal area ng lalaki
Image: https://doctorlib.info/anatomy/anatomy-essential-textbook/14.html

Paano mapakinabangang ang kapangyarihan nito

Kung ito ay ang una mong pagkakataon na mapaglaruan ang perineyum, ang dahan-dahan na paghawak ay magandang paraan para magalugad ito. Pwede mo munang subukan sa iyong sarili bago pasiglahin ang perineyum ng iyong partner.

Ang paghagod, paghaplos nang paikot, pagdila, dahan-dahan na pagpindot gamit ang kamao, o ang paggamit ng vibrator ay ilan sa mga paraan na maaaring gawin para maranasan ng iyong partner ang natatagong kapangyarihan ng perineyum! Mag-eksperimento sa diin at ritmo para makita kung ano ang gusto ng iyong partner (at baka maabot pa niya ang orgasmo) — at huwag kakalimutan gumamit ng pampadulas! Ang kakayahan ng pampadulas gawa sa tubig (water-based lube), tulad ng EZ Lubricating Jelly, ay pinapahintulot kang maglaro mula o papunta sa perineyum nang madali at matindi ang sensasyon.

Gaya ng kahit anong aktibidad sa sekswal, hindi lahat ay gustong mapukaw ang kanilang perineyum. Bago sumubok ng anumang bago sa iyong partner, tanungin muna siya kung nais rin niyang subukan o gusto niya muna ng panahon pag-isipan ito.

Mga pinagmulan:

https://www.womenshealthmag.com/sex-and-love/a19966835/taint-sex-tips/

https://www.refinery29.com/en-us/perineal-sex-spot-foreplay

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon