fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano nakakaapekto ang gut health sa sex life?

Ang iyong gut, o bituka, ay naglalaman ng bilyun-bilyong mabubuting bakterya, archaea, at fungi. Ang mga mikroorganismong ito ay nakakaapekto sa’yong relasyon sa partner mo, pati na rin sa’yong mental health.

‘Ika nga ni Hippocrates, lahat ng sakit ay nagmumula sa bituka, at kasama rito ang mga sexual disorders. Ang daan pala sa maligayang sex life ay sa bituka?!

Mood, pagnanasa, at pagpukaw

Serotonin — ang happy hormone — ay nagpupuksa sa pagkabalisa at depresyon.

Mga 95 porsyento ng serotonin mo ay nililikha ng bituka; at kapag hindi malusog ang iyong bituka, hindi makakarespunde nang mabuti ang iyong isip at katawan sa mga sexual stimuli o pagpupukaw. Ang pagkakaroon ng mababang antas ng serotonin ay nauugnay sa low mood, pagbaba ng sex drive, at ‘di gaanong kasiya-siyang pakikipagtalik.

Energy

Ang mga bakterya sa bituka ay tumutulong sa iyong katawan na maglikha ng vitamin B at mag-regulate ng blood sugar, na mahahalaga para sa produksyon ng energy. Kapag ‘di malusog ang iyong bituka, pwede kang makaranas ng mas madalas — at mas mahabang — pagbaba ng energy.

Kaya sa susunod na pakiramdam mong masyado kang “pagod” para makipagtalik, baka kailangan mong i-nourish ang iyong bituka.

Performance anxiety

Karamihan sa mga may gastrointestinal issues, tulad ng irritable bowel syndrome (IBS), ay nakakaranas ng performance anxiety dahil nangangamba sila na baka bigla magkaroon ng IBS episode sa kalagitnaan ng lambingan with babe.

Ang pagkabalisa at pangangamba ay maaari ring makaapekto sa libido, na siyang nagdudulot sa pagkawala ng mood para makipagtalik. Ang IBS ay maaari ring maging sanhi ng iba pang bagay: para sa mga lalaki, mas mataas ang tsansa na makaranas sila ng erectile dysfunction kapag mayroon silang IBS, at ang mga babae naman ay posibleng makaranas ng pananakit habang nakikipagtalik.

Paano malalaman kung mayroon kang problema sa bituka?

Kung nakakaranas ng alinman sa mga sumusunod na sintomas, mabuting kumonsulta na sa gastroenterologist:

  • brain fog
  • pangingirot ng mga kasukasuan
  • diarrhea
  • tibi
  • shifts in mood
  • exhaustion
  • sleep disruption
  • sugar cravings
  • pabago-bagong timbang

Pwede kang ipasailalim sa endoscopy o colonoscopy, o i-scan ang iyong tiyan para masuri kung anong problema. Maaari ring ipagpasa ka ng stool sample para masuri ng doktor ang microbiome sa iyong bituka.

At kahit hindi naman naaapektuhan ang iyong libido, mabuti pa ring kumonsulta sa doktor.

Paano mapapanatiling malusog ang bituka?

Maraming gastrointestinal disorder ang nauugnay sa dysbiosis, o pagkawala sa balanse ng mga bakterya sa bituka. Maaaring makatulong ang probiotics, mga mabubuting yeast at bakterya. Ang ilang halimbawa ay yogurt, kimchi, atsara, at miso.

Nakakabuti rin sa kalusugan ng bituka ang regular na ehersisyo, lalo na ang mga cardiovascular workouts. Sa iyong paggalaw-galaw, ang mga microbes sa iyong sistema na magbanggaan, saka nagdudulot ng chemical reaction. Natural itong paraan para mapaganda ang kalusugan ng microbiome.

Subukan magsingit ng 150 minuto ng cardio exercise bawat linggo, kahit mga 30 minuto ng pag-jogging araw-araw o pagbibisikleta sa inyong lugar.

Mga pinagmulan:

Gupta, A. (September 1, 2022). Did you know that your gut can affect your sex life? Here are 5 ways. Health Shots. Retrieved from February 27, 2023 from https://www.healthshots.com/intimate-health/sexual-health/gut-and-sex-life-here-are-5-ways-gut-issues-affect-sexual-health/ 

Kassel, G. (January 4, 2021). Could Probiotics Improve Your Sex Life? Unpacking the Gut-Sex Connection. Healthline. Retrieved from February 27, 2023 from https://www.healthline.com/health/healthy-sex/probiotics-gut-sex-life 

Lathrop, M. (n.d.). How Gut Health Can Affect Intimacy. Ombre. Retrieved from February 23, 2023, from https://www.ombrelab.com/blogs/mood/gi-problems-and-sex#:~:text=Gut%20Health%20and%20Intimacy&text=In%20fact%2C%20research%20has%20shown,situations%20as%20they%20normally%20would 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon