ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paghugot

Withdrawal, Male, Traditional Contraceptive

Sa Isang Sulyap:

  • Ang ari ng lalaki ay inilalabas mula sa ari ng babae upang maiwasan ang pagpasok ng semilya sa ari ng babae.
  • 73% epektibo sa tipikal na gamit; 96% epektibo sa perpektong gamit
  • Mahirap gawin nang perpekto sa lahat ng oras
  • Hindi nagpoprotekta laban sa STIs (sakit na naipapasa sa pagtatalik)
  • Walang hormon o ibang aparato
  • Libre

Ano ito?

Ang paghugot (ng ari ng lalaki) o withdrawal ay karaniwang ginagamit ng mga mag-asawa sa Pilipinas. Habang nakikipagtalik, susubukan ng lalaki na magbulalas sa labas at malayo sa ari ng babae. Ipinagpapalagay na ang semilya ay hindi didikit sa itlog ng babae upang maiwasan ang pagsasanib ng semliya at itlog (fertilization).

Ang metodong ito ang ay hindi gaanong epektibo sapagkat sa tipikal na gamit, 27 mula sa 100 babae ang mabubuntis bawat taon. Kapag ito ay naisagawa nang tama sa lahat ng pagkakataon (mahirap itong makamit), 4 mula sa 100 na babae ang mabubuntis bawat taon.

Paano ito gumagana?

Napipigilan ng withdrawal ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil sa semilya na makarating sa ari ng babae. Ibig sabihin, walang kahit isang semilya ang nai-deposito sa ari ng babae. Hindi maaaring magkaroon ng pagbubuntis kung walang semilya.

Ang mga mag-asawang mayroong mahusay na kontrol sa sarili, karanasan, at tiwala ay maaaring gumamit ng metodong withdrawal sa epektibong paraan. Ang mga lalaking gumagamit ng withdrawal ay dapat makatiyak sa punto kung kailan mangyayari ang bulalas. Kung hindi kayang tukuyin ang sandaling ito, hindi magiging epektibo ang withdrawal.

Laging tandaan na walang proteksyon laban sa STIs ang withdrawal. Gumamit ng latex condom o pambabaeng condom upang mabawasan ang peligro na makakuha ng STIs at di planadong pagbubuntis.

Paano ito gamitin?

Ang metodong withdrawal ay nakasalalay sa kontrol ng lalaki. Kailangan niyang sigurihin na alisin ang kanyang ari mula sa ari ng babae bago siya magbulalas at malayo ang semilya mula sa bulba ng babae. Kaya kailangan kabisado ng lalaki ang kanyang sariling katawan pagdating sa pakikipagtalik. Magpakatotoo tayo. Paano kung namiskalkula ng lalaki ang kanyang reaksyon? Paano kung ang mag-asawa ay parehong lunod sa kalagitnaan ng aksyon? Napakaraming di kanais-nais ang maaaring mangyari sa paggamit ng metodong ito. 

Mga positibo:

  • Libre
  • Maaaring maging epektibo kapag perpekto ang paggamit

Mga negatibo:

  • Hindi maaasahan
  • Nangangailangan ng matinding kontrol sa sarili
  • Walang proteksyon laban sa STIs
  • Mahirap maisagawa nang maayos sa lahat ng pagkakataon

Mga Pinagmulan: https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/withdrawal-method/about/pac-20395283

https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/withdrawal-pull-out-method

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon