fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Anong Mangyayari Kapag Hindi ka Natuli?

Ang pagpapatuli ay isa sa mga tradisyon ng mga Pilipino na isinasagawa pa rin hanggang sa ngayon. Habang nagbibinata, ang mga lalaki ay kadalasang nagpapatuli bilang isang ritwal upang maging “tunay na lalaki” na sila. May mga ilang magulang na pinapatuli ang kanilang anak habang sanggol pa lang.

Pero paano kung hindi ka nagpatuli? Walang problema! Hindi nito maaapektuhan ang iyong paglaki at puberty, pero may kailangan kang malaman tungkol sa pagkakaroon ng hindi tuling ari.

Laki

May mga nagsasabing ang pagkakaroon ng hindi tuling ari ay nakakalaki nito. Ang totoo niyan ay mukhang pinapalaki ng foreskin ang ari kapag hindi ito matigas, pero ang laki nito ay ganoon pa rin. Ito ay dahil ang foreskin ay umaatras kapag nagkakaroon ng ereksyon para mailabas nito ang ulo ng ari.

Itsura

Ang itsura ng hindi natuling ari ay iba kumpara sa natuli na. Ang foreskin ay nagsisilbing hood para sa ulo ng iyong ari upang protektahan ito habang hindi matigas.

Pagiging Sensitibo

Walang sapat na siyentipikong pag-aaral na makapagsasabing ang hindi natuli ay mas sensitibo sa sekswal na paraan kumpara sa natuli na. Bagaman ang ari na hindi natuli ay mas sensitibong hawakan, hindi nito naapektuhan ang sekswal na kasiyahan nito.

Pagkamayabong

Ang pagkakaroon ng hindi natuling ari ay hindi makakaapekto sa kakayahang makabuntis. Ang sperm ay ginagawa sa testicles, hindi sa mismong ari. Ang pagkakaroon ng malusog na sperm ay kadalasang dahil sa iyong kinakain at ang pagkakaroon ng foreskin ay walang epekto rito.

Kalinisan

Ang hindi tuling ari ay mangangailangan ng dagdag na paglilinis kumpara sa natuli na. Ito ay dahil ang bacteria, mga patay na skin cells, at iba pa ay maiipon sa ilalim ng foreskin, na nagiging smegma o kupal.

Kapag walang sapat na paglilinis, maaaring maipon ng marami ang kupal at magdulot ng pagbaho nito at maaari ring maging impeksyon tulad ng balanitis.

Para sa mga matatandang lalaki, linisan ang ari gamit ang banayad na sabon at maligamgam na tubig. Para naman sa mga batang lalaki, maaaring maging masakit ang pagbanat ng balat ng ari kaya huwag itong pilitin upang maiwasan ang pinsala.

Pagpapadulas

Ang hindi tuling ari ay may natural na pampadulas dahil ang foreskin ay umiipon ng mga oil at iba pang pampabasa na galing sa ari. Hindi ito ganoong kalaking pagbabago mula sa tuling ari pero malaki ang naitutulong nito sa pakikipagtalik, lalo na kung sa puwitan, nang hindi kinakailangan ng iba pang sobrang pampadulas.

Panganib sa Impeksyon

Ang pagkakaroon ng hindi natuling ari ay mas bukas sa panganib ng pagkakaroon ng impeksyon, lalo na kung hindi sapat ang kalinisan sa katawan. Ilan sa mga impeksyong ito ay:

  • Yeast Infection
  • Balanitis
  • Urinary Tract Infection (UTI)
  • Iba-ibang sexually transmitted infection (STI)

Ang pagkakaroon ng kalinisan sa katawan at paghuhugas ng ari ng maayos ay may malaking maitutulong sa pagbabawas ng panganib ng impeksyon.

Konklusyon

Ang hindi pagpapatuli ay hindi pipigil sa iyo bilang maging isang tunay na lalaki. Ang pagpapatuli ay hindi kinakailangan upang maging isang matinong lalaki sa hinaharap. Sa sekswal na kasiyahan naman, wala itong gaanong pinagbago sa mga natuli. Ang pa-ekstrang pampadulas ay hindi sapat na dahilan upang magsisi na nagpatuli ka. Hanggat inaalagaan mo ang kalinisan ng iyong ari, maaari kang makaiwas sa mga impeksyon.

https://www.healthline.com/health/mens-health/circumcised-vs-uncircumcised

https://www.cosmopolitan.com/sex-love/a4488598/uncircumcised-penis-sex-difference/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325713

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon