Ang masaya at makabuluhang relasyon ay makakatulong sa atin na magkaroon ng positibong pagtingin sa ating sarili at sa ating lugar sa mundo.
Ang hindi kanais-nais na relasyon ay maaaring magdulot sa atin ng kalungkutan at pakiramdam na hindi tayo ligtas.
Kung sa iyong tingin ay may mali sa iyong relasyon o sa relasyon ng isang taong kilala mo, hindi ka nag-iisa. Ang katotohanan ay maraming ang napapasok sa masakit, mapanganib, o marahas na mga relasyon minsan sa kanilang buhay.
Sinuman ay maaaring masadlak sa isang hindi kanais-nais na relasyon, anuman ang kanilang edad, kasarian, o oryentasyong seksuwal.
Mga senyales ng hindi kanais-nais na relasyon
Dahil ang mga relasyon ay umiiral sa isang ispektrum, mahirap sabihin kung kailan ang isang pag-uugali ay nagiging mapanira o mapang-abuso.
Narito ang ilang mga babala upang makita kung ang iyong relasyon ay patungo sa maling direksyon:
- Tinitingnan ang iyong telepono o Facebook nang walang pahintulot
- Madalas na ibinababa ang iyong pagkatao
- Mayroon silang labis na paninibugho o kawalan ng kapanatagan
- Maikli ang pasensya at mainitin ang ulo
- Inihihiwalay ka sa iba o hindi ka pinapayagan na malayang makita ang iyong pamilya o mga kaibigan
- Gumagawa sila ng mga maling akusasyon
- Sinusubukan nilang kontrolin ang maraming mga aspeto ng iyong buhay tulad ng kung saan ka pupunta, kung ano ang isusuot mo, o kung sino ang iyong nakakasalamuha
- Hindi pagsasabi ng totoo. Siya ay nagsisinungaling sa iyo o naglilihim ng impormasyon mula sa iyo.
- Hindi ka nirerespeto. Ginagawang katatawanan ang iyong mga opinyon at interes o ipinararamdam saiyo na hindi ka mahalaga.
- Pisikal na pananakit sa anumang paraan
- Pinipilit o pinipwersa ka nilang makipagtalik
Pakikipaghiwalay
Ang pakikipaghiwalay mula sa isang hindi kanais-nais o mapang-abusong relasyon ay hindi katulad ng pakikipaghiwalay mula sa isang kanais-nais na relasyon.
Ang mapang-abuso mong karelasyon ay maaaring hindi tanggapin ang pakikipaghiwalay mo o igalang ang iyong mga hangganan. Maaari nilang subukang kontrolin ka sa pamamagitan ng mga pangongonsensya, pagbabanta o pang-iinsulto.
Maaaring maging mahirap ang magkaroon ng isang mapayapang pakikipaghiwalay sa isang mapang-abusong karelasyon. Tandaan mo lamang na hangga’t IKAW ay masaya sa iyong pasya, hindi mo na alalahanin kung ano iyong karelasyon ay hindi.
Kung iniisip mong tapusin ang iyong relasyon, isaalang-alang ang mga paalalang ito:
- Kung sa tingin mo ikaw ay nasa bingit ng panganib, huwag kang makipaghiwalay ng personal. Hindi man kaaya-ayang makipaghiwalay gamit ang cellphone o sa pamamagitan ng text, maaaring ito ang pinakaligtas na paraan.
- Kung ikaw ay makikipaghiwalay ng personal, gawin ito sa isang pampublikong lugar. Magsama ng kaibigan o pamilya at magdala ng cellphone.
- Huwag subukang ipaliwanag ang iyong mga dahilan sa pakikipaghiwalay nang higit sa isang beses. Maaaring wala ka ng masasabi na magpapasaya sa iyong dating kasintahan.
- Ipaalam sa iyong mga kaibigan o magulang na tinatapos mo ang iyong relasyon, lalo na kung sa palagay mo ay pupunta sa iyong bahay ang iyong dating kasintahan o kokomprontahin ka kapag nag-iisa ka.
- Kung ang iyong dating kasintahan ay magtungo sa iyong bahay kapag nag-iisa ka, huwag mo siyang pagbuksan ng pinto.
- Magtiwala ka sa iyong sarili. Kung nakakaramdam ka ng takot, malamang na mayroon kang dahilan upang mabahala.
- Humingi ng tulong. Makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo at kanyang payo ay mahalaga sa iyo.
- Kung ikaw ay nasa isang hindi kanais-nais na relasyon, laging tandaan na hindi ka nag-iisa at karapat-dapat ka sa isang maayos na relasyon. Kung ang iyong kasintahan ay mapanakit sa emosyonal, pisikal, o seksuwal na paraan, hindi mo ito kasalanan.
Pinagmulan: https://www.joinonelove.org/signs-unhealthy-relationship/ https://www.psychologytoday.com/intl/blog/in-practice/201502/51-signs-unhealthy-relationship