fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Naaapektuhan Ng Stress Ang Iyong Buhay Sekswal?

How Does Stress Affect Your Sex Life

Ang sex ay isang mahusay na paraan upang mapawi ang stress; ngunit sa kabaligtaran, ang stress ay maaaring mapigilan tayo mula sa “malagay sa tamang kondisyon” para sa sex.

Mahirap na nga ang palaging nasestress, at napapalala pa nito ang hindi nagkakaroon ng pagkakataon na masayang makipagtalik.

Pagbaba Ng Libido

Ang stress ay sanhi ng paglabas ng cortisol ng katawan, ang hormone na madalas na nauugnay sa tugon ng stress. Kung napakaraming cortisol sa loob ng mahabang panahon, maaari nitong sugpuin ang mga sex hormones. Masyadong maliit na sex hormones ang humantong sa mas mababang libido.

Ang mga lalake ay mas mahihirapan na mapatayo ang kanilang ari kapag sila’y stress, habang ang mga babae ay maaaring mahirapa magpokus sa sandali, mapukaw, at maabot ang orgasmo.

Mapababa Ang Kumpiyansa Sa Sarili

Ang mga hormon dulot ng stress ay maaari ring makaapekto sa metabolismo. Kapag nangyari ito, ang katawan ay maaaring makaranas ng pagbabagu-bago ng timbang. Maaaring maging hindi komportable sa iyong katawan kapag napansin mo na ang mga negatibong pagbabago.

Maaari ring makita sa iyong mukha kung na-sestress ka. Mas madaling magkaroon ng mga kunot, fine line, taghiawat, at eye bag dahil sa stress. Maaari kang mawalan ng tiwala sa sarili kapag nakita mo nang lumitaw ang mga ito.

Kapag ang stress at ang mga epekto nito ay nagsisimula na nagpapakita sa pamamagitan ng iyong katawan, ang iyong kumpiyansa sa sarili ay bababa at baka mas gugustuhin mong iwasan makipagtalik muna.

Mas Mabilis Mainis

Mas madali kang magalit at maikli ang pasensya kapag ika’y na-sestress. Mas mabilis kang mainis kahit na sa pinakamaliliit na bagay, at mapipigilan kang malagay sa tamang kondisyon para sa seks.

Hikayatin Ka Gumawa Ng Mga Hindi Mabuting Gawi (Na Maaari Ring Makaapekto Sa Buhay Sekswal)

Maraming tao ang nahihikayat gumawa ng mga hindi mabuting gawi kapag sila ay na-sestress, at ang pag-inom at paninigarilyo ay ilan lamang sa kanila.

Ang alkohol ay maaaring malagay ka sa tamang kondisyon para sa seks, ngunit ang taong na-sestress ay maaaring sumobra at labis na uminom. Bukod sa masamang ideya na makipagtalik habang lasing, ang sobrang alkohol ay maaari ring gawing nakakabagot at hindi kasiya-siya ang pagtalik. Ito rin ay nag-aalis ng tubig sa katawan, na nakakabawas sa paggawa ng likas na pampadulas na kailangan para komportable ang pagtalik. Higit pa dito, ang beer belly ay totoo at napapalaki talaga ng alkohol!

Ang mga sigarilyo ay kilalang makapinsala sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Ang isa sa mga posibleng epekto nito ay ang erectile dysfunction. Ang paninigarilyo ay maaaring makahadlang sa mahusay na sirkulasyon ng dugo sa buong katawan kasama na ang ari ng lalaki, at ginagawang mas mahirap na mapanatiling nakatayo ang ari.

Nakakagulo Sa Mga Hormon At Siklo Ng Regla

Ang stress ay mayroon ding epekto sa pituitary gland, na kumokontrol sa mga obaryo (ovary). Kung ang mga obaryo ay hindi gumana nang maayos, ang siklo ng regla ay nagsisimulang maapektuhan din. Maaari itong humantong sa hindi regular na regla o ganap na paghinto ng regla. Maaaring nakakabigo ito lalo na sa mga nagsisikap na magbuntis.

Kung pakiramdam mong madalas kang mastress kamakailan, magandang ideya na maghanap ng mga nakakarelaks na aktibidad tulad ng ehersisyo, pagligo sa mainit na tubig, o masturbesyon (oo, masturbesyon). Makipag-usap din sa iyong kasosyo tungkol dito, at lambingin ang isa’t isa upang maibalik ang sabik!

Mga pinagmulan:

https://www.huffpost.com/entry/sex-and-stress_b_2463558

https://www.psychologytoday.com/us/blog/how-the-mind-heals-the-body/201412/the-stress-sex-connection

https://www.self.com/story/how-stress-affects-sex-life?verso=true

https://time.com/4408977/erectile-dysfunction-quit-smoking/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon