ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Ang Peyronie’s Disease?

penis, male, bent

Kakaiba ba ang angulo ng pagtayo ng iyo ari? Kung ika’y hindi naman nakakaramdam ng pananakit sa tuwing ika’y magkakaroon ng ereksyon, malusog ka pa rin. Pero kung oo, baka ito’y pangunahing senyales ng Peyronie’s Disease.

Ang Peyronie’s Disease ay isang uri ng karamdaman na nagdudulot ng pagkabaliko ng ari ng lalaki sa iba’t ibang angulo, kung itoý nakatayo o hindi. Maaari itong makasagabal sa kakayahan ng isang lalaki sa pakikipagtalik o sa laki nito.

Ang paggamot rito ay depende sa magiging sintomas at pagsusuri ng doktor. Kahit na parang magkapareho, hindi rin ito katulad ng pagkabali ng ari, pero maaari itong maging dahilan.

Sanhi

Ayon sa mga doktor, wala pang siguradong sanhi ang pagkakaroon ng Peyronie’s disease. Ngunit, ang mga mananaliksik ay nakahanap ng mga posibleng dahilan na nagdudulot nito. Ilan lamang sa mga ito ay:

  • Paulit-ulit na pagkatamo ng pinsala sa ari (maaaring sa pakikipagtalik o mga paligsahan)
  • Edad
  • Namamana sa pamilya
  • Paninigarilyo
  • Operasyon na ginawa sa prostate
  • Iba pang isyung pangkalusugan (tulad ng mataas na presyon ng dugo)

Sintomas

Ang sintomas nito ay maaaring magpakita ng dahan-dahan o kaya ay biglaan. Kabilang sa mga madalas na sintomas ay:

  • Namuong “plaque” o scar tissue
  • Pagkabaliko ng ari sa kakaibang angulo
  • Pagpapanatili ng pagtayo ng ari o erectile dysfunction
  • Pananakit ng ari,mayroon man o walang nangyaring ereksyon.

Sa pagtagal ng panahon, maaaring lumala ang pagbaliko ng ari sa kung saang direksyon man ito unang lumiko. Maaaring mawala ang pananakit ngunit maaari ring manatili ang pagkabaliko nito.

Magagamot ba ito?

Sa  kabutihang-palad, ang sakit na ito ay nagagamot ng kusa depende sa lala o sa sintomas na ipinakita nito.

 Ang doktor ay maaaring gumamit ng x-ray o ultrasound sa iyong ari upang masuri ito. Maaari rin naman na kapain lang nila ito (kung kinakailangan, gumagamit sila ng gamot para tumigas ang ari).

Maaaring hindi na kailangan ng kahit anong gamot at obserbahan muna ng ilang taon kung ito’y kusang gagaling. Kung ito’y hindi rin nakakaapekto sa iyong buhay-sekswal, maaaring hindi na rin magpatingin.

Kung gumaling sa ganitong paraan, saka ikunsulta sa doktor kung paano ibabalik sa normal na itsura ito. Kung ang pagbaliko nito ay lumalala, maaaring magrekomenda na ika’y magpasailalim ng operasyon upang maiwasan ang pagbaliko nito ng todo.

May mga gamot ding nakakatulong sa pagpapagaling nito, ngunit hindi ito ganoong ka-epektibo tulad ng operasyon.

Pinagmulan: 

https://www.webmd.com/men/peyronies-disease#1

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/peyronies-disease/symptoms-causes/syc-20353468

https://www.urologyhealth.org/urologic-conditions/peyronies-disease

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon