Ang sekswal na anatomiya ng isang lalaki ay nahahati sa dalawang kategorya, ang panloob na anatomiya na naglalaman ng bayag o testes, seminal vesicles, vas deferens, epididymis, corpora cavernosa, atbp. Ang sunod na kategorya naman ay ang panlabas na anatomiya na kinabibilangan ng scrotum, foreskin, at ang ari ng lalaki o penis.
Panloob na Anatomiya
Bayag o Testes
Ang seksuwal na glandula ng lalaki, ang bayag (tinatawag ding testis at testicle) ay dalawang hugis itlog na organo na lumilikha ng semilya at testosterone. Sa loob ng bawat bayag ay isang kilometrong maliliit na tubo na tinatawag na seminiferous tubules kung saan ginagawa ang semilya. Ang bawat isa sa isang pares ng bayag ay lumilikha ng halos 150 milyong semilya kada 24 na oras!
Epididymis
Ang epididymis ay isang lugar na nagsisilbing imbakan kung saan nagiging ganap ang semilya matapos itong mabuo sa seminiferous tubules. Ang semilya ay nananatili dito hanggang magkaroon ng bulalas o tuwing gabi kung kailan nagpapakawala ang katawan ng semilya na tinatawag ding wet dreams o nocturnal emission.
Vas Deferens
Ito ay isang maliit na tubo na kumukonekta sa epididymis patungo sa seminal vesicles. Ang vas deferens ay pinuputol kung ang isang lalaki ay sasailalim sa vasectomy.
Seminal Vesicles
Ang seminal na glandula ay lumilikha ng semilya, makapal at madulas na likido na nagpoprotekta sa semilya matapos itong lumabas sa ari habang sa pagbulalas.
Prostate Gland
Gumagawa rin ito ng likido na bumubuo sa semilya. Isinasara ng prostate gland ang daanan patungo sa pantog, na pumipigil naman sa paghalo ng ihi sa semilya at pagkagambala ng semilya.
Corpora Cavernosa
Ang corpora cavernosa ay dalawang mala-esponghang tisyu sa magkabilang panig ng ari na napupuno ng dugo at nagdudulot ng pagtigas ng ari sa tuwing mapupukaw ang lalaki.
Ejaculatory Ducts
Ito ay daanan sa seminal glands kung saan dumadaan ang semilya sa bulalas.
Cowper’s Glands
Ang Cowper’s glands ay gumagawa ng kaunting pre-ejaculate o pre-cum na likido bago ang orgasmo. Ang likidong ito ay nakakabawas sa pagiging asidik ng urethra at tumutulong magpadulas sa ari bago ang pagtatalik.
Panlabas na Anatomiya
Ari ng Lalaki
Ang ari ng lalaki ay mayroong dalawang bahagi: ang baras (pangunahing bahagi) at ang glans (ang dulong bahagi, tinatawag ding ulo). Ang semilya at ihi ay inilalabas mula sa ari.
Ang ari ay binubuo ng mala-esponghang tisyu na napupuno ng karagdagang dugo (erection) tuwing mapupukaw ang seksuwal na pananabik. Ang ulo ng ari ay puno ng libo-libong nerve endings, na dahilan kung bakit sobra itong sensitibo. Lumalaki rin ang ari kasabay ng paglaki ng ating katawan. Ang laki nito ay magkakaiba sa bawat lalaki.
Foreskin
Isang itong rolyo ng balat na nakabalot sa ulo ng ari na napapalibutan ng nerve endings. Ang foreskin ay umuurong kapag nagkakaroon ng pagtigas ng ari. Ang pagtanggal nito kung saan nababago ang itsura ng ari ay tinatawag na pagtutuli o circumcision. Mahalaga na panatilihing malinis ang ilalim ng foreskin ng mga lalaking hindi tuli.
Yuritra
Ito ay isang lagusan sa dulo ng ari na nagsisilbing daanan ng ihi at semilya.
Scrotum
Ang scrotum ay isang sac na matatagpuan sa ilalim ng ari at naglalaman ng bayag o testicles at epididymis. Ang pangunahing gawain ng scrotum ay ang pagpapanatili sa temperatura ng bayag sa 34°C, na bahagyang mas malamig kumpara sa iba pang bahagi ng ating katawan at kung saan pinaka-mainam ang kondisyon para sa paggawa ng semilya. Hinihila ng scrotum palapit sa katawan ang bayag kapag malamig ang panahon at palayo naman kung mainit ang temperatura.
Mga Pinagmulan:
- Male sexual anatomy: Penis, scrotum and testicles. Planned Parenthood. (n.d.). https://bit.ly/4754gVB
- WebMD. (n.d.). The male reproductive system: Organs, function, and more. WebMD. https://bit.ly/4734NaQ
- Imahe mula kay brgfx sa Freepik
maaari bang lumagpas sa kalahati ng ulo ang tuli kapag ito ay malambot?
Hi bamboo! Oo, normal lang naman ito. Maaari talagang pumaloob ang iyong ari lalo na kung ito ay malambot. Lumalabas naman muli ito kapag ikaw ay nagkakaroon ng ereksyon