fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Yayain ang Partner mo na Bigyan ka ng Oral

Alam naman nating lahat na ang maayos na komunikasyon ay susi sa isang malakas at kasiya-siyang relasyon, lalo na pagdating sa sexy time. Importante ang maayos na pakikipag-usap sa pagbuo ng safe space kung saan malaya kayo ng partner mo na magbahagi ng mga pagnanasa, pantasya, at boundaries.

Pero minsan, kailangan itong pag-aralan. Maaaring may mga topic o request na hindi madaling pag-usapan, gaya ng pag-request kay partner na bigyan ka ng oral.

Bagama’t parang mabigat na pag-uusap ang kailangan para rito, sa tamang diskarte, posible kayong magkaroon ng malinaw na usapan ni babe tungo sa isang malupit na pagsasama sa kama. At humanda na kayo dahil ‘yun mismo ang pag-uusapan natin sa gabay na ito!

Bakit may mga babaeng ayaw mag-oral sex?

Bago ang lahat, pasadahan muna natin ang tanong na ito. Iba-iba tayong lahat ng mga preference o gusto pagdating sa pakikipagtalik. May mga babaeng hindi lang talaga komportable sa pag-blowjob. Esensyal na tandaang ang personal na kagustuhan ng iyong partner ay hindi personal na atake laban sa’yo. Dapat itong respetuhin at tanggapin.

May mga babaeng sensitibo sa kanilang nalalasahan, o ‘di kaya’y maselan sa oral sex. Meron din namang mga may trauma o negatibong karanasan na konektado sa oral sex, kaya ayaw na nila ngayong gawin ito. At may mga iba namang hindi lang talaga interesado rito.

Anuman ang dahilan, mahalagang intindihin ang iyong partner at i-validate ang kanyang nararamdaman. Isang step ‘yan tungo sa pagpapatibay ng inyong pagsasama.

Ano ang pwedeng gawin para bigyan niya ako ng BJ?

Paano nga ba mag-request ng oral sex mula sa iyong partner? Meron kaming tips para diyan! Una sa lahat, siguraduhin mo munang may safe space para sa iyong partner. Kailangan aykomportable siyang pag-usapan ang pakikipagtalik.

Itanong mo, at respetuhin ang anumang isasagot niya.

‘Pag handa ka nang makipag-usap, maging sensitibo ka’t maunawain. Sabihin mo kay babe ang iyong mga gustong maranasan sa sexy time, at maging handa kang makinig kung may sasabihin siya. Tandaan mong hindi lahat ng tao ay komportable sa oral sex. Kung sakaling ayaw ni partner, wala kang magagawa dun. Pero kung sakaling game siya, edi maging game ka rin!

Subukan ang flavored condoms!

Kung hindi gusto ng partner mo ang amoy o lasa ng oral sex, baka naman makakabuti ang paggamit ng flavored condoms. Ang mga ito ay ginagawa para mismo sa oral sex. Maaaring sa pamamagitan ng isang flavored condom, magustuhan ng karelasyon mo ang oral sex.

Mag-focus sa mutual pleasure.

Ang pakikipagtalik ay isang two-way street. Ibig sabihin, kailangan ng give-and-take. Kung may mga gustong maranasan ang iyong partner bilang kapalit ng blowjob, subukan mong ibigay ang mga ito sa kanya. Kung may kasunduan kayo’t masaya sa mga matatanggap niyo, yehey!

Sa pamamagitan ng tapat at malinaw na komunikasyon, makakatiyak kayong magiging masaya at matino ang inyong pagsasama. Pagdating sa mga sensitibong topic gaya ng oral sex, kailangan ng lubos na pag-iingat, respeto, at malinis na intensyon. Tandaan mong lahat ng tao ay natatangi, at ang pinaka-importanteng bagay sa isang relasyon ay makabuo ng malinis na koneksyon. 

Pinagmulan:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon