fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Oral Contraceptive Pills

contraceptive pills, family planning, reproductive health

Sa Isang Tingin:

  • Maginhawa.
  • Dapat tandaang inumin araw-araw.
  • Hindi halata.
  • 99 porsyentong epektibo kung perpekto ang paggamit; 91 porsyentong epektibo sa tipikal na paggamit.
  • Maraming mga hormonal na kombinasyon para sa mga kababaihan na may iba’t ibang pangangailangan.
  • Madaling itigil sa anumang oras.
  • Karamihan sa mga kontraseptibong pildoras ay mabibili sa mga botika.
  • Mayroong 21 o 28 na pildoras sa bawat siklo.

Ano Ito

Ang mga oral contraceptive pills ay isang uri ng gamot na may mga hormon, at iniinom araw-araw bilang proteksyon sa pagbubuntis. Mayroong iba’t ibang mga klase ng pills. Ito ay ligtas, abot-kaya, at epektibo kung lagi itong iinumin sa tamang oras. Bukod sa proteksyon sa pagbubuntis, ang pildoras ay marami ring iba pang mga benepisyo sa kalusugan.

Mga Uri Ng Pills

Combination Pills

Halimbawa ng Kombinasyong pildoras

Ang mga pills na ito ay may kombinasyon ng estrogen at progestin upang maiwasan ang obulasyon. Ang isang buwanang pakete ng combination pills ay naglalaman ng tatlong magkakasunod na linggo ng mga pildoras na may mga hormon, at kung minsan isang linggo ng mga placebo (mga pildoras na walang lamang hormon), o mga pildoras na may iron na hihimok sa pagregla. Ang mga combination pills ang iniinom ng karamihan sa mga babaeng gumagamit ng ganitong pamamaraan ng kontraseptibo.

Progestin-Only Pills

Halimbawa ng Progestin-Lamang

Karaniwang kilala bilang mini-pill (dahil sa kanilang maliit na sukat), ang mga ito ay walang estrogen na nilalaman, at madalas na inirereseta kung sensitibo sa mga combination pills o estrogen. Ang mga pills na ito ay naglalabas ng maliit na halaga ng progestin araw-araw sa isang buwan (28 tabletas), at hindi magreregla sa isang linggo. Ang mga progestin-only pills ang ligtas at mainam para sa mga nagpapasusong ina.

Kung ginamit nang tama, mas mababa sa isang babae sa 100 ay mabubuntis sa loob ng isang taon. Gayunpaman, sa tipikal na paggamit, ang pildoras ay 91 porsyentong epektibo.

Tandaan, ang pangunahing dahilan kung bakit nabibigo ang pagkabisa ng mga pills ay dahil mali ang pagkakagamit. Ang pagkalimot uminom ng pildoras, pagkawala ng pakete, hindi pagbili ng panibagong pakete—ito ang mga karaniwang pagkakamali na maaaring magresulta sa hindi planadong pagbubuntis. Mabuti na isipin ang mga bagay na ito nang maaga bago gumawa ng desisyon. Narito ang ilang mga paraan na makakatulong matandaan na inumin ang mga pildoras araw-araw:

  • Magkaroon ng isang kalendaryo upang malaman kung kailan kailangan magsimula ng bagong pakete.
  • Magtakda ng alarma sa selpon.
  • Ipares ang pag-inom ng pildoras sa ibang bagay na ginagawa araw-araw nang halos parehong oras—tulad ng pagsipilyo ng mga ngipin o pagkain ng agahan.

Paano Ito Gumagana

Madaling inumin ang pills, ngunit dapat tandaan na inumin sa pare-parehong oras, araw-araw. Kahit na sa katapusan ng linggo, kahit nasa bakasyon—kaya, tanungin ang iyong sarili: gaano ka kasipag sa mga bagay na katulad nito?

Kung gumagamit ng isang 28-araw na pakete ng pills, inumin ang ito araw-araw at simulan ang bagong pakete kaagad pagkatapos mong maubos ang nauna. Kung gumagamit ng 21-araw na siklo ng pills, uminom ng isang pill bawat araw para sa 21 araw, at susundan ng pitong araw na walang iinuming pills. Magsimula ng bagong sa ika-28 na araw.

Babalik ang pagkamayabong (na nangangahulugan lamang na babalik ang kakayahan na magbuntis) ilang araw lamang matapos ang paghinto sa pildoras. Kaya kung hindi nais na magbuntis kaagad, tiyaking magsisimula gumamit ng alternatibong pamamaraan sa sandaling itigil ang pag-inom ng pills.

Mga Positibo

  • Madaling gamitin—lunukin lang kasabay ang tubig.
  • Hindi makakagambala sa pakikipagtalik
  • Maaaring gumaan ang regla.
  • Maaaring makontrol kailan rereglahin.
  • Ang ilang mga pills ay nakakapigil sa tagihawat.
  • Maaaring mabawasan ang pananakit ng puson at pagkaranas ng PMS.
  • Ang ilang mga pills ay nagbibigay proteksyon laban sa ilang mga problema sa kalusugan, tulad ng endometrial kanser at kanser sa obaryo, kakulangan sa iron (anemia), ovarian cyst, at pelvic inflammatory disease (PID).

Mga Negatibo

Ang pagkabahala sa mga posibleng maranasan ay normal, ngunit para sa karamihan sa mga kababaihan, hindi sila namorblema. Kung may nararanasan, mawawala rin ito sa paglipas ng panahon. Habang nagpapakilala ng mga hormon sa katawan, bigyan ng konting panahon para umangkop ito.

Mga bagay na marahil ay mawawala pagkatapos ng dalawa o tatlong buwan:

  • Pagdurugo sa pagitan ng mga regla.
  • Pananakit ng mga suso.
  • Pagduduwal at pagsusuka.
  • Pabago-bago ng damdamin.

Mga bagay na maaaring tumagal nang mas mahaba:

  • Pagbabago sa iyong libog.

Kung hindi pa rin komportable pagkatapos ng tatlong buwan, magpalit ng pamamaraan ng kontraseptibo at manatiling protektado.

Karaniwang Maling Pagkaunawa

  • Kailangan inumin araw-araw, makikipagtalik man o hindi sa araw na iyon, para maging epektibo ang mga contraceptive pills.
  • Hindi nakakaapekto sa ganap nang pagbubuntis.
  • Kung nakaligtaan o nakalimutan ang isang pill, ang pamamaraang ito ay maaaring hindi maging lubos na epektibo.

Pinagmulan:

https://www.your-life.com/en/contraception-methods/short-acting-contraception/the-pill/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon