fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagkabaog Ng Lalaki

reproductive health, family planning, male infertility

Ang isang mag-asawa ay itinuturing na may problema sa pagbuo ng sanggol kapag sinubukan nila ang magbuntis sa loob ng isang taon nang walang tagumpay. Mahigit sa 1 sa 10 na mag-asawa ang nakakaranas ng pagkabaog.

May panahon na inakala ng mga tao na ang pagkabaog ay problema lamang ng mga babae. Ngunit ang mga kalalakihan ay maaari ring magkaroon mga problema sa kanilang semilya. Kapag ang isang mag-asawa ay nahihirapan sa pagbubuntis, ito ay kadalasang dulot ng problema sa pagsasanib ng semilya at itlog. Ito ang dahilan kung bakit ang parehong babae at lalaki ay kailangang masuri kung sila ay may suliranin sa pagbubuntis.

Una, mahalagang malaman na maaaring tumagal ng isang taon para ang isang babae ay mabuntis. Ito ay itinuturing na normal. Karamihan sa mga tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay nagmumungkahi na maghintay ng isang taon bago sumailalim sa ng infertility testing. Kung sinubukan mo at ng iyong kapareha na magbuntis nang higit sa isang taon, maaaring oras na upang kumunsulta sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan.

Ang ilang mga problema sa kalusugan ay maaaring makabawas sa kakayahan ng isang lalaki na mabuntis ang isang babae. Kumunsulta sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan nang mas maaga kung mayroon kang kasaysayan ng:

  • Cystic fibrosis
  • Injury o trauma sa iyong scrotum and testes
  • Problema sa erection
  • Problema sa ejaculation

Ang pagkabaog ng lalaki ay mayroong iba’t ibang mga kadahilanan, ngunit ang pinakakaraniwang sanhi nito ay nauugnay sa bilang at kalidad ng semilya. Kasama sa mga problemang nauugnay sa semilya ang:

  • Mababang bilang ng semilya
  • Mabagal na paggalaw ng semilya na dahilan upang mamatay ito bago maabot ang itlog
  • semilya na hindi nabuo nang tama
  • seminal fluid na masyadong makapal – ang semilya ay hindi makagalaw sa paligid nito
  • walang semilya

Ang mga problema na nauugnay sa semilya ay maaaring resulta ng labis o masyadong kaunting produksyon ng ilan sa mga hormone na gumagabay sa paggawa ng semilya.

Ang isa pang sanhi ng kawalan pagkabaog ng lalaki ay ang problema sa ejaculation. Sa ilang mga kaso, ang mga tubo sa loob ng mga male reproductive organ ay may harang. Kung gayon, maaari kang mahirapan sa pag-ejaculate, o walang lumalabas sa tuwing ikaw ay magkakaroon ng orgasm. Sa ilang mga kaso, walang matukoy na dahilan para sa pagkabaog ng isang tao. Ito ay tinatawag na unexplained pagkabaog. Bagamat nakapanlulumo ito, may mga lunas at pamamaraan pa rin na maaari mong subukan.

May ilang mga aktibidad ay maaaring magpalala sa pagkabaog tulad ng radiation treatment para sa cancer, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, alkohol o sigarilyo, madalas na exposure sa mga pestisidyo at lead, o pinsala sa scrotum o testes.

Bagamat ang pagkabaog ng lalaki ay isang nakalulungkot at nakakatakot na problema, mayroong lunas dito. Sa Pilipinas, ang paggamot rito ay depende sa lebel ng pagkabaog.

Kapag “pre-testicular”, sila ay maaaring resetahan ng gamot sa hormon at iba pang tulad nito. Para sa “testicular” at “post-testicular”, ang mga ospital na mayroong “Intrauritine Insemination” (IUI) at “Intracytoplasmic Sperm Injection” (ICSI) ay kayang tumulong dito.

Ang mga lalaking may “testicular” na pagkabaog ay maaaring magkaanak sa IUI, na kung saan ang kanilang sperm ay direktang ituturok sa egg cell ng kanilang asawa.

Ang ICSI ay para naman sa may mas malalang problema o “post-testicular” na pagkabaog. Dito, ang lalaki ay direktang kinukuhaan ng sperm mula sa kanilang bayag o “testicles” para maiturok sa egg cell ng babae.

Depende sa kadahilanan ng pagkabaog, ang haba at uri ng lunas at gamutan ay magkakaiba. Kung ikaw ay may mga sintomas ng pagkabaog, mangyaring kumunsulta sa isang doktor.

Pinagmulan: https://www.plannedparenthood.org/learn/men/male-infertility#sthash.7CYcRFnN.dpuf

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon