fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Blast Off: Wastong Pagbulalas Para sa Mga Lalaki

Para sa iba, ang climax ang pinakamasarap na bahagi ng pakikipagtalik. Bagama’t ilang segundo lang ito para sa ating mga lalaki, kakaiba ang lupit at sarap na nararanasan natin sa tuwing nilalabasan.

Pero siyempre, ‘pag tayo’y nagbulalas sa dulo ng pagtatalik, hindi tayo nag-iisa. Kaya importanteng malaman natin pa’no labasan sa wasto at disenteng paraan.

Heto ang ilang tips para sa “ejaculation etiquette” o tamang pagbulalas.

‘Wag magpasabog sa kung saan mo gusto! 

Una sa lahat: HINDI ka dapat magpasabog o magpatalsik ng semilya nang hindi muna nagsasabi. Bastos ito at maaari nitong ma-trauma ang partner mo.

Maaari rin nitong maipadama sa partner mo na sarili mo lamang ang iniisip mo.

Dahil diyan, mahalagang…

Pag-usapan niyo ang mga gusto niyong gawin sa kama. 

Ang sexy time ay mas masaya kung alam niyo ng partner mo ang mga gusto ng isa’t-isa.

Maraming maitutulong ang pag-uusap tungkol sa inyong sexual preferences o mga ninanais maranasan. Tanungin mo ang partner mo kung ikatutuwa niya bang “mabaril” o “matalsikan.” Kung oo ang isasagot niya, alamin mo kung saan niya gustong matamaan ng iyong semilya.

Sabihan mo ang partner mo ‘pag malapit ka nang labasan.

Communication is key, kahit sa sex! Tama lang na ipaalam mo sa partner mo na malapit ka nang “magpasabog.” Magalang ito, at dapat talagang ugaliin sa tuwing nag-iinit tayo.

Sa pagsunod sa mga tip na ito, masisiguro mong magkakaroon ng “happy ending” ang pagtatalik niyo ng partner mo. Pero, may isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan.

Ang pagtatalik ay hindi nagwawakas pagkatapos ng pagbulalas.

Napag-usapan na natin dati ang halaga ng sexual aftercare. Ang bedroom workout ninyo ay hindi agad natatapos dahil lamang sa pag-climax. Hindi ka dapat tumayo na lang bigla para mag-asikaso ng mga normal na gawain.

Mahalagang panatilihin ang init sa inyong pagsasama, na maaari mong gawin sa maraming paraan. (Tingnan mo ang article namin sa sexual aftercare para sa karagdagang impormasyon. Basahin mo na rin ang article namin sa mga ‘di dapat gawin ng mga lalaki pagkatapos ng sexy time.)

Pinagmulan:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon