Naisip mo na ba kung bakit naaakit tayo sa ilang tao ngunit hindi sa iba? Iyon ay dahil may iba’t ibang uri ng attraction.
Ang attraction ay tumutukoy sa pakiramdam na malapit sa isang tao, pagiging interesado sa kanila, o pagnanais na maging interesado rin sa kanilang mga hilig. Karaniwang maririnig ang salitang “attraction” na may kaugnayan sa mga sexual o romantic relationships, ngunit hindi limitado dito ang attraction at maaaring magkaroon ng maraming anyo.
Ano ang mga uri ng attraction?
Ang mga ito ay:
Physical Attraction: I-imagine mo ‘to: May nakita kang tao, at may instant spark kang naramdaman! Physical attraction ‘yan. It’s all about the looks – ‘yung kanilang ngiti, mga mata, o pati ang kanilang katawan.
Romantic Attraction: Hay, romansa! Ito’y panay puso. Nagda-daydream ka na maka-date sila, mabulungan sila ng mga matatamis na salita, at makasamang kayakap sa kama. Parang sumasayaw ang puso mo sa kilig!
Sexual Attraction: Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng matinding pagnanais na makaranas ng intimate sexual contact kasama ang isang tao.
Emotional Attraction: Nakaramdam ka na ba ang malalim na koneksyon sa personalidad ng isang tao? Ang emotional attraction ay kapag nahuhumaling sa kanilang vibe, kanilang energy, at kanilang kabaitan.
Intellectual Attraction: Brainy ang bagong sexy! Kung mahilig ka sa katalinuhan at pagbabahagi ng mga ideya, nakakaranas ka ng intellectual attraction.
Platonic Attraction: Best friends forever! Ito ang malalim na koneksyon na nararamdaman mo sa mga kaibigan. Hindi ito romantiko o sekswal – ito ang uri ng attraction na napapasabi ka ng “Masarap kang kasama”.
Companionate Attraction: Sakop nito ang pagtanda nang magkasama sa bawat tagumpay at kabiguan sa buhay. Ang companionate attraction ay tungkol sa pagnanais ng panghabambuhay na kasama at kapartner.
Mga huling paalala
Tandaan, ang mga attractiong ito ay maaaring maghalo-halo, at lumilikha ng kakaibang timpla para sa bawat tao. Tandaan rin na iba-iba ang attraction na nararanasan ng bawat tao, at kung ano ang nakakaakit sa isa ay maaaring ‘di pasok sa kagustuhan ng iba. Pwede ring sabay-sabay na makaranas ng iba’t ibang uri ng attraction, o sa iba’t ibang oras sa kanilang buhay! Ang pag-unawa sa iba’t ibang anyo ng attraction ay makakatulong sa iyo na maintindihan ang magkakaibang mga damdamin na nagbibigay-alam sa iyong mga interes, hangarin, hangganan, at relasyon.
Mga pinagmulan:
Kunde, R. (November 7, 2022). What Are The Types of Attraction? WebMD. https://www.webmd.com/sex-relationships/what-types-attraction
Abrams, M. (December 23, 2021). What Are The Types of Attraction? Healthline. https://www.healthline.com/health/types-of-attraction
Chatel, A. (January 20, 2022). What Are The Types of Attraction? Shape. https://www.shape.com/lifestyle/sex-and-love/different-types-of-attraction