fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Sekswal na Give-and-Take: Gabay sa 69 Para sa mga Lalaki

Ang sexy time ay isang gawain na pang-dalawang tao. Kailangan nito ng sabayang pagbibigay at pagtanggap, at kapansin-pansin ito sa 69.

May mga ibang magsasabing ito ang pinaka magandang sex position dahil pwede itong magawa ng kahit sinong mag-partner. Bukod pa diyan, sabay na mapapaligaya ng bawat partner ang isa’t-isa sa posisyong ito. At ‘yun ang pag-uusapan natin sa article na ito!

Kaya, mga pre, maghanda na kayo sa ating tatalakayin: ang mga technique sa pag-master ng isang intense na sex position. Pag-aralan natin ang 69: ang posisyong may give-and-take ng sarap!

Ano ito?

Ang 69 ay isang sex position kung saan ang mag-partner ay sabay na nagbibigay (at tumatanggap) ng oral sex. Habang may isang partner na nakahiga, ang isa pa ay nasa ibabaw niya, gaya ng itsura ng numerong “69.”

How do we #DoItRight?

Bagama’t simple lang ang konsepto ng 69, may mga bagay pa rin tayong pwedeng gawin para siguraduhing magagawa natin ito nang swabe’t walang palya. Gaya sa marami pang sekswal na aktibidad, malaki ang maiaambag ng epektibong komunikasyon, preparasyon, at tamang pag-eenjoy. Sa tulong ng mga ito, makakatiyak kayong kaliga-ligaya at ‘di malilimutan ang karanasan niyong ito ni babe.

Makipag-usap at Humingi ng Consent

69 ang pinag-uusapan natin. Isa itong sekswal na give-and-take. Ibig sabihin, okay dapat sa inyong pareho na gawin ito. Kung meron man sa inyong may ayaw, ayos lang dapat ‘yun, at dapat siyang mapakinggan. (‘Wag mag-alala, napakarami pang sex positions na pwedeng i-try.)

Pero kung pareho wala kayong alinlangan sa oral sex, edi yehey! Heto ang mga tips para mag-enjoy kayo.

Maghanda

Bago kayo mag-69, alamin muna paano magbigay at tumanggap ng oral sex. Buti na lang, pwede kayong kumuha ng crash course namin na Oral Sex 101 para sa mga Lalaki. (We got’chu, mga pre!)

Ang 69 ay puno ng kapana-panabik na ligaya at excitement, lalo na kung ang parehong partners ay may tamang hygiene. Sabay kayong magsasagawa ng oral sex, kaya kailangang maghugas ng ari para makasigurong mag-eenjoy kayong pareho!

Bilang lalaki, baka magustuhan mong gumamit ng flavored condoms. Ang mga ito ay ginagawa para sa oral sex mismo. At kung ang nais mo ay mabigyan ng masarap na karanasan si babe, baka flavored condoms ang susi!

Mag-enjoy

Sa pagsimula niyo sa 69, huwag kalimutang enjoy-in ang moment. Lasapin mo ang intense na koneksyong dala ng posisyon. Mag-ingat din, siyempre! Iwasan mong matamaan ng iyong tuhod o hita ang mukha ng partner mo.

‘Pag tama ang pagsasagawa sa 69, ang posisyon na ito ay pwedeng magpakilig at magpaligaya ng inyong labing-labing, lalo na kung susubukan niyo ito na may kasamang consent, preparasyon, at tuwa. Kaya naman, mga pre, enjoyin niyo ang wild ride na ito. Nawa’y maging abot-langit ang ligaya’t koneksyon niyo ni babe ‘pag ginawa niyo ito.

Pinagmulan:

  • Manley, A. (2019, April 18). What you need to know about properly 69ing. AskMen. https://bit.ly/3O8iegY
  • Imahe mula kay Rahim miah sa Vecteezy
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon