ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pag-unawa Sa Pahintulot

reproductive health, family planning, consent. safety

Bagamat mahalaga ang pagbibigay ng pahintulot, hindi natin ito madalas pinag-uusapan. Kaya’t normal lamang kung hindi ka ganoon ka-sigurado sa kung ano ito.

Maaari nauunawaan mo na kapag sinabi ng isang tao na hindi, ang ibig sabihin nito ay hindi. Ngunit hindi ito naipapakita ang buong larawan ng pagbibigay pahintulot dahil inilalagay nito ang responsibilidad sa isang tao na tumanggi o tumanggap lamang. Iminumungkahi rin nito na ang pagbibigay pahintulot ay tungkol lamang sa kung ano ang hindi gusto ng isang tao, sa halip na maipahayag nang malinaw ang kanilang nais.

Ano ang pagbibigay pahintulot?

Ang pagbibigay pahintulot ay pagtitiyak na ang parehong mag-kasintahan ay sumasang-ayon sa antas o lalim ng kanilang relasyon. May ilang tao na nangangamba na ang pakikipag-usap tungkol sa pagbibigay pahintulot ay magiging kahiya-hiya, na makakasira ito ng gana, o may obligasyong sumang-ayon agad ang iyong kapareha.

Ito ay malayo sa katotohanan. Mas nagiging masaya ang magkasintahan kung malaya nilang naipapahayag ang kanilang nais. Isaalang-alang din ang pakikipag-usap tungkol sa pagbibigay pahintulot sa oras kung kailan hindi kayo nagtatalik.

Kung kayo ay nasa kalagitnaan ng aksyon, narito ang ilang mga bagay na maaaring mong sabihin:

  • Komportable ka ba?
  • Ayos ba ito?
  • Gusto mo bang pabagalin?
  • Gusto mo bang ituloy pa natin?

Ano ang katangian ng pahintulot?

Ito ay pakikipag-usap sa bawat hakbang sa inyong daraanan. Halimbawa, sa isang matalik na sandali, tanungin kung ayos lang na halikan ang iyong kapareha at huwag mong ipagpalagay na komportable sila dito. Nauunawaan mo na kapag hindi sila nagsasabing “hindi,” hindi ito nangangahulugang “oo”. Ito ay isang “oo” lamang kapag sumang-ayon ang iyong kasintahan sa antas ng pakikipagtalik.

Ang pahintulot ay walang kinikilalang kasarian. Hindi lamang mga babae ang may nais na mabagal ang usad ng relasyon. Gayundin, hindi obligasyon ng lalaki ang simulan ang aksyon (o kung ano pa man).

Ano ang hindi katangian ng pahintulot?

Ang pagpapalagay na ang pagbibihis nang kaakit-akit, pakikipag-ligawan, pagtanggap ng libreng sakay, pagtanggap ng inumin at iba pa ay pagpayag na rin sa iba pang mga bagay. Ang pagsasabi ng “oo” (o hindi pagsasabi ng kahit ano) habang nasa ilalim ng impluwensya ng droga o alkohol. Ang pagsasabi ng oo o pagbibigay sa isang bagay dahil ikaw ay napipilitan o natatakot na humindi.

Humingi ng pahintulot sa lahat ng oras!

Sa isang malusog na relasyon, mahalagang talakayin at respetuhin ang hangganan ng bawat isa. Hindi magandang ipagpapalagay na kapag pumayag ang isang tao sa isang aktibidad, nangangahulugan ito na pumapayag din sila dito sa hinaharap.

Maging ito man ay unang pagkakataon o ika-isangdaan, pakikipag-date, isang malalim na relasyon o kahit na kayo ay mag-asawa, walang sinuman ang obligadong magbigay ng pahintulot dahil lamang pumayag na sila minsan.

Ang isang tao ay maaaring magpasya na ihinto ang isang aktibidad sa anumang oras, kahit na sumang-ayon sila bago pa ito mangyari. Higit sa lahat, ang bawat isa ay may karapatan sa kanilang sariling katawan at maging komportable sa kung paano nila ginagamit ito – kahit ano pa ang nangyari sa nakaraan.

Narito ang ilang mga palatandaan na ang iyong kapareha ay hindi iginagalang ang pagbibigay ng pahintulot:

  • Pinipilit o kinokonsensya ka nila sa paggawa ng mga bagay na hindi mo nais na gawin.
  • Pinaparamdam nila na mayroon kang utang na loob sa kanila – dahil kayo ay “exclusively dating”, o binigyan ka nila ng isang regalo, atbp.
  • Negatibo ang kanilang reaksiyon (na may kalungkutan, galit o sama ng loob) kapag ikaw hindi pumayag sa isang bagay, o hindi agad pumayag.
  • Hindi nila iniintindi ang iyong mga kagustuhan, at hindi nila pinapansin ang mga nonverbal na kilos na nagpapahiwatig na hindi ka pumapayag (ex: paghila / pagtulak palayo).

Pinagmulan: https://kidshelpline.com.au/teens/issues/what-consent https://www.rainn.org/articles/what-is-consent

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon