fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Oras Na Bang Mag-Pregnancy Test?

Is It Time To Take A Pregnancy Test-min

Tingin mo buntis ka? Madaling gawin ang pregnancy test — kailangan mo lang ay ang iyong ihi.

Kailan ko dapat gawin?

Ang mga dahilan ay maaaring mag-iba-iba sa bawat tao, ngunit narito ang ilang karaniwang mga palatandaan na nangangahulugang magandang ideya na mag-pregnancy test:

Hindi dinatnan ng regla

Ang nalagpasan na regla ay isa sa una at maaasahang mga senyales ng pagbubuntis.

Ang pagtukoy kung huli ba o hindi ay maaaring maging mahirap kung hindi mo karaniwang sinusubaybayan ang siklo ng regla mo. Ang mga babae ay karaniwang may 28-araw na siklo ng regla. Mabuting mag-pregnancy test kung higit sa isang buwan na ang lumipas mula noong huling regla mo. Halimbawa, tuwing ika-5 ng kada buwan ka karaniwang dinadatnan ng regla. Pero isang linggo na ang lumipas at wala ka pa ring regla. Maaari ka nang mag-pregnancy test sa ika-12, pataas.

Tandaan na ang iba pang mga kadahilanan tulad ng stress, diyeta, ehersisyo, at kondisyong medikal ay maaari ring maantala o laktawan ang iyong panahon.

Kumunsulta sa doktor kung nakakaranas ka ng pagdurugo at positibo ang resulta ng iyong pregnancy test.

Nakakaranas ng pamumulikat.

Maaari kang makakaranas ng mga pamumulikat na katulad ng pananakit ng puson kapag nangyari ang implantasyon. Sa unang yugto ng pagbubuntis, maaari mong maramdaman na hindi ka komportable at aakalain mo na dadatnan ka lang ng regla — ngunit pagkatapos ay hindi pala ito darating.

Masakit ang mga suso.

Ang pagbubuntis ay sanhi ng iyong katawan na makagawa ng higit pang estrogen at progesterone. Ang mga hormon na ito ay gumagawa ng mga pagbabago sa iyong katawan upang suportahan ang paglaki ng sanggol.

Ang pagtaas ng daloy ng dugo ay maaaring sanhi ng pamamaga at parang paglaki ng mga suso. Masakit ang iyong mga utong at parang mas maitim ang mga ugat sa ilalim ng balat.

Ang sintomas na ito ay hindi palaging nagmumungkahi ng pagbubuntis dahil ang pananakit ng mga suso ay nararanasan din bago dumating ang regla.

Iba ang pakiramdam.

Bukod sa mga pamumulikat at masakit na mga suso, maaari mo ring maranasan ang sumusunod sa umpisa ng pagbubuntis: 

  • Naduduwal
  • Pihikan sa pagkain
  • Kapaguran
  • Madalas na pag-ihi

Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumala habang lumilipas ang mga linggo bago ang iyong HCG (human chorionic gonadtropin) ay nababalanse sa huli ng unang trimester (unang tatlong buwan). Bigyang-pansin ang iyong katawan at bantaya para sa anumang mga sintomas na maaaring humikayat sa iyo na mag-pregnancy test.

Nabigo ang kontrasepsyon.

Ang mga kontraseptibo ay laging may kaunting tsansa na mabigo, lalo na kung hindi ginamit nang maayos o palagi. Ang nakaligtaan ang isang pildoras, o ang condom ay hindi nasuot nang maayos ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga pagkakamali ng tao na maaaring mabawasan ang bisa ng kontraseptibo. Ang pagkonsulta sa isang tagabigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaaring makatulong sa iyo na matukoy kung aling mga kontraseptibo ang angkop sa iyong pamumuhay.

Kung sa palagay mo ay nabigo ang iyong kontrasepsyon at napansin mo ang alinman sa mga sintomas na nabanggit sa itaas, baka gusto mong isaalang-alang ang pagkuha ng pregnancy test.

Gaano kaaga ko ba dapat ito gawin?

Pitong araw pagkatapos ng nalagpasan na regla ay magbibigay ng pinakatumpak na resulta. Nagbibigay ito sa iyong katawan ng sapat na panahon upang makagawa ng nakikitang antas ng HCG, isang hormon ng pagbubuntis na pinapakawalan ng katawan matapos na maglakip ng napertilisang selulang itlog sa uterine lining. Gawing ang pregnancy test sa iyong unang paggamit ng banyo sa umaga, o pigilan ang iyong ihi sa loob ng ilang oras upang tumaas ang konsentrasyon ng HCG hormone.

Saan ako makakakuha ng pregnancy test kit?

Ang mga pregnancy test kit ay nabibili sa mga nangungunang botika. Mayroong iba’t ibang mga tatak na pwedeng pagpilian, ngunit ang mga mas mahal ay hindi naman talagang mas tumpak. Lahat sila’y tumpak basta sundan ang mga tagubilin nang tama.

Paano ito gumagana?

Ang iba’t ibang mga tatak ay maaaring may iba’t ibang mga tagubilin, ngunit ang lahat ng mga ito ay mangangailangan lamang ng iyong ihi. Makikita nila ang mga bakas ng HCG sa iyong ihi, kaya mahalagang bigyan ng sapat na panahon ang iyong katawan na magpakawala ng HCG. Laging basahin at sundin nang mabuti ang mga tagubilin upang matiyak na tumpak ang resulta.

Tumpak ba ito?

Ang mga pregnancy test ay lubos na tumpak kung gagamitin ito nang tama. Gayunpaman, maaaring hindi tumpak ang resulta kung masyado mong maaga ginawa. Pinakamabuting gawin ito pagkatapos mong napalampas ang iyong nalagpasan na regla. Mahalaga rin na suriin ang petsa ng pag-expire dahil hindi nito masisiguro na tumpak ang resulta.

Ano ang dapat kong gawin pagkatapos makuha ang resulta?

Kung negatibo ang iyong resulta, ngunit tingin mo pa rin na buntis ka, gawin ulit ito pagkatapos ng ilang araw. Bisitahin ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan kung negatibo uli ang resulta pero nakakaranas ka pa rin ng mga sintomas ng pagbubuntis.

Kung positibo ang resulta, nangangahulugan ito na buntis ka. Maaari mong ulitin kung nais mong siguraduhin. Maaari mong bisitahin ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan para sa follow-up na pagsusuri, at para sa kapaki-pakinabang na impormasyon at payo para sa iyong pagbubuntis.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/pregnancy/five-signs-to-take-pregnancy-test#contraceptive-failure

https://www.plannedparenthood.org/learn/pregnancy/pregnancy-tests

Please follow and like us:

197 thoughts on “Oras Na Bang Mag-Pregnancy Test?

  1. Hello po ask ko lang po kasi 7days nakong delay and may nangyari po nung Oct. 28 safe naman po ako that time and nag PT na po ako kahapon nag result ng negative kaso po nakakaramdam ako ng pagiging bloated and may anxiety and depression po kasi ako, pwede po ba na iyon ang maging cause ng pag delay ng regla ko

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon