fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay Ng Baguhan Para Sa Pagpasok Sa Backdoor

Beginner's Guide To Getting In The Backdoor

Ang dating iniiwasang pagusapan ay ngayong tinatamasa at pinag-uusapan ng mga tao ng lahat ng kasarian. Ngunit, nananatili pa rin ang karaniwang pananaw na ang anal sex ay bagay na ginagawa lamang ng mga bakla — hindi iyon ang katotohanan sa realidad.

Pinapahiwatig ng pananaliksik na bukod sa nagiging karaniwan ang anal sex sa mga heterosekswal na lalaki at babae, karamihan rin ng mga gumagawa nito ay hindi bakla. Panahon nang puksain ang pananaw na ang anal sex ay tulad ng “gay sex” dahil ang iba-ibang aktibidad na sekswal ay maaaring tamasahin ng sinuman ng anumang sekswal na oryentasyon.

Maraming tao rin ang nag-aalangan gumawa ng anumang bagay na nagsasangkot sa puwit dahil ito ay itinuturing na marumi mula sa lahat ng tae na lumalabas dito, at dahil palagay nila ang anal sex ay masakit at hindi komportable. Isa lang ang masasabi namin rito: hindi mo malalaman hangga’t hindi mo subukan! Taliwas sa mga sabi-sabi, ang anal sex ay kasiya-siya at maaaring humantong sa mga matitinding orgasmo kung tama ang paggawa.

Kung binabasa mo ito, malamang interesado kang mag-backdoor o nais mo lang malaman kung paano ito ginagawa. Kung ano man ang balak mo, hindi ka namin huhusgahan! Narito ang gabay ng baguhan kung paano ka makakapasok sa backdoor nang ligtas at maligaya.

Maging bukas.

Oo, dapat mong buksan ang iyong mga saloobin bago ang anumang bagay. Kung ang anal sex ay isang bagay na nais mong subukan ninyo ng iyong kasosyo, simulang pag-usapan ito at tanungin ang kanyang saloobin. Ito ang pinakamahalagang paghahanda sa anal sex (at sa lahat ng aktibidad na sekswal na nais mong subukan).

Ang pagpapahayag ng iyong mga alalahanin at inaasahan ay makakatulong sa inyo na magkaroon ng magandang karanasan sa anal sex. Malalaman mo rin dito kung ito ba ay para sa inyo o hindi.

Makipag-usap.

Kung hindi ka pa sigurado sa pinapasok mo, maaari kang makipagkasundo sa iyong kasosyo at magmungkahi na gawin muna ang ibang anal play.

Ang rimming ay isang pangunahing anal play. Ito ay nagsasangkot ng pagpapasigla ng anus gamit ang bibig at dila, at kadalasang ginagawa bago ang penetrative anal sex. Maaari mo itong gawin nang dahan-dahan, patukso, o nang makalat (parang laplapan)!

Ang paggamit ng mga daliri ay paraan para masubukan kung paano ba ang pakiramdam ng anal sex. Ipasok ang isang sentimetro ng daliri sa anus, at pasiglahin ang ari habang ang daliri ay nasa loob. Dahan-dahang ikutin ang daliri sa paligid para sa mas masarap pang pakiramdam. Maaari rin magkasundo sa hangganan ng bilang ng sentimetro na maaaring ipasok. Sa ganitong paraan, pareho kayong matatamasa ang karanasan nang hindi nababahala sa pagbibigay o pagranas ng higit pa sa iyong nakakaya.

Subukan sa sarili.

Kung ikaw ang tagabigay o tatanggap, magandang ideya na galugarin muna ang iyong sariling anus. Dito mo mararanasan kung ano ang pwedeng gawin sa anus, at mararamdaman ang merong nakapasok sa iyong anus. Maaari mo itong gawin habang naliligo pagkatapos tumae. Dahan-dahang galugarin ang anus at pakiramdaman ito.

Ihanda na ang likuran!

Kung napagpasyahan mong subukan ang anal sex, oras na upang ihanda ang pwetan bago ka sumabak.

Tiyak na naisip mo na ang posibleng sakuna na gumawa ng kakila-kilabot na kalat sa panahon ng pagtalik. Ang pag-iwas sa pagkaing Mehikano, pagkaing maanghang, at pagkain nang marami ang pagtalik (vaginal o anal man) ay makakaligtas sa iyo mula sa hindi kanais-nais na sitwasyon.

Tumae sa araw na pinaplano mong mag-anal sex upang matiyak na walang laman ang iyong bituka. Hindi na kailangang gumawa ng anumang matinding hakabang para masigurado na malinis ka. Ang paglaan ng mas maraming oras at pagsisikap sa paghuhugas ng iyong aunus habang naliligo ay sapat. Taliwas sa tanyag na paniniwala, ang anus at mas mababang bahagi ng tumbong ay hindi karumi tulad ng iniisip mo. Ang tumbong ay tila walang fecal matter sa normal na kundisyon. Kung natatakot ka pa rin sa anumang kalat na maaaring mangyari, maghanda ng baby wipes malapit sa inyo.

Kung hindi ka pa rin komportable sa simpleng paghugas lamang ng panlabas ng iyong anus, pwede mong subukan mag-douche, pero maging maingat. Siguraduhin na ang iyong nozzle at douche ay malinis para maiwasang magdala ng bakterya sa mga lugar na hindi nararapat. Punuin ng medyo maligamgam na tubig ang iyong douche bulb. Lagyan ng pampadulas ang nozzle, i-relaks ang katawan, at ilagay ang nozzle sa anus bago dahan-dahang ipasok ito. Pisilin ang douche bulb para dahan-dahang pakawalan ang tubig. Ulitin hanggang sa malinaw na ang tubig na lumalabas mula sa iyo o hanggang maubos ang tubig sa douche bulb.

Gumamit ng butt plug o hindi gumamit ng butt plug? Iyon ay desisyon mo. Ang isang kalidad na butt plug ay naghahanda sa anus ng tatanggap at tumutulong na masanay sa pakiramdam na mayroong bagay sa loob ng anus. Maaari itong isuot sa panahon ng sex, bago sumabak sa anal sex.

Relaks lang!

Ang pagrelaks ay ang pagitan sa gitna ng “wow” o “oww” na karanasan. Ang pag-alis ng pag-igting at pag-aalala ay makakatulong magkaroon ng maayos na karanasan. Kung mas relaks kayo, mas magiging kasiya-siya ang pagtalik. Ito man ay anal o vaginal sex, ang parehong kasosyo ay dapat nasisiyahan sa sandali.

Ang pagkabalisa ay maaaring maging sanhi ng paghigpit ng anus, at gawing mahirap magpasok ng anumang bagay. Ang pagrerelaks ay gagawing mas madaling pasukan ang anus at magiging mas nakalulugod ang karanasan. Bilang tatanggap, magtiwala sa iyong kasosyo; bilang tagapagbigay, alagaan ang iyong kasosyo at pakinggan o panoorin ang anumang mga palatandaan na magsasabi sa iyo kung magpatuloy pa o tumigil na. Ang anal sex ay hindi dapat masakit kung tama ang paggawa.

Sapat na foreplay ang magtatakda sa tamang kondisyon at tutulungan kayong dalawa na magrelaks. Gawin ang anuman ang makapagpapaginhawa sa iyo at matatamasa ang sandali. Magsindi ng kandila o uminom ng alak, ngunit kung napagpasyahan mong uminom ng may alkohol, huwag sumobra o uminom nang marami. Dapat iwasan makipagtalik kapag lasing ka. Ang pagramdam ng pananakit o pangingirot ay senyales kung tama o mali ba ang ginagawa, at ang pagiging lasing ay hadlang sa pag-alam kung dapat bang tumigil na.

Gumamit ng lube!

Napakahalaga ng lube sa anal sex. Ang anus ay hindi gumagawa ng sarili nitong pagpapadulas at walang anumang kahalumigmigan doon. Ang paggamit ng lube ay nakakaiwas sa anus na magkaroon ng mga sugat at iritasyon mula sa kiskisan. Pinoprotektahan ka ng lube, ginagawang mas komportable ang pagtalik, at maaari ring dagdagan ang sensasyon — hindi ka magsisisi sa pagkakaroon ng sariling lube sa kwarto!

Huwag kalimutan ang proteksyon!

Inirerekomenda pa rin ang mga condom kahit na ikaw ay nasa isang monogamous na relasyon (iisang kasosyo laman). Ang mga sexually transmitted infection (STI) ay maaari pa ring maipasa at makuha sa anal sex. Ang condom, kung ginamit nang tama at palagi, ay ang iyong maaasahang proteksyon mula sa impeksyon!

Dahan-dahan lang.

Ari man ng lalaki o laruan, ang dulo ay madalas na may pinakamalawak na sukat, at ang simula ay madalas na pinakamasakit. Ang lahat ng kasiyahan ay dumadating sa sandaling nalagpasan na ang dulo. Dito napakahalaga ng tungkulin ng lube at komunikasyon upang matagumpay na makapasok at matiyak na okay ang iyong kasosyo. Dahan-dahanin lamang ito upang mabawasan ang sakit na maaaring mong maranasan o ng iyong kasosyo. Kung labis ang sakit, huwag mo na itong pilitin pa.

Mageksperimento sa mga posisyon

Maaaring mayroong isang tiyak na posisyon na pinakakomportable at pinakakasiya-siya sa inyo. Mageksperimento sa mga posisyon upang malaman kung alin ang pinakamabuti para sa inyong dalawa. Ang ilan sa mga pinapayong mga posisyon ay ang missionary, doggy style, cowgirl, reverse cowgirl, o spooning. Alinman ang gusto mo, ang mahalaga ay kapwa komportable at tinatamasa ito.

Bawal ang palipat-lipat!

Ang pwerta ay may sariling espesyal na kapaligiran na may balanse ng malulusog na bakterya. Ang anus ay naglalaman ng sariling bakterya na hindi angkop sa pwerta — kaya bawal na bawal ang palipat-lipat (kahit na nakita mo silang ginagawa ito sa porno). Kung nais mong lumipat mula sa anus patungo sa pwerta, hugasan nang mabuti ang laruan gamit ang banayad na sabon at maligamgam na tubig, o palitan ang suot na condom sa ari. Pag-iwas ito sa anumang impeksyon na pwedeng mangyari.

Ang maligayang katapusan!

Matapos ang pagtatalik, kapwa dapat magtungo sa banyo upang mag-alis ng condom, hugasan nang lubusan ang mga maselang bahagi ng katawan, at gawin ang anumang kinakailangan sa banyo. Tapusin ang inyong matalik na karanasan sa pamamagitan ng pag-usap, paghalik, at pagyakap.

Kung umabot kang basahin ito, congratulations! Alam mo na ngayon ang ilang mga pangunahing kaalaman sa anal sex, at handa ka nang subukan ito! Laging tandaan na ang pinakamahusay na pagtalik ay kapag ang parehong mga kasosyo ay ligtas at tinatamasa ang sandali!

Mga pinagmulan:

https://www.vice.com/en_nz/article/vbn3bb/a-beginners-guide-to-anal-sex

https://naughtynorth.ca/blogs/guides/anal-sex

https://www.lehmiller.com/blog/2013/3/13/how-many-straight-people-are-having-gay-sex.html

https://www.onnalifestyle.com/blogs/news/anal-sex-tips

https://www.healthline.com/health/anal-douche#how-to

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon