fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Estrogen sa Lalaki: Paano ito gumagana sa kanila?

Maaaring kilala mo ang estrogen bilang hormon ng mga babae na responsable sa kanilang paglaki lalo na sa kanilang pagdadalaga. Pero alam mo bang mayroon din ang mga lalaki nito sa kanilang katawan?

Oo, ang testosterone at estrogen ay nagtutulungan para sa pangkalahatang pagpapaandar ng katawan ng tao. Sa lalaki, ang mga hormon na ito ay responsable sa pagkontrol ng kanilang libido, pagkakaroon ng ereksyon, at pati na rin sa paggawa ng sperm.

Pero ano ang mangyayari kapag hindi tama ang dami ng estrogen sa katawan ng lalaki?

Mataas na lebel ng estrogen sa lalaki

Ang sobra-sobrang dami ng estrogen sa lalaki ay maaaring magdulot ng problema sa kalusugan na kinabibilangan ng:

Infertilityang mataas na lebel ng estrogen sa katawan ng lalaki ay makakapagpabagal ng produksyon ng sperm at magiging mas mahirap sa katawan niya ang paggawa ng malulusog na sperm.

Gynecomastia – ang sobrang estrogen sa katawan ng lalaki ay nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming breast tissues kumpara sa normal, na nagreresulta sa pagkakaroon ng mas malaking suso.

Erectile dysfunctionang pagtaas ng lebel ng estrogen ay gumugulo sa balanse ng hormon na kailangan upang magkaroon at magpatagal ng ereksyon.

Mabagal na paglaki – sa mga batang lalaki na nagbibinata pa lang at may sobrang estrogen, maaari nitong maapektuhan ang kanilang paglaki, samakatuwid – maaari silang maging mas maliit at makaranas ng pagkahuli sa pagbibinata.

Ang mataas na lebel estrogen ay nagdudulot din ng:

  • Mas mababang libido
  • Osteoporosis (pagnipis ng mga buto)
  • Pagliit ng mga kalamnan
  • Kaunting dami ng sperm sa semilya
  • Pagkawala ng buhok sa katawan
  • Pagliit ng ari at bayag

Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng estrogen ay maaaring dulot ng iyong katawan o dagdag sa pagkakaroon ng mas mababang testosterone sa katawan. Maaari rin itong namamana.

Ilan sa mga medikasyon at iba pang kondisyon sa katawan ay maaaring magpataas ng iyong lebel ng estrogen. Kabilang rito ay:

  • Mga halamang gamot at iba pang natural na halaman tulad ng gingko at ginseng
  • Ilang antibiotic
  • Medikasyon para sa kondisyong mental
  • Stress
  • Pagtaba o obesity
  • Mga tumor
  • Sakit sa atay
  • Mga kondisyong nakakaapekto sa balanse ng hormon

Mababang lebel ng estrogen sa lalaki

Kahit na mababang lebel ng estrogen ang kadalasang kailangan ng mga lalaki, ang hindi pagkakaroon ng sapat nito ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang kondisyon tulad ng hypogonadism, o ang kondisyon na dulot ng kakulangan ng paggawa ng hormon sa katawan.

Ilan sa mga nagdudulot ng mababang estrogen sa kalalakihan ay:

  • Mga sakit na autoimmune
  • Sakit sa bato o atay
  • Impeksyon sa ari
  • Pagkababad sa radiation
  • Mga genetic na kondisyon
  • Pagkataba o biglang pagkapayat
  • Mga naging operasyon sa ari o bayag
  • Tuberculosis
  • Sarcoidosis
  • Kakulangan sa tamang nutrisyon at bitamina
  • Tumor na malapit o sa mismong pituitary gland
  • Human immunodeficiency virus (HIV)

Paggamot

Ang mataas o mababang lebel ng estrogen ay nakikita sa pagsusuri ng iyong dugo. Kung makikitang mababa o mataas ito, ang iyong doktor ay magpapayo ng tamang paggamot upang maibalik sa normal ang iyong estrogen. Maaaring kasama rito ang:

  • Medikasyon na makaapekto sa iyong lebel ng estrogen
  • Pagbabago sa iyong kinakain – ang hindi mataba at maraming mga fiber na pagkain ay madalas na inirerekomenda upang makontrol ang lebel ng estrogen.
  • Pagbabago sa iyong pamumuhay – ang pag-eehersisyo nang madalas at pagpapacheck-up ng madalas ay makakatulong sa pagkontrol ng iyong lebel ng estrogen, pati na rin sa pagkakaroon ng mas mabuting pangkalahatang kalusugan.

Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/estrogen-in-men

https://www.medicalnewstoday.com/articles/estrogen-in-men

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon