fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay ng mga Lalaki sa Pagpasok sa Likod

Ang pagsubok ng mga bagong gagawin sa kama ay laging may kabutihang dulot sa mga magkakapareha. Para sa mga lalaki, ang pagsubok ng anal sex ay maaaring magkahulugan ng ilang mga bagay. Maaaring isipin nila ito bilang isang paraan upang makipagtalik nang walang iniisip na pagbubuntis, maaaring dahil sa kakaibang dalang ligaya nito, o maaaring isipin nila ito bilang pinaka-purong uri ng pakikipagtalik.

Gayunman, marami ang dapat na isipin bago pasukin ang pinto sa likurang ito. Marami ring kaba ang dala nito lalo’t kung unang beses pa lang ninyong gagawin ito kaya gusto mo ring maging masaya ang karanasang ito sa inyong magkapareha.

Ang usapang ito ay ipinagbabawal at lubog sa mga negatibong pag-iisip, kaya hindi rin napag-uusapan nang madalas. Ang artikulong ito ay makakatulong sayo ipakilala ang anal sex sa iyong kapareha.

Ito ang mga dapat mong gawin.

Kausapin ang iyong kapareha

Tulad ng sa ibang bagay, ang pakikipag-usap muna ay importante bago magsimulang subukan ang anal sex. Ang pag-alam ng kanilang saloobin tungkol dito at ang kanilang nakaraang karanasan ay maaaring makatulong upang magawa ninyo ito nang maayos.

Ang pag-uusap kung paano gagawin nang tama ang anal sex ay makakatulong upang mas mapagaan ang kanilang loob at maging komportable sila rito.

Kung may masama na silang karanasan dito, siguro ay dahil ito sa kakulangan sa paghahanda. Siguraduhin sa kanila na ihahanda ninyo ang lahat ng kailangan bago ito subukan. Makakatulong din ang pagsisimula ng istimulasyon sa perineum at sa butas ng puwit bago gawin ang pagpasok para maging komportable sila rito.

Paghahanda ng mga kinakailangan

Hindi tulad ng vaginal sex, ang anal sex ay mangangailangan ng ilang mga paghahanda upang mas gawing masaya ito. Sa perpektong paghahanda dumadating ang masayang sekswal na karanasan, kaya ito ang mga ilang payo kung paano ang gagawin ninyong paghahanda bago pumasok sa kanyang likuran.

Linisin muna ito – Himukan ang iyong kapareha na dumumi bago magsimula. Ang iba naman ay gumagamit ng enema o rectal douche upang malinis ang tumbong, pero kumonsulta muna sa doktor upang malaman kung ligtas ba ito para sa kanya.

Ihanda ang mood – Tulad ng ibang gawain sa kama, ang pagtatakda ng mood at pagpaparamdan sa kanila na komportable ito ay isa sa mga importanteng bagay para sa mas maligayang karanasan. Mapapa-relaks nito ang iyong kapareha. Maaari mong gawin itong romantic, nakakarelax na pagligo, o kahit panoonood ng pornograpiya, basta’t mapukaw ang pagnanasa ng iyong kapareha.

Paghahanda ng sapat na condom at pampadulas – Ang mga pampadulas at condom ay maaaring makatulong sa inyo para sa mas maligayang karanasan sa anal sex. Ang puwit ay walang masyadong natural na pampadulas di gaya ng ari ng babae, kaya importante ang pampadulas. Siguraduhin din na gawa ito sa tubig at huwag gumamit ng gawa sa langis upang maiwasan ang iritasyon at pagkabutas ng condom. Ang paggamit ng condom ay proteksyon laban sa sexually transmitted infections (STIs) at iba pang impeksyon.

Ang pagpasok

Kapag naihanda na at sapat na ang ginawang preparasyon, handa  ka nang pumasok, pero paano mo ito sisimulan? Ito ang pwede mong gawin:

Simulan sa foreplaykung ang kapareha mo ay masyadong kinakabahan, magiging masyadong masikip ang anus para mapasok. Mas mapapainit at mas magiging handa sa aksyon ang katawan ng iyong kapareha sa pamamagitan ng foreplay. Maaari mo silang tulungang mag-orgasmo din para mas relaks ang kanilang katawan.

I rim job mo sya – ang rim job ay isang uri ng sekswal na gawain kung saan didilaan ang puwit ng iyong kapareha, at makakatulong ito para sa anal sex. Hayaan siyang maligo at linisin ito, o kung gusto mo, sabay na kayong maligo at paliguan siya.

I-lube bago i-love – gumamit ng tamang dami ng pampadulas upang maging komportable ito. Ang anus ay hindi gumagawa ng sarili nitong pampadulas, kaya mabuting may sapat na pampadulas ito at maglagay pa ng dagdag kung kinakailangan habang nagtatalik.

Magsimula sa mabagal na paraan – mabuting magsimula nang mabagal para parehas kayong maging komportable habang ginagawa ito. Makakatulong itong maiwasan ang masakit na karanasan dahil maaaring hindi na nila ito ulitin. Pwede kang magsimula sa isang daliri muna, tapos isunod ang ulo ng iyong ari, at sunod-sunod na.

Makipag-usap sa iyong kapareha – habang ini-enjoy niyo ang kasiyahan ng anal sex, huwag kalimutan makipag-usap. Itanong sa iyong kapareha kung ano ang nararamdaman nila at kung komportable ba sila o nasasaktan sila kaysa nasisiyahan. Pwede mong tanungin din kung bibilisan ba o babagalan, o hayaan silang gumalaw.

Hayaan din siya na makapagsabi kung itutuloy pa ba o hihinto na. Pero huwag mawalan ng pag-asa kung gusto nilang huminto. Pwede mo silang ayain ulit sa susunod.

Ang anal sex ay maaaring masakit sa likuran, pareho sa literal at matalinghagang paraan, lalo kung hindi sapat ang paghahanda. Ang komunikasyon ay susi sa masaya at maligayang paggawa nito. Ang mga lalaking pumapasok sa back door ay dapat laging may kunsiderasyon sa kanilang kapareha para maiwasang matawag na literal na ‘pain in the ass’.

Sources: 

https://in.askmen.com/sex-dating/1118662/article/thinking-of-doing-it-backdoor-study-these-tips-first

https://www.playboy.com/read/the-straight-mans-guide-to-backdoor-basics

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon