ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Panahon Na Para Alagaan Rin Ang Sarili!

Self-Care

Ang salitang “self-care,” o pag-aalaga sa sarili, ay madalas na usap-usapan sa internet at mga vlog — ngunit, ginagawa mo rin ba ito? Kahit na mga vlogger at influencer ang madalas na magbanggit tungkol sa pag-aalaga sa sarili, hindi naman ibig sabihin na sila lamang ang marapat na mag-alaga sa sarili. Panahon nang bigyan mo rin ng halaga ang iyong sarili at ugaliing pangalagaan ang sarili na hindi lamang sa pamamagitan ng skincare, o pag-alaga sa kutis.

Matulog

Nilalagay namin ito sa unahan dahil nais namin bigyan-diin ang halaga ng tulog.

Ang haba at kalidad ng tulog na nakukuha mo ay may epekto sa iyong emosyonal at pisikal na kalusugan. Ang kakulangan sa tulog ay mahahalata sa iyong kutis at magsasanhi sa iba’t ibang problema sa kalusugan kalaunan.

Paano mo gagawing mahalagang parte ang tulog sa pag-aalaga sa sarili? Umpisahan mong suriin ang mga nakaugalian mo gabi-gabi.

Umiwas kumain ng matatamis at uminom ng mga may kapeina bago matulog, dahil ang mga ito ay nakakagising lalo at nakakapuyat.

Huwag isipin ang trabaho pagkadating mo sa bahay. Iwanan ang trabaho sa opisina, at salubungin ang pahinga sa bahay. Ang stress ay nakakahadlang sa iyo na matulog nang mahimbing. Ang pagbabawas sa stress ay nakakatulong sa iyo na makalma at marelaks bago matulog.

Siguraduhin na ang iyong silid-tulugan o kwarto ay mabunting kapaligiran para sa pagtulog. Alisin ang mga nakakagambala gaya ng tv, laptop, selpon, atbp.

Ugaliing mag-ehersisyo

Hindi mo naman kailangan ng matinding ehersisyo araw-araw! 30 minuto ng kahit anong ehersisyong aerobic ay sapat na para pasiglahin ka at bawasan ang stress at balisa — higit pa, maaari ring mabawasan ang iyong timbang!

Magkaroon ng libangan

Ang libangan ay magandang paraan para malayo sa trabaho at stress. Pagpinta, pagluto, pagbasa, o pag-akyat man ng bundok, ang mga libangan ay nagbibigay sa iyong isip ng bago at sariwang gawain. Ang mga libangan ay nakakarelaks at nakakabigay ng enerhiya para sa trabaho.

Maglaan ng oras para sa mga kaibigan at pamilya

Ang pag-ugnay sa iyong mga mahal sa buhay ay magandang paraan para ma-engganyo sa iyong mga kailangan gawin. Ang pakikisalamuha ay pagkakataon mo na maghayag ng iyong mga problema o mga plano na iyong hinaharap. Mabuti rin na makakuha ng suporta at payo paminsan-minsan.

Lumabas

Ang paglabas ay pagkakataon mo para makawala sa karaniwan mong kapaligiran at magkaroon ng bagong paligid. Ayon sa mga pag-aaral, ang paglabas ay nakakabawas sa labis na kapaguran, at nalalabanan ang mga sintomas ng kalungkutan. Nakakabuti rin sa iyong tulog ang paglabas, lalo na kung may ginagawa ka ring pisikal na aktibidad habang nasa labas, gaya ng paglalakad o pag-akyat ng bundok.

Mag-isip ng tatlong mabuting bagay araw-araw

Kahit gaano kasama ng iyong araw, palaging mayroong kahit tatlong mabubuti o magagandang bagay na nangyari — baka nakakita ka ng kyut na aso, naka-inom ka ng paborito mong kape, o nabili mo ang paborito mong pagkain. Ang pagiging mapagsalamat sa dulo ng iyong araw ay nakakatulong na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay, at malabanan ang mga sanhi ng stress. Kung higit sa tatlo ang mabubuting bagay na nais mong pagnilayan, mas mabuti!

Matutong humindi

Ang iyong kapakanan ay mas mahalaga kaysa sa mga kailangan mong gawin o mga taong naghahanap ng iyong atensyon. Kung hindi mo gusto lumabas o gawin ang isang bagay, okay lang na humindi. Unahin ang iyong sarili bago ang ano man — gumawa lamang ng mga bagay, pumunta sa mga lugar, at sumama sa mga tao na komportable ka!

Napakahalaga ng pag-aalaga sa sarili lalo na sa panahon ngayon kung saan parang lahat ng tao ay nagmamadali o abala sa kani-kanilang trabaho. Mahalaga araw-araw ang pag-alaga sa iyong katawan, isip, at diwa, at hindi lamang kapag ika’y may sakit o nalulungkot. Kapag inumpisahan mo nang alagaan ang sarili, sisinag ang liwanag mula sa loob mo at makikita ito ng mga tao!

Ang pag-alaga sa sarili ay oras mo ring umugnay sa iyong sarili at maging komportable sa sariling katawan. Lalo kang magkakaroon ng kumpiyansa sa sarili kapag napahalagahan mo ang iyong sarili at katawan! Iyang kumpiyansa ay ang sikreto sa pagtrabaho nang mas mabuti, at pagkilos nang mas magaling sa kama! (*kindat*)

Ano pa ang ibang paraan para magpakita ng pag-aalaga sa sarili?

Mga pinagmulan:

https://www.psychologytoday.com/intl/blog/click-here-happiness/201812/self-care-12-ways-take-better-care-yourself

https://www.womenshealthmag.com/health/a24886599/self-care-routine-tips/

Please follow and like us:

2 thoughts on “Panahon Na Para Alagaan Rin Ang Sarili!

  1. Hi . Ask ko lang po sana ahm 9months na po ang baby ko via cs po ako then dinatnan ako last november 30 2019 to december 10, 2019 then this year 2020 in march ay patak patak lang po ang dugu ko ngayun sa month ng march wala naman po akong ibang nararamdaman maliban sa pagod lang kasi ako ang gumagawa ng trabaho sa bahay pati sa bag bantay kay baby so minsan na sabay2 ko na mag luto kahit akwat2 ko si baby ..

    Ano po kaya yong cause ko po sa patak2 na dugu ko pero malilit lng na dugu hindi naman gaano ka lakas .. maraming salamat po kung masagut man ito 😊

    1. Hi Daning! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress. Ang stress (pisikal o emosyonal) ay maaaring makaapekto sa katawan, pati na rin sa menstrual cycle. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay na rin sa obgyn para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon. Basahin po ito:
      https://doitright.ph/tl/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-iregular-na-siklo-ng-regla/

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon