fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Lunukin O Hindi Lunukin: May Sustansya nga ba ang Semilya?

Marahil ay narinig mo na sa ibang tao na ang paglunok ng tamod ay may magandang benepisyo sa kalusugan at kagandahan ng isang tao.

Ang tsismis na ito ay naipasa na sa pagdaan ng ilang henerasyon, ngunit ang “gantimpala” nga bang ito ay may katotohanan?

Sa katunayan, oo. Kahit na nakakadiri man at ginawa para lamang sa pwerta ng babae,  ang semilya ay nagtataglay ng iba’t ibang sustansya kapag ito’y kinain. Pero, sapat ba ito upang isama sa pang-araw-araw na pangangailangan? Alamin natin.

Saan gawa ang semilya?

Ang semilya ay ang maputi-puti o mala-kulay abong likido na inilalabas ng lalaki kapag sila ay nag-orgasmo. Ito’y nagiging parang “Trojan Horse” ng mga “sperm cells” na susugod sa “egg cell” ng babae.

Kadalasan, ang inilalabas na dami ng lalaki tuwing orgasmo ay nasa 2mL hanggang 5mL lamang. Salungat sa paniniwala ng marami na ang semilya ay puro “sperm cell” lang, ang totoo’y isa lang ito sa parte nito.

Ang tinatawag na “seminal fluids” ay binubuo ng iba’t-ibang mga katas ng katawan ng lalaki. Kahit na sa maliit lamang na dami, nakakagawa ang mga ito ng isang ligtas at malusog na sasakyan ng mga “sperm” papunta sa kanilang patutunguhan ng hindi namamatay.

Sustansya ng Semilya

Madaling sabihin na may sustansya ang semilya, pero anu-ano nga ba ang mga ito? Ang semilya ay nagtataglay ng:

  • Vitamin C (Ascorbic Acid)
  • Zinc
  • Calories
  • Lactic Acid
  • Magnesium
  • Potassium
  • Sodium
  • Calcium
  • Fat
  • Protein

Kahit na nagmukhang parang pangkaraniwang iniinom na bitamina ang sustansya nito, ang kakarampot na hanggang 5mL nito ay hindi gaanong makakaapekto sa katawan.

Ang naiiba lang rito ay ang Zinc, na kung saan ang isang orgasmo ay makakaapekto sa pang-araw-araw na kailangan ng isang tao. Ngunit, mas mainam pa rin na makuha ito sa ibang paraan.

Paggiba ng ilang tsismis tungkol sa semilya

Ang semilya ay nagtataglay ng protina na kasing dami ng puti ng itlog. May protina ang semilya, pero kakailanganin ng halos kalahating baso ng dami nito bago ito maikumpara sa itlog. Mag-iiba rin ito depende sa klase ng itlog na inihain.

Ang semilya ay mayroong Vitamin C na singdami ng mga orange. Hindi totoo. Kahit na may vitamin C ang semilya, hindi matukoy na dami ang kakailanganin upang maikumpara ito sa kahit na maliit na bersyon ng orange.

Nakakaganda ng balat ang semilya. Ang Zinc ay isang sustansya na tumutulong paglinis ng katawan at pagpapaganda ng balat. Dahil mayaman ang semilya rito, maaaring may kaunting katotohanan ito.

Kahit na napatunayang may mga nutrisyon nga ang semilya, masyadong maliit ang mga ito upang maapektuhan ang katawan (maliban sa Zinc). Ibig sabihin, kakailanganing lumunok ng napakadaming semilya upang makaapekto ito sa katawan.

Kaya, lumunok sa sarili mong kasiyahan.

Pinagmulan: https://www.healthline.com/health/semen-calories#4.-Is-zinc-really-the-most-prevalent-nutrient

https://greatist.com/health/nutrition-of-semen#semen-content

https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/health-fitness/health-news/did-you-know-semen-actually-contains-nutrients-we-tell-you-8-seriously-bizarre-semen-facts/photostory/69219345.cms

https://jezebel.com/a-complete-breakdown-of-the-nutritional-content-of-seme-953356816 

Please follow and like us:

14 thoughts on “Lunukin O Hindi Lunukin: May Sustansya nga ba ang Semilya?

  1. Hi po kapag nag sex po ba ang lalake sa lalake at pinasok ang sa pwerta mag kaka AIDS or HIV po ba or kapag pinutok sa loob ng pwerta?
    PS: tanong lang po wla po akong experience gusto ko lang po malaman

    1. Hi Ellise! Magkakaroon ka lang po ng AIDS or HIV kapag nakipagtalik ka sa lalake na may HIV/AIDS at hindi nakacondom. Hindi po lahat ng lalake ay may HIV/AIDS. Dahil lang po nakipagtalik ang isang lalake sa ibang lalake, HINDI ibig sabihin agad nun na magkakaroon sila ng HIV/AIDS. Nakukuha lamang ito kapag nakipagtalik nang walang proteksyon sa isang babae o lalake na may HIV/AIDS

  2. Tanong ko lang po.. kapag ba hindi nailalabas ng mga lalaki ang semen nila ay palagi bang mnanakot ang tiyan?? Kasi po yung bf ko po sabi nia sumsakit dw kpag di nia nailalabas totoo po bang kelngang ilabas yun??

  3. Natural Lang po ba na kainin Ang sariling semen ? Mapanuod ko po Kasi na kinain nya Ang kanyang sariling semen. Okay lang po ba Yun sa kalusugan ?

  4. Ask ko lng po.bkit po kadalasan mag sex kmi ng asawa ko nag kakaron ng gasgas o maliit n parang hiwa s ari nya,ano po ang dahilan kaya bakit ganun?

    1. Hi Lyn! Maaaring sanhi ito ng priksyon o kiskisan habang nagtatalik dahil kulang sa pampadulas. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang sakit at tsansa na magkasugat. Karaniwang naghihilom ang mga maliliit na sugat sa loob ng ilang araw. Ngunit kung ito’y hindi naghilom nang kusa at lalo pang lumala, mainam na magpakonsulta na sa doktor.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon